Dedicated to @AngREIGNAmo
***
Kristel's POV
"Ang tagal mo namang mag-cr?" Pambungad ko kay Alli na kakapasok pa lang ng classroom.
Umupo siya sa upuan na nasa tabi ko. "Dumaan pa muna kasi ako sa locker room." Sagot niya.
"Ano namang ginawa mo sa locker room?" Tanong ko sa kanya at itinaas ang isang kilay ko.
"May tiningnan lang..." Sagot niya habang nakangisi at sumulyap pa kay Kylie na nasa harapan at kausap ang isang classmate naming babae. Hindi ko naman napigilan at ginaya ang ginawang pagsulyap niya kay Kylie.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.
"Anong meron kay, Kylie?" Tanong ko sa kanya.
Taka niya akong tiningnan. "Huh?"
"Anong meron kay, Kylie? Bakit mo siya sinulyapan?"
Umiling siya. "Wala lang..." Wala lang?
Napakibit-balikat na lang ako at ibinalik ang tingin sa harapan. Kumunot ang noo ko nang makitang nakabusangot na ang mukha ng mga kaklase ko, habang si Ryan naman ay napakamot sa batok.
Biglang bumukas ang pinto ng classroom namin na umagaw sa atensyon naming lahat. Pumasok sa classroom si Josh, Ethan, Blake, Kyle na ikinatili ng mga kaklase kong babae. Panghuling pumasok si Ethan na ikinaawang naman ng bibig ko.
Tumayo si Kylie at sinita ang mga kaklase ko na sobrang ingay.
"Guys, keep quiet!"
And as usual, hindi nakinig ang mga classmates namin at patuloy pa'rin sa pagsigaw at pagtili. Mas maingay pa sila kaysa sa ingay ng malakas na buhos ng ulan sa labas.
"The hell! Why are the four of you are here in our classroom?!" Bulyaw ni Alli kay Kyle na humila ng isang vacant chair at itinabi ito sa upuan ni Alli.
"I'm sleepy." Hinila ni Kyle ang kamay ni Alli at inilagay sa desk ng upuan, pagkatapos ay ipinatong niya kanyang noo sa kamay ni Alli. I look at Alli na natahimik dahil sa ginawa ni Kyle.
"B-but w-why are you here? Pwede namang doon k-ka sa classroom niyo matulog." Alli said.
"My classmates are too noisy. Besides... I like it here." Sabi ni Kyle habang nakayuko at ang noo ay nasa kamay pa din ni Alli.
"Yyyyyiiiiieeeeeeeeeeeee!!!!" Sigaw ng mga classmates ko na mukhang nakikinig sa conversation nila Alli at Kyle.
"Ano ka ba Alli! Gusto daw niya dito!" Sabi naman ni Stella na malaki ang ngisi.
"S-shut up!" Alli said na pulang-pula na ang mukha dahil sa patuloy na pang-aasar ng mga classmates namin.
Biglang umangat ang ulo ni Kyle at napatingin sa mga classmates namin, natahimik naman ang mga ito.
"Quiet." Aniya at muling inilagay ang noo sa kamay ni Alli.
Mukhang natinag naman ang classmates namin dahil hindi na ito nag-ingay pero mahinang nagbubulungan pa'rin. Nadinig ko naman ang hagikhikan nila Josh at Blake na kausap ang mga kaklase kong babae. Kumunot ang noo ko nang mapansing hindi nila kasama si Ethan. Inilibot ko ang paningin ko sa buong classroom at napahinto din ng makita ko siya na nakaupo sa isang upuan na malapit sa pinto. Nang makitang nakatingin ako sa kanya ay agad siyang ngumiti sa akin at ayan na naman ang mabilis na tibok ng puso ko. Hinayaan ko na lang ang mabilis na tibok ng puso ko at nginitian siya pabalik.
"Come here." He mouthed to me. Kumunot naman ang noo ko. Ngumiti siya at sinenyasan ako na lumapit.
Nilingon ko muna si Alli at nakatulala lang ito habang nakatingin kay Kyle. Maingat akong tumayo at naglakad papunta sa pwesto niya. Humila siya ng isang upuan at itanabi sa kanya, tinapik niya ito kaya tahimik na umupo ako sa upuan. At mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil magkalapit lang kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
Teen FictionI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...