Chapter 52 (Jay Suarez)

1K 40 16
                                    

This chapter is dedicated to all my readers who waited for this chapter. Thanks guys!

~*~

Alli's POV

Napasapo ako sa noo ko habang dinadial ang contact number ni Kylie. Nakatatlong ring nang sagutin niya ito.

(Hey Alli---)

"Where are you?" Inis kong tanong dito.

(Uhm.. nasa bahay pa---)

"What?!"

(Hinihintay ko pa si Kyle, Alli.)

Nagsalubong ang kilay ko. "Ano namang kinalaman niya sa lakad natin? And sabi mo mauuna ka ng dating!"

(Well siya ang maghahatid sa akin diyan, and don't worry Alli, he's on the way na.)

Inangat ko ang ulo ko para tingnan ang pangalan ng café na nasa harapan ko.

Dolly's Café

Umangat ang isang kilay ko. Siguro Dolly ang pangalan ng may-ari.

(Alli? Are you there pa ba?)

Bumuntong hininga ako. "Okay, Kylie. Nandito lang ako sa sinasabi mong café, and please bilisan mo na. Malapit na akong mainip dito."

(Of course Alli, just a couple of minutes at nandyan na kami.)

Napanguso ako. "Siguraduhin mo lang Kylie---"

Naputol ang sasabihin ko nang mawala sa kamay ko ang phone ko. Shocked was written on my face habang nakatingin sa taong kasalukuyang tumatakbo at tangay ang phone ko.

W-What the--- MY PHONE!

Hinigpitan ko ang hawak ko sa dala kong sling bag at tumakbo para habulin ang walanghiyang magnanakaw.

"Hoy! Ibalik mo ang phone ko!"

Pero hindi ito nakinig at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Bwisit!

"Walanghiya ka! Ibalik mo ang phone ko!" Malakas kong sigaw at hindi pa'rin tumitigil sa paghabol dito.

Wala na akong pakialam kung may mabangga man ako basta mahabol ko ang magnanakaw na ito.

"Sh*t!"

"Sorry!" Hingi ko ng tawad sa isang taong nabangga ko. Shemay kasi na magnanakaw!

"Hoy miss!"

Lumiko ito sa isang eskinita kaya ganun din ang ginawa ko. Pero agad akong napahinto sa pagtakbo dahil sa bumungad sa akin.

Hindi lang isa, kundi apat na kalalakihan! At sinalubong nila ang lalaking tumangay sa phone ko na mukhang kasamahan din nila. Nakita kong ipinasa nito sa lalaking nasa gitna ang phone ko, na mukhang leader nila.

"Mga magnanakaw!" Malakas na sigaw ko na nakaagaw ng atensyon nila. My gosh, gulo na naman ang abot ko nito.

Ngumisi yong isa na may hawak ng phone ko. 'Yong tipong ngising nakakakilabot and at the same time nakakadiri. Geez..

"Ang ganda nito Roy ah, nakajackpot tayo." Anito at tinapik sa balikat ang lalaking humablot ng phone ko. Lumingon ulit ito sa akin at pinasadahan ako ng tingin, humigpit naman ang pagkakahawak ko sa sling bag ko.

"Ang sexy boss!" Rinig kong sabi no'ng isa at humalakhak. Ngumiwi ako nang mapansing hantaran ang paninitig nito sa akin, tipong parang hinuhubaran na ako sa isip. Langya! Mga manyakis ang mga lalaking ito.

Pero kahit na, dapat mabawi ko ang phone ko. Mga walanghiyang magnanakaw!

"Bwisit kayo! Ibalik niyo ang phone ko!" Inis na sigaw ko.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon