Joshua's POV
"Guys! Dinner na tayo!"
Dali-dali naman kaming tumungo sa dining area. Nadatnan naman namin si Kyle na prenteng nakaupo sa dining.
"Yow Kyle!," bati ni Blake kay Kyle. Pero tinaasan lang ng kilay ni Kyle si Blake, kaya simangot ang loko.
Napatingin naman ako sa hinandang dinner ni Ash. And that's explain na gutom na ako, dahil mabilis din akong umupo at kumuha ng pagkain.
"Da' best ka talaga Ash! Wala paring kupas ang hinahanda mong pagkain, masarap pa din ah," sabi ni Ethan habang nilalantakan ang adobo. May sasabihin lang ako sa inyo tungkol kay Ethan.....Siya kasi ang pinakamatakaw sa grupo namin...hehehe...
"Kumain na lang nga kayo diyan," sabi ni Ash.
Patuloy na lang kaming kumain, pero may halong kwentuhan at biruan din naman. At ang pinakamadaldal, ay si Blake. Siya lang naman ang palaging happy-go-lucky sa amin.
"Guys may joke ako!" nakangiting sabi ni Blake.
"Oh ano?"
"Anong hayop ang nagsasalita ng bakit?"
"ANO?"
"Eh di.....UNGGOY!"
Bigla naman kaming natahimik, kaya ako na lang ang bumasag nito.
"Bakit?" Tanong ko, pero bigla namang tumawa ng malakas si Blake. At sumunod na din si Ethan na lumagapak ng tawa. Problema ng mga to?
"Bakit ba? Anong nakakatawa?" Sabi ko na ikinalakas ng tawa ng dalawa. Ipadala ko na kaya sila sa mental.....
"Eh kasi Josh, ang unggoy daw kasi ang nagsasalita ng bakit," natatawang sabi ni Ethan.
"Anong connect?" Naguguluhang tanong ko.
"Ikaw kasi ang nagsalita ng bakit, kaya ikaw yong ung---"
"ANONG UNGGOY? Ang gwapo kong sarili ay tinatawag niyong unggoy?" singhal ko sa kanila.
"Ahh.....oo?," sabi ni Ethan na mukhang nagpipigil ng tawa.
"Baka gusto niyong tusukin ko kayo diyan?," sabi ko habang dinuro-duro sa kanilang dalawa ang tinidor.
"Itigil niyo na nga yan," sabi ni Dwight pero patuloy padin sila sa pagtawa.
"Pft...hahahahahahaha..."
"OH MY GANGSTERS!"
Bigla naman kaming natigilan lahat at lumingon sa likuran namin. Nakita namin si amazona girl na nakatapat ang phone niya sa tenga. Mukha naman siyang gulat na gulat.
"Oh princess, mag-dinner ka na."
Napalingon naman kami kay Ash bago kay amazona girl."Ahh...oo.....Mamaya na lang tayo mag-usap Kristel.....Basta mamaya na lang, bye Kris..." Sabi niya at binaba ang phone niya.
"What's the meaning of this?" Takang tanong niya at pumameywang.
"Kumain ka na lang ng dinner Alli, just save your questions," sabi ni Ash at nagpatuloy sa pagkain.
"Okay...just prepare yourself dahil magkakaroon ka ng interview mamaya." Umupo naman si amazona girl sa bakanteng upuan, na nagigitnaan ni Ash at Ethan. Pero napatigil naman ako sa pagnguya ng pagkain, nang bumaling siya sa akin at tingnan ako ng masama. Tinaasan ko naman siya ng kilay kaya umiwas agad siya ng tingin...
Alli's POV
Kainis ah! Ano ba kasi ang ginagawa ng mga ugok na ito dito sa bahay? May birthday party bang ginaganap? Eh kumakain lang naman kami ng dinner ng tahimik.....Eh? Hindi pala tahimik, dahil sobrang ingay nila. As in!
"Hoy Dwight paabot naman nong kanin." Utos ni Blake kay Dwight, habang pilit na inaabot yong kanin.
"Tss!" Inis namang inabot ni Dwight ang kanin kay Blake. Grabe! Ang dali namang magalit ni Dwight.
"Hey guys! May joke pa pala ako." Sabi ni Blake habang ngumunguya.
"Itikom mo na lang yang bibig mo Blake. Naiinis na ako sa mga corny mong joke," sabi ni tukmol at itinikom ang bibig ni Blake. Napairap naman siya, para siyang bading.
*****
Tapos na kaming kumain kaya nakatambay ako sa sala, kasama si tukmol, Ethan, Blake, at yong Dwight.
Nakaindian sit ako sa upuan ko na nakaharap sa kinalalagyang sofa ng mga ugok. Binibigyan ko naman yong tatlo ng death glare every time na tumingin sila sa akin. Yong tatlo lang, dahil si Dwight ay nakapikit habang nagsasound-trip. Si Kuya naman ay nasa kwarto na niya, at yong Samuel at Kyle ay nasa kwarto kuno daw nila.
Tss. Kaya pala maraming kwarto ang bahay na to...
"Ahh.....Punta na akong kwarto guys..." sabi ni Ethan habang nag-iistreching, kaya napaatras siya dahil sa masamang death glare ko. Dapat lang na katakutan nila ako, dahil nandito sila sa kinatitirahan ko.
"Oo nga Ethan. Matulog na kaya tayo." Sabi din ni tukmol at nagmamadaling sumunod kay Ethan. Napabuntong-hininga muna ako bago binalingan si Blake na parang matatae na.
"Anyare sa'yo? Para ka namang natatae diyan," inis kong sabi sa kanya kaya napatayo siya agad.
"Ahh...Alli?" napataas naman ang kilay ko. "Pwedeng cr muna ako?" tanong niya kaya umalis na siya agad bago matikman ang tsinelas ko.
Bwisit yong mga yun! Tibakbuhan lang ako!
Napabaling naman ang atensyon ko kay Dwight, nang tumayo siya sa pagkakaupo at dire-diretsong naglakad patungo sa second floor. Aish!
What in the world is really happening in this house?!
Bigla namang may naconduct na idea ang brain cells ko, kaya dali-dali din akong umakyat sa second floor at nagtungo sa kwarto ni kuya. Pumasok naman ako ng walang pasabi-sabi, at bago pa makareact si kuya ay pinatay ko na ang ilaw at in-on ang lampshade.
"Anong kailangan mo Alli?" tanong ni kuya pero hindi ko siya sinagot at kinuha ang flashlight na nasa side table.
"Ano nanamang paandar yan?"
"Wag mo na lang yan pansinin kuya, at sagutin mo ang mga tanong ko." Nagsigh muna si Kuya bago tumango kaya agad kong itinutok ang flashlight sa kanya.
"Kailangan ba talaga yang flashlight?"
"Oo naman Kuya, para feel na feel mo yong pagsagot."
"O sige..."
"Okay Kuya! Sino ba talaga yong mga ugok na yun?"
>3<>3<>3<>3<>3<
A/n: Sorry kung ngayon lang ako naka-update. You know na pasukan na ngayon. At sorry din guys kung maikli lang itong chapter na ito. Babawi ako next chapter guys~~
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
Teen FictionI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...