Chapter 66 (KrisThan)

178 17 12
                                    

This chapter is dedicated to : shinerah

Didn't know na may fan pa pala sa KrisThan love team🤧

This chapter was supposed to be published yesterday, pero ngayon ko lang natapos na itype eh🤦‍♀️ Pasensya na po sa mga umasa sa wala..

Btw, sinong gustong madedicate sa next chapter?

[Warning: Grammatical errors ahead]

***

Napaigtad ako sa gulat nang bigla na lang may dumamping malamig na bagay sa kaliwang pisngi ko. Nanlalaking matang nilingon ko si Ethan na may hawak na chocolate drink at may nakapaskil na ngiti sa kanyang labi.

"Your favorite." Aniya at kinuha ang kamay ko at inilagay ang malamig na chocolate drink. 

"T-Thank you.." I whispered and quickly looked away.

Bumaba ang tingin ko sa chocolate drink at hindi ko mapagilang mapangiti. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ko na naman ang pamilyar na pag-iinit ng pisngi ko. Biglang nagpakawala ng mababang tawa si Ethan kaya wala sa sarili akong muling nilingon siya. 

Ngunit sa paglingon ko ay iyon naman ang bahagyang pagkurot niya sa pisngi ko na ikinasinghap ko.

"You're really cute when you're blushing." He said and smiled even more showing his perfect set of white teeth.

Mas lalong nag-init ang pisngi ko at napansin niya iyon kaya nangingiting napanguso siya.

"Allison!!!" 

Sabay-sabay na sigaw ng mga kaklase ko sa pangalan ni Allison nang matamaan ito ng bola ng volleyball sa mukha. Nanlaki ang mata ko at napatayo. Mabilis na kinuha ko ang kamay ni Ethan para ipahawak sa kanya ang chocolate drink at agad-agad na bumaba ng bleachers. 

"Alli!" Sigaw ko nang makalapit ako sa kanila. Aligaga si Kylie na nasa tabi nito.

"Putangina! Sinong tangang nagtapon no'n!" Galit na galit na sigaw ni Allison na bahagya kong ikinagulat, sapo niya ang kanyang noo na namumula. Hindi pala mukha ang natamaan, noo niya pala.

Lumapit sa direksyon namin si Stella na bakas ang kaba sa mukha. 

"A-Alli sorry napalakas ang pagpalo ko sa bola, h-hindi sinalo ni Ryan." Nakangiwing sabi ni Stella.

"Alam mo Mendiola! Shuta ka!"

"Peace tayo Allison!" Nakangising sabi ni Ryan na hindi na nagtangka pang lumapit sa direksyon namin.

"Aish!" Inis na ginulo ni Allison ang kanyang buhok at padabog na nagtungo sa bleachers.

"Alli sandali!" Si Kylie na sumunod kay Allison.

Ako naman ay naiwang nakatayo sa gitna ng gym. Nilingon ko ang kinapupwestuhan ko kanina at nakita si Ethan na nakaupo na doon. Nakahalumbaba ito habang ang mga mata'y sa akin nakadirekta.

When he noticed that I'm looking at him, he cheekily smiled at me and waved his other hand a bit. I quickly averted my gaze and I can't help but bit my lower lip. Both of my cheeks heated up again.

He's just so cute..

"Kayo na ba?" Bagot na tanong ni Alli kay Kylie pagkaupo nito sa tabi ko. Itatanong ko 'din sana iyon pero naunahan na niya ako.

"H-Huh?" Ilang beses na kumurap si Kylie.

"Huh?" Alli mimicked her but in a exaggerated way.

Nakita kasi namin na magkasabay sila ni Dwight na naglakad sa hallway at hindi muna agad pumasok si Kylie sa room dahil may pinag-usapan pa sila ni Dwight saglit sa may bukana ng pinto.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon