Dedicated to @dhadhaaaaa13 and @SittieSaharaDCalog
Alli's POV
"KYLIE!" Sigaw ko ng tamaan sa ulo si Kylie ng bola sa volleyball.
Agad naming dinaluhan si Kylie.
"Are you okay?" Tanong sa kanya ni Stella habang tinutulungan siyang tumayo. Nakaalalay din sa kanya si Kristel.
"Okay lang ako." Sagot niya habang nakasapo siya sa kanyang ulo.
"Sa bleachers tayo guys." Sabi ng isa naming kaklase na agad naming sinang-ayunan.
Pumunta kami sa bleachers at pinaupo doon si Kylie. Nakaalalay pa din kami sa kanya.
"Kylie, tubig oh." Kyla said and handed her a bottled water.
"Thanks, Kyla." Sabi ni Kylie matapos uminom ng tubig.
"Okay ka lang ba talaga?" Alalang tanong ko sa kanya.
She nod her head and smiled. "Okay lang talaga ako, Alli."
"KYLIE!" Sigaw ni Ryan pagkalapit sa amin na humahangos.
Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Kylie at hinarap sa kanya.
"Kylie! Okay ka lang bala? Ha?! Kilala mo pa ba ako?! Kylie!" Nagulat kami nang alog-alogin niya si Kylie.
Malakas kong sinapak si Ryan sa balikat.
"Aray naman, Alli! Ang sakit non ah!"
"Baliw ka ba?! Katatama lang sa kanya ng bola, TAPOS AALOGIN MO!" Bulyaw ko sa kanya.
Napanguso ito na ikinairap ko.
"Okay, guys. 'Wag na kayong mag-away. Wala namang masamang nangyari sa akin. At saka mahina lang yong pagkakatama sa akin ng bola. Ano ba kayo." Sabi ni Kylie.
"Anong mahina, Kylie? Buong lakas na pinalo ni Grace ang bola!" Inis kong sabi.
"Sorry, Kylie..." Sabi naman ni Grace.
Ngumiti si Kylie. "Ano ka ba, Grace! Okay lang yun...At saka naglalaro tayo ng volleyball, kaya normal lang yong may matamaan talaga." Eh nakatunganga yong natamaan kanina.
"Kung biglang sumakit ang ulo mo, tawagin mo lang kami." Sabi ni Stella.
Agad na tumango si Kylie. "Oo, ipagpatuloy niyo na yong volleyball."
"Ahm..Stella, dito muna ako sa tabi ni Kylie." Kristel said.
"Okay. Ikaw Alli? Diyan ka lang ba?" Tinanguan ko siya.
Bumalik sila sa gitna at pinagpatuloy ang paglalaro ng volleyball. Umupo ako sa tabi ni Kylie at humalukipkip.
"Ayaw mo bang sumali sa kanila, Alli?"
"Maybe later. Dito muna ako." Sagot ko kay Kylie.
"Ahh...okay." Sabi niya at napatango-tango.
Matiim ko siyang tiningnan. May mali sa kay Kylie ngayon.
Biglang tinawag si Kristel ng isa kong kaklase. Tumayo siya at nagpaalam sa amin. Tinanguan namin siya ni Kylie.
Nang kami na lang dalawa ni Kylie ay narinig ko malalim niyang buntong hininga. Napatingin din ako sa kanyang nakakuyom na kamay. Nilingon ako niya kaya nakita niyang nakatitig ako sa kanya.
"B-bakit, Alli?" She asked.
"May problema ka ba?" Napaiwas siya ng tingin. "W-wala." Meron. Alam kong meron talaga.
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
Novela JuvenilI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...