Chapter 50 (Mr. Admirer And Dwight)

2.5K 68 71
                                    

Dedicated to: HeartlessGirlP

***

Kylie's POV

"Where's Alli?" I asked Kristel nang hindi ko na nakita si Alli. As in sa dalawang klase namin ay wala siya.

"Iyan din sana ang itatanong ko sayo eh." Sabi naman ni Kristel.

Humalumbaba ako sa desk ko. "Asan na kaya yong babaeng yun? Atsaka, may long quiz tayo mamaya!" Sabi ko at napahampas sa desk ko.

"Ano?! May long quiz tayo mamaya?!"

Napalingon ako kay Kris na kinakalkal na ang loob ng bag. I frowned.

"What are you doing?" I asked her.

Saglit niya akong nilingon bago bumalik sa paghahanap ng kung ano sa bag niya.

"Hinahanap ko yong notebook ko para makapag-review ako."

Napatampal ako sa noo ko. Humarap ako sa bintana at humalumbaba ulit.

Alli! Where na you na?!

Umihip ang malakas na hangin at pumasok ang hangin sa bintana sanhi para mapapikit ako. At sa pagdilat ko ay iyon ang pagdaan ni Dwight na tila nagmamadali. Pinaningkitan ko ng mata ang papel na nahulog na galing sa bag niya. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa papalayong pigura ni Dwight at sa papel. Nilipad ito ng hangin kaya napunta ito malapit sa pinto ng classroom namin.

Hindi ko napigilang tumayo at magtungo sa kinalalagyan ng papel. Pinagmasdan ko muna ang tahimik na hallway kung saan nagtungo si Dwight bago yumuko para kunin ang piraso ng papel.

"Anong meron?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Ryan sa tabi ko kaya nabitawan ko ang papel at nilipad ulit ito ng hangin palayo sa akin.

Nilingon ko si Ryan at sinamaan ng tingin. "Bakit?"

"Kabute ka ba?" Tanong ko dito.

"Hindi."

"Eh bakit ka sulpot ng sulpot?! Nakakagulat ka eh!" Inis kong sabi sa kanya bago pinulot ulit ang papel.

"Grabe kayo sa akin. Ano bang meron sa inyong dalawa ni Alli at inis na inis kayo palagi?! Si Kristel lang talaga ang mahinahon sa inyong tatlo. Hmp!" Aniya at pumasok ng classroom.

Napakurap-kurap ako. Anyare don? Ay ewan!

Bumalik ako sa loob ng classroom at umupo sa upuan ko. Pumasok naman ang subject teacher namin kaya naibulsa ko yong piraso ng papel. Nagsimula itong magleksyon kaya tumuon na ang buong atensyon ko sa harapan.

***

Natapos na ang lahat ng klase namin sa umaga pero wala pa din si Allison. Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch ni Kristel sa usual table namin dito sa cafeteria.

Natigil ako sa pagsubo nang dumating si Kuya Sam at Kuya Asher na may dalang tray at may lamang pagkain.

"Where's my sister?" Tanong agad ni Kuya Ash nang mapansing wala si Alli.

Sabay na nagkibit-balikat kami ni Kristel at sabay sabing, "Ewan."

"What?" Kuya Asher's brow furrowed.

"Nasa room pa siya kaninang umaga, pero nong nag-start na ang klase ay wala na siya." I said while munching my food.

"Yeah." Sang-ayun naman ni Kristel.

Tumaas ang kilay ko nang nagtinginan at nagsenyasan si Kuya Ash at Kuya Sam. Kuya Sam sigh then took his phone out, he dialed a number and seconds later I heard a familiar voice on the other line.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon