Alli's POV
"Be my girl...Allison."
THE FUDGE! MALALA NA SIYA TODA MAX!
"Ay mali pala!" Nakahinga naman kami ng maluwag ni Kristel.
Tumikhim ulit si tukmol.
"Be Kyle's girl..."
Napamaang ako.
"ANO?!" Gulat kong tanong.
"Maging girlfriend ka ni Kyle. As easy as that." Sabi pa nito.
"Totoo ba yang sinasabi mo, Josh?" tanong sa kanya ni Kris.
"Oo naman. It's real."
"Ano bang trip nong Kyle na yun, at gusto niya akong maging girlfriend niya?!" inis kong tanong.
Ngumisi lang ang tukmol. "So yes na ba ang sagot mo?"
Yes? Leche siya!
"I-yes mo yang mukha mo!" bulyaw ko.
Makaalis na nga dito! Peste talaga!
"Tayo na Kris!" Sabi ko at hinila si Kris paalis ng garden.
"P-pero...Hoy amz girl!"
*****
Joshua's POV
Paktay ako nito! Ang choosy talaga ng amazonang yun! Pati ako tinanggihan! Ang gwapong ako, tinanggihan niya!
Napaupo ako sa bench dito sa garden. Out of nowhere, ay biglang lumabas si Blake at Ethan na tumatawa.
"Hahaha...Kawawa ka naman Josh. Hindi tumalab yong charms mo. Hahaha!"
Kainis na Blake!
"Yan ba yong sinasabi mong tataob siya? Pft...hahaha!"
Nakisawsaw pa talaga tong Ethan na to!
"Tumahimik nga kayong dalawa!" saway ko sa kanila pero tumawa lang ang dalawa.
"Akala nong amazonang girl na yun suko na ako! Hindi no! Hindi pa ako tapos! Tataob na talaga siya mamaya!" Sabi ko.
"Ows..."
Bwisit tong dalawang to! Tinawanan lang talaga ako! Hindi man lang ako nagawang tulungan!
*****
Nandito ako ngayon sa may hagdanan ng building namin. Hinihintay kong bumaba yong si amz girl. Kailangan talagang mapau-o ko na yun. Malapit na ang deadline. Paktay talaga ako kay leader Kyle nito.
Napatingin ako sa wrist watch ko. Saktong pagpatak ng 3:00 ay naaninag ko ng pababa ng hagdan si amz girl at Kristel. Hindi yata nila kasama si Kylie.
Bago sila makababa sa huling baitang ng hagdan ay humarang na ako.
"Problema mo nanaman!" Bulyaw agad ni amz girl.
"Amz girl naman...umu-o ka na..." Sabi ko while matching puppy eyes pa. Yan ang isa sa mga charms ko.
"Hoy tukmol! Ayaw kong sakyan yang trip niyong magkakaibigan!" Malakas na bulyaw niya kaya napapatingin sa amin ang mga nagdadaanan na students.
Kahit kailan talaga....Eskandalosa siya...
"Ano ka ba naman amz girl...Hindi to trip lang, totoo! Totoo ito!"
"Hoy tukmol! Hindi mo ako maluluko!"
"Tara na Kris."
Wala na akong ibang choice kundi lumuhod sa harapan niya.
"Hoy! Anong ginagawa mo? Tumayo ka nga dyan! Nakakahiya!"
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
Teen FictionI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...