Ethan's POVNapatingin ako sa pintuan nang bumukas ito at iniluwal ang nakangising si Josh. Lumapit naman siya kay Kyle na nakadekwatro sa one-sitter-couch. Kumunot ang noo naming lahat nang may iabot si Josh na papel kay Kyle.
"What's this?" Kyle asked.
"Basahin mo na lang..." nakangising sagot ni Josh.
"Ano kaya yun?" tanong naman ni Blake na katabi ko.
Dahil sa usisero itong si Blake, agad siyang lumapit kay Kyle na kasalukuyang binabasa ang nasa papel. Hindi ko din namang mapigilan na lumapit at makibasa din.
1. Gusto ko may weekly supply ako ng sweets.
2. Dapat walang holding hands, hug or kiss.
3. Walang endearments.
4. Dapat pabayaan niya lang ako sa gusto kong gawin. At gawin din niya ang gusto niya.
5. Bawal siyang magkagusto sa akin.
"Ano ba yan?" kapagkuwan ay tanong ko.
"That's the one we called contract." Sagot ni Josh na may subo na ngayong lollipop.
"Kontrata saan?!" sabay na tanong namin ni Blake. Sila Samuel naman ay nakakunot na ang noo.
"She already said yes—"
Lahat kami nagulat sa sinabi ni Josh. What the! Napasagot niya si Allison? How come?
"—but in one condition..." Pagtatapos niya at itinuro ang kontrata daw.
"Wehhh! Totoo ba yan, baka ikaw lang talaga ang gumawa niyan." Asar sa kanya ni Blake.
"Baka gusto mong ipakain ko yan sayo!" Inis na sabi naman ni Josh.
"Paano mo naman napasagot ang kapatid ko Josh?" tanong naman ni Asher.
"It's my charms..." Ngising sagot ni Josh pero bigla namang sumabat si Blake.
"Anong charms? Eh may kumakalat ngang balita na lumuhod ka daw sa harapan ni Alli!" Natawa naman ako sa sinabi ni Blake.
Lumuhod pala tong si Josh...
"Chismis lang yun..."
"Anong chismis! May picture nga oh!" Ipinakita naman ni Blake ang picture kung saan nakaluhod si Josh sa harapan ni Allison at Kristel.
"Edit lang yan! Burahin mo na yan!"
"Ayaw ko! Ilalagay ko to sa frame—hahaha!"
Natawa na lang din kami sa nakasimangot na si Josh.
"Is this your penmanship?" biglang tanong ni Kyle kaya napatingin kami lahat sa kanya.
"Oo, maganda ba?" nakangising sabi ni Josh.
"The signature is good." tipid na sagot ni Kyle.
"Ang pangit kaya niyang pirma!" Sabi ni Josh. Napatingin naman ulit ako sa kontrata kuno.
"Pirma ba yan ni Alli?" tanong ni Blake.
Josh nod while grinning.
"Hmm...kaya pala yong pirma lang ang maganda." Dahil sa sinabi ni Blake ay hinabol siya ni Josh at pilit na binabatukan.
I agree of what Blake said. Pirma lang ang maganda. Ang pangit ng sulat-kamay ni Josh.Hahaha...
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang humahangos naming classmate na lalaki.
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
Ficção AdolescenteI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...