I sipped at my cup noodles and gently sighed. Bahagya akong sumandal sa sandalan ng upuan at napapikit.
"You okay?"
I opened my eyes and gazed at him, I smiled at him.
"Yeah.."
Nginitian din ako nito bago humigop sa kanyang cup noodles. I stared at him at napansin ko ang uniform niyang nabasa ng ulan.
"Uhm.. sorry pala. Nabasa tuloy 'yong uniform mo kase we shared the same umbrella." Natigil ito sa pagkain at sinipat ng tingin ang kanyang suot na uniform.
"It's okay, Allison."
Napanguso ako at pinagtuonan na lang ng pansin ang cup noodles ko. I gently stir it as my mind goes back to what happened earlier.
"Ikaw 'tong basang basa eh, hindi ka ba nilalamig?"
I shook my head.
"Buti na lang may extra t-shirt akong dala." He said and chuckled a bit.
"Yeah.. thank you pala. Don't worry ibabalik ko ito bukas. Saan ka nga pala nag-aaral?"
Kumunot ang noo niya. "East High, why?"
"Para mabalik ko sayo itong t-shirt mo." Ani ko at ininguso ang suot kong gray na t-shirt.
Buti na lang at dala ko ang jogging pants ko kaya hindi ako nagsusuffer ngayon sa basa kong uniform. And I'm already wearing my rubber shoes kaya hindi ako nagmumukhang badoy sa suot ko. Salamat na lang at hindi masyadong nabasa ang sapatos ko.
He chuckled agaid, "baka maligaw ka sa East High. Malaki pa naman 'yon katulad ng Dewford."
"Eh pa'no ko ito masasauli sa'yo?"
"Hm.. pa'no nga ba?"
Jay rested his chin on the back of his hand while his eyes are on me. Tumingin ito sa taas at umaktong nag-iisip.
"Puntahan na lang kita bukas.."
I frowned, "sa Dewford?"
Napaisip naman ako. Malaki ang Dewford kaya baka maligaw din siya. Agad akong napangiti nang may pumasok sa aking isip na ideya.
"I have an idea!" Nakangiting sabi ko.
His brow automatically crossed. "Ano 'yon?"
"Dito na lang tayo magkita bukas."
Bumukas ang gulat sa mukha niya habang nakatingin pa din siya sa akin. "Really?"
Sunod-sunod akong tumango habang inililibot ang tingin sa convenience store kung na'san kami. Okay naman 'to gawing meet up place.
"Okay lang naman diba?" Hindi ito umimik kaya ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay nang mapansin titig na titig siya sa akin.
"What's wrong? May dumi ba sa mukha ko?"
He blinked a lot of times and cleared his throat.
"No, nothing.. May naisip lang ako."
My brow crossed. "At ano naman 'yon?"
Is he thinking about what happened earlier? When I cried at ginawang panyo ang uniform niya?
"Is it about what happened earlier? Sorry for crying so bad on your chest, I don't know kung bakit 'di ko mapigilan." I said while cupping my chest where my dear heart is located. Kapag naiisip ko ang nakita ko kanina, my heart aches so bad.
"No, hindi 'yan ang naisip ko." He scratched the back of his head.
Nanatiling kunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya, hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
Teen FictionI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...