Chapter 43 (Let's Have A Date)

3K 88 14
                                    

Alli's POV

"Susunduin ko po ba kayo mamaya, Miss Allison?"

Umiling ako kay Mang Dani. "'Wag na po, Mang Dani."

"Ganun po ba?"

"Opo, magpahinga na lang po kayo ngayong araw."

Nginitian ko muna si Mang Dani bago bumaba ng sasakyan. Tiningala ko ang gate ng bahay nila Kristel. Nandito kaya ang babaeng yun? Nagkibit-balikat na lang ako at lumapit sa gate nila. Akmang pipindotin ko ang doorbell nang bumukas ang gate. May lumabas na sasakyan kaya agad akong tumabi sa gilid. Bumukas ang bintana sa may backseat nang sasakyan kaya sinilip ko kung sino ang nasa loob.

"Oh, Allison, ija." It's Kristel's mom.

"Hi po, Tita Kaye." Bati ko dito.

"Si Anne ba ang hanap mo?"

"Yes po, tita. Nandyan ba siya?" Tita Kaye nods her head.

"She's inside with her suitor."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tita Kaye.

"Po? Suitor?"

Tita Kaye just smiled kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Alis na kami, Allison. Let's talk some other time, ija."

Nginitian ko si Tita at bahagyang yumuko. "Sige po, Tita Kaye."

Sinundan ko ng tingin ang sasakyan hanggang sa mawala ito sa aking paningin. At dahil bukas na ang malaking gate nila Kristel ay pumasok na agad ako.

"Magandang araw po, Ma'am Allison." Bati sa akin ng maid nila pagkapasok ko sa bahay nila. Bahagya akong ngumiti at binati ito pabalik.

"Si Kristel?" I asked the maid.

"Nasa sala po siya kasama ang kanyang bisita." Aniya at iminuwestra ang daan papuntang living room.

"Salamat po."

"Walang anuman po, Ma'am Allison."

Naglakad ako papuntang living room at agad ko namang nakita si Kristel na nakaupo sa sofa. Nakatalikod ito kaya hindi niya ako napapansin. Pumasok na ako ng tuluyan sa living room nila.

"Kristel Anne, bakit hindi mo si—"

Naputol ang sasabihin ko nang makita ko kung sino ang nakaupo sa kabilang sofa.

"Alli!" Nanlaki ang mata ni Kristel at napatayo.

Pinaningkitan ko ng mata ang lalaking ugok na prenteng-prente pa rin sa pagkakaupo. Lumapit ako sa kanila at pumameywang sa harapan nila.

"Ahah! Kaya pala hindi mo sinasagot ang tawag ko." Tiningnan ko si Kristel at sinamaan ng tingin. "Dumating pala ang MANLILIGAW mo!" Diniinan ko pa talaga ang salitang manliligaw.

Hindi nakaiwas sa akin ang bahagyang pagsulyap ni Kristel kay Ethan. Oo guys! Si Ethan lang naman ang lalaking ugok!

"Hi, Alli."

Lumingon ako kay Ethan at sinamaan din ito ng tingin. "May gana ka pa talagang mag-hi sa akin!" Bulyaw ko dito.

Napasapo ako sa noo ko. Grabe! Para akong nanay nila ah.

"Alli..." Lumapit sa akin si Kristel at hinawakan ako sa balikat. Winaksi ko ito at nagtungo sa sofa. Umupo ako at humalukipkip. Si Kristel naman ay nakatungong umupo sa tabi ko.

"Anong ginagawa niya dito?" Lumingon sa akin si Kristel. "Huh?" She received a death glare from me. But she just pouted her lips.

"I'm just visiting Kristel, Alli."

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon