Chapter 37 (Kate's Advice)

2.8K 79 25
                                    

Kristel's POV

"Ito na po ang order mo, ma'am Kristel." Sabi ng waitress sabay lapag ng pinaorder ko sa mesa.

Nilingon ko ito at nginitian.

"Thanks..." I said.

"Your welcome po, ma'am."

Kinuha ko ang tinidor at kumuha ng maliit na slice ng red velvet cake na inorder ko. Akma ko itong isusubo nang tumunog ang phone ko na nakalapag sa mesa. Aist! Panira!

Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Best Allison Calling...

Ay! Si bestfriend tumatawag!

"Hello-"

(KYYAAHHH!!! KRISTEL!!!)

Inalis ko sa pagkakadikit sa tenga ko ang phone ko dahil sa lakas ng tili ni Alli sa kabilang linya. Ano na namang problema ng babaeng ito?

(KRISTEL! ARE YOU THERE?!!)

"Oh my ghad Alli! 'Wag ka ngang tumili!"

(Oops! Sorry!)

Napairap ako sa kawalan.

"Anyare ba sa'yo?" I asked.

(Gosh! Kristel! Pinadalhan lang naman ako ng isang maleta ng mga sweets! WAAAAHHH!!!)

Shemay. Ang sakit ng tenga ko.

"Alam mo best, pwede namang hindi sumigaw ano?"

(Ay! Sorry for the second time Kris! Hehehe!)

Inabot ko ang latte ko na nasa mesa at sumimsim dito.

"Anong sabi mo kanina?" tanong ko kay Alli na nasa kabilang linya. 

(Sabi ko pinadalhan ako ni Kyle unggoy ng isang maleta na punong-puno ng sweets!)

Kumunot ang noo ko.

"For real? Pero bakit ka naman niya padadalhan ng isang maletang ng sweets, aber?"

(You know, the girlfriend-boyfriend thingy...)

Napatango-tango ako sa sinabi ni Alli.

"So that's the payment?" I asked.

(Yes! Nakasaad pa nga iyun sa contract.) 

"Yeah, I remember the contract."

(Magsesend na lang kaya ako sayo ng picture?)

"Then send a picture."

(Okay.)

"But Alli, what happen—"

*Toot. Toot. Toot.*

Napangiwi ako. Grabe talaga itong si Allison. Hindi pa nga ako tapos magsalita, binabaan agad ako. Ibinalik ko sa mesa ang phone ko at kinain na lang red velvet cake. 

Tumunog ang phone ko kaya napatingin ako dito. Binuksan ko ito at may dalawang picture na sinend si Alli. Nanlaki ang mata ko pagkakita ko sa picture. Totoo nga ang sabi ni Alli. Isang maleta talaga na punong-puno ng sweets. Grabe si Kyle, tinotoo talaga. Tiningnan ko naman ang isa pang picture. Picture ni Alli kasama ang mga sweets. Grabe ang bestfriend ko!

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon