Chapter 35 (His Parents)

2.8K 80 10
                                    

Alli's POV

We will having a freaking lunch with his parents.

Maglulunch kami kasama ang parents niya.

For short—I'M DOOMED!

Why?

Eh syempre mamimeet ko ang parents niya. Baka strict sila! Alam niyo naman ang ugali ng Kyle unggoy na yun. Baka yun din ang ugali ng parents niya. Tapos baka lahat ng galaw ko babantayan nila.

Ano ka ba naman Allison! Para ka namang totoong girlfriend niya, Allison. Fake lang ang relationship niyo sa isa't isa! Kaya 'wag kang paranoid masyado!

Napaigtad ako sa gulat nang may kumatok sa bintana na nasa tabi ko. Nabaling ang atensyon ko doon. Nakita kong nasa labas na si Kyle unggoy na mukhang inip na inip na. At ngayon ko lang din napansin na nakahinto na pala ang sasakyan. So...nandito na kami sa bahay niya?

Kumatok ulit siya kaya napilitan akong ibaba ang bintana.

"Walang ka bang balak na bumaba?" inis niyang tanong sa akin.

Napakurap-kurap ako.

"Hey!" He snapped.

"O-oo! Bababa na..."

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng sasakyan. Sumalubong agad sa akin ang malaking bahay na nasa harapan ko. Napaawang ang bibig ko. Hindi lang ito isang bahay, mansyon ito! MANSYON!

"Let's go."

Nagulat ako nang bigla akong hinila ni Kyle unggoy. For pete's sake! Nakasuot ako ng heels!

"Ano ba! Hinay-hinay lang! Bwiset! Naka-heels ako!" Inis kong bulyaw sa kanya.

Pero bwiset talaga! Hindi man lang nakinig at patuloy pa din sa pagkaladkad sa akin, hanggang sa makapasok kami sa mansyon nila. Buti na lang hindi ako natapilok. Kundi super lagot talaga sa akin ng unggoy na to.

May humarang sa amin na babae na mukhang maid nila.

"Naghihintay po sa garden and daddy at mommy mo, sir Kyle."

Tinanguan niya yong maid at kinaladkad nanaman ako. Bwiset talaga! Grabe makakaladkad eh!

May nakita akong sliding door sa harapan at mukhang doon ang daan papuntang garden. Huminto siya at hinarap ako na ikanagulat ko. Matiim niya akong tiningnan.

"B-bakit?" takang tanong ko sa kanya.

"We will having a lunch together with my mom and dad."

"Sinabi mo na iyan kanina." Sabi ko naman sabay cross-arm.

"Yeah. I said it earlier." Aniya habang tumatango. Kumunot ang noo ko.

"And I want you this time to act like my real girlfriend."

"Nagpapanggap lang kaya—" Pinutol niya ang sasabihin ko.

"I know that were just pretending. But pretend like a real one."

This time ay tumaas na ang kilay ko.

"Ano ba talaga ang gusto mo?!" inis kong tanong.

"Gusto kong ipakita mo sa parents ko na may relasyon talaga tayo. That were really in love to each other. And don't make such damn things na ikakasira ng lahat."

In love to each other...Wow! Big word.

Binuksan niya ang sliding door at naunang pumasok. Napa-tss ako. Hindi man lang ako niyayang pumasok...iniwan talaga ako! Hindi man lang niya naisip na baka tumakas ako. Napairap ako sa kawalan.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon