Chapter 14 (Their HQ)

3.8K 119 2
                                    

Blake's POV

Napatingin ako sa entrance ng HQ nang bumukas ito at iniluwal si Asher.

"Kumusta kayo dito?"

"Humihinga pa naman kami, Asher." Napangiwi ako sa sinabi ni Josh. Sinamaan naman siya ng tingin ni Ash.

"How's the academy?" tanong ni Samuel na nakadekwatro sa sofa, at malamang kasama niya si Ms. Book.

"Okay lang naman ang academy."

"I'm sure umiiyak na ang mga kababaihan ngayon."

"Bakit naman sila iiyak?" tanong ko kay Josh.

"Iiyak sila dahil namimiss na nila ang kagwapuhan ko."

"Walang iiyak dahil sa pagmumukha mo Josh..." Sabi ni Ethan na nakatutok sa cellphone niya.

"At bakit naman wala? Ha Ethan?"

"Hoy Ethan! Answer me—"

Natigil kami sa kanya-kanyang naming ginagawa, nang tumunog ang buzzer na connected sa code bar na nasa entrance ng HQ. Tutunog lang ito kapag mali ang nilagay mong passcode.

"Sino yun?"

"Baka si Dwight. Diba siya lang yong umalis?"

"Si Dwight?" takang tanong ko kay Ethan.

"It's not Dwight. Dwight is the one who set up the passcode." Sabi naman ni Samuel.

"Are you sure na walang nakasunod sayo papunta dito, Ash?" Tanong niya kay Ash.

"I don't know..."

Sabay-sabay naman kaming napamura.

"Let's check the cctv's." Napatango ako sa sinabi ni Ash. Kaya sabay-sabay kaming nagtungo sa security system room ng HQ.

Pagkapasok namin sa security system room, ay naabutan namin si Kyle na nakaupo sa swivel chair kaharap ang mga computers.

"Nandito ka lang pala, Kyle." Hindi sumagot si Kyle at binigyan lang ako ng cold stare. Ang cold talaga niya.

"There." Tinuro ni Kyle ang isang computer na may cctv footage ng entrance.

"F*ck!" Napamura agad kami ng mapagtanto ang dalawang tao na nasa labas.

"Anong ginagawa ni Allison at Kristel diyan?" tanong ni Ethan.

"Let's ask Asher..." Binalingan namin si Ash.

"Sorry guys...Mukhang ako nga ang sinundan nila." I pat Asher's shoulder.

"It's okay, Ash..." Sabi namin ni Josh at Ethan, habang si Kyle at Samuel ay tango lang ang sagot.

"So anong gagawin natin sa mag-bestfriend na yan?" tanong ni Ethan.

"Ako na ang bahala sa dalawang yan mga men." Nakatanggap naman ng masamang tingin si Josh kay Ash at Sam. Kaya napaatras agad siya.

"Ehhh...sabi ko nga kayo ang bahala."

"Ipasok niyo na lang yang dalawa..."

"Sure ka, Kyle?" Tanong ko at tumango lang siya.

"Tara na!" Sabi ko at hinila si Josh at Ethan.

"At—" napatigil ako at tiningnan si Kyle.

"—gapusin niyo kong kinakailangan."

"What!" Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Sabi ko nga...Tara na nga!"

*****

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon