Dedicated to @user01550677 and @dhadhaaaaa13
*****
Kylie's POV
"Kyle! Hintayin mo ako! Sasabay ako sayo ngayon!" Sigaw ko kay Kyle nang makitang papalabas na ito ng bahay.
Minadali ko ang pagsintas sa rubber shoes ko. Nang matapos ko ito ay agad kong kinuha ang bag at tumakbo. Pero napahinto ako nang nasa may pintuan na ako.
"Kylie, where's my goodbye and kiss?"
Napalingon ako at nakita ko si dad na naka corporate attire na ngayon. Sinalubong siya ni mom at inayos ang necktie nito.
"Ano ka ba Leonardo. Malalate si Kylie niyan."
Lumapit ako sa kanila.
"It's okay, mom." I said.
"Bye dad, bye mom." Sabi ko then kiss their cheeks.
"Take care, sweetie."
Tumango ako at nginitian sila. Dali-dali akong tumakbo palabas at baka iniwan na ako ni Kyle. Nakita ko ang sasakyan niya na hindi pa umaandar. Agad akong nagtungo sa doon at pumasok sa passenger seat.
"Haayyy...Salamat naman at hindi mo ako iniwan." Sabi ko sa kanya.
Pero alam niyo namang dakilang cold ang kakambal kong ito. Hindi ito umimik at ini-start ang sasakyan. Napairap ako sa kawalan.
"Why are you wearing a rubber shoes?"
Napalingon ako dito. "Type kong suotin. Bakit ba?"
Sumulyap ito sa akin at ibinalik agad ang tingin sa daan.
"You're wearing our school uniform." Sabi nito.
Kumunot ang noo ko. "May klase ngayon, Kyle. At ano bang sinusuot pag may klase? Diba uniform?"
Napansin ko ang pagkunot din ng noo niya.
"It's better to wear your school shoes, Kylie. Not a rubber shoes."
Nagsalubong ang kilay ko. "Mind your own business, twin brother." Nasabi ko na lang.
"I'm minding my own business."
Napaismid ako. Minding his own business daw.
"Then 'wag mo akong pakialaman kong school shoes o rubber shoes ba ang susuotin ko! At naka-rubber shoes ka din kaya!"
Hindi na siya nagsalita. Napanguso naman ako.
Minsan na nga nagsasalita, pero pinapakialaman naman kung anong susuotin ko. What a twin brother!
'Good morning, Kyle.'
'Hi Kylie!'
'Si Fafa Kyle guys!'
'Morning Kyle!'
'Kylie! Good morning!'
Pareho kaming tahimik ni Kyle habang naglalakad papunta sa kanya-kanyang classroom namin. Hindi din namin pinansin ang mga bati sa amin ng mga estudyante. Well si Kyle hindi naman talaga pinapansin kahit kailan. Ako naman ay hindi trip ngitian o batiin din sila pagbalik.
Agad akong pumasok sa classroom ko at ganun din si Kyle. Magkatabi lang naman kasi ang classroom namin.
"Morning, Kylie!" Bati sa akin ni Alli nang makita ako nito.
"Si Kris?" Tanong ko pagkalapag ko sa bag ko.
"Hindi pa dumadating eh."
Kumunot ang noo ko. "Hindi pa dumadating? Eh diba palagi maaga yun dumadating?"
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
Teen FictionI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...