[Warning: Grammatical errors ahead]
Sorry again for the late update.
Kindly play the video right up there ☝️ Para kahit papaano damang-dama niyo 'yong chapter na ito🤧
***
"So that necklace is really for you all along." Sabi ni Kylie nang mapansin ang suot kong kwintas.
She chuckled. "I thought Kyle bought it for me, his gift for my upcoming birthday next week."
"Pabili ka kay Dwight ng kwintas." Suhestyon ko habang sumusubo ng potato chips.
She pursed her lips. "I can buy my own necklace, you know."
"Pero iba pa 'rin kapag binigyan ka ni Dwight." I grinned at her.
Kumunot lang ang noo niya at tuluyan ng isinubo ang maliit na slice ng cake na kanina niya pa pinaglalaruan gamit ang tinidor.
It's Sunday and we're currently here in the HQ. Nakapwesto kami ni Kylie sa hindi kalakihang lamesa na may dalawang upuan na siyang kinauupuan naming dalawa. Muli akong kumuha ng potato chip sa malaking bowl habang nakamasid sa mga kalalakihang kasalukuyang naglalaro ng basketball.
Ngayon ko lang nalaman na may maliit na court pala dito sa HQ. Ano pa bang meron dito na hindi ko pa natutuklasan?
Kung titingnan sa labas ay hindi kalakihan na lumang bahay ang makikita mo, kaya wala talagang mag-aakala na may head quarters pala sa loob.
Sino kaya ang nakaisip sa HQ na ito? Ang leader ba ng mga ugok? May pagka-high tec 'din ang HQ kaya mukhang umabot talaga ng milyon ang pagpapagawa nila nito. Nakakamangha 'din na hindi naman masyadong malaki ang lumang bahay na ginawa nilang panlinlang sa mga tao, pero pagkapasok mo ay sobrang lawak ng buong HQ. At tsaka may hindi kalakihang swimming pool 'din!
"Fvck!" Malakas na mura ni Tukmol nang bigla na lang siyang bumagsak sa sahig.
It was Dwight who intentionally block his foot causing for him to fall on the ground. Ang ikinasaklap lang ay nauna ang mukha niyang tumama sa sahig na malakas kong ikinatawa.
"Fvck you Dwight!"
Naitaas ko ang isang kilay ko nang hindi nakaligtas sa paningin ko ang pasimpleng pagtama ng kamao ni Kyle at Dwight. Kapwa saglit na ngumisi pa ang dalawa sa isa't isa.
"You okay, Josh?" Si Blake na inilahad pa ang isang kamay para tulungang tumayo si Tukmol.
"You think I'm okay after that?!" Salubong na ang kilay nito at tinabig ang nakalahad na kamay ni Blake.
"Nauna ang mukha ko mga gago!"
Muli pa akong natawa nang mapansin kong may dumikit na dumi sa noo at pisngi nito.
"Morons," Kylie whispered.
"Ang tanga mo Tukmol!" Malakas na sigaw ko.
Masama ang mukhang nilingon niya ang direksyon ko at itinaas ang gitnang daliri niya. Tang ina talaga..
Inirapan ko na lang ito at ibinaling ang atensyon kay Kyle na siyang may hawak na ngayon ng bola.
Umawang ang bibig ko nang walang kahirap-hirap na nai-shoot niya ang bola sa ring.
"Nice one, Kyle!" Si Ethan at tinapik ang balikat niya.
Syempre hindi siya nahirapan dahil si Kuya Samuel lang yata ang nag-effort na pigilan siya. Si Blake parang hindi gaanong marunong mag-basketball, si Tukmol naman na mukhang wala na sa mood na maglaro. Ang magkakasama kase ay si Kyle, Dwight at Ethan, sa kabila naman ay si Kuya Samuel, Blake at si Joshua'ng tukmol. Wala si Kuya Asher dahil may inasikaso itong hindi ko alam kung ano. Habang kami lang dalawa ni Kylie ang babae, si Kristel ay hindi makakapunta dahil sinamahan niya ang mommy niya sa mall.
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
Teen FictionI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...