Chapter 28 (Is that him?)

3.5K 83 14
                                    

Kylie's POV

Two weeks na din ang nakalipas. Tapos na ang foundation week kaya back to normal na ang classes. At sa mga curious kung sino ang nanalo sa singing contest. Syempre si Allison. Diba ang galing niya!

Kakatapos lang ng morning classes namin kaya lunch break na. Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang cafeteria. Magtatagal pa sana ako sa room dahil hindi pa ako tapos mag-copy nong lesson namin. Pero alam niyo naman tong si Alli...Nagagalit na daw kasi ang mga worms sa tiyan niya. Kaya ayun!

Pagkarating sa cafeteria ay agad kaming dumiretso sa counter. Naka-order naman agad kami ng lunch dahil hindi pa naman puno ang cafeteria. Sadyang maaga lang talaga kami nakarating.

Matapos mag-order umupo agad kami sa aming usual seat.

"Hubarin mo na kaya yan."

Napatigil ako sa pagkain ng sandwich at napatingin kay Alli.

"Alin ang huhubarin?" tanong ko.

Nginuso naman niya si Kristel.

"Ano ang huhubarin ko?" takang tanong sa kanya ni Kristel.

"Yang singsing..." bored niyang sagot.

Napatingin naman ako sa suot na singsing ni Kris. Yong singsing na binili ko para sa kanilang dalawa ni Ethan.

"Bakit ko naman huhubarin to?"

"Like duhh...tapos na po ang foundation week, kaya tapos na din ang pagiging Mr. and Mrs. Rivera kuno niyo." Sabi ni Alli at sumubo ng spaghetti na inorder niya.

"Hoy Allison! Ako pa ang bumili niyan! Remember?" Sabi ko naman.

Nagkibit-balikat lang siya. Napairap naman ako.

Hindi na siya nagsalita. Kaya nagpatuloy na lang din ako sa pagkain.

Maya-maya ay biglang umingay ang cafeteria. Nanaman...

As usual pinapangunahan ni Josh na nakangisi. Hayy....Jusko naman! Sasakit na yata ang tenga ko sa pabalik-balik nilang isinisigaw.

Tumabi sa akin si Kyle pagkarating nila sa pwesto namin.

"Ako na ang mag-oorder guys!" Sabi ni Ethan at tumakbo papunta sa counter.

Nakitang kong nakayuko lang si Dwight habang may nakalagay na headphones sa tenga niya. Mukhang naramdaman niya yata na may nakatingin sa kanya kaya napaangat siya ng ulo. Pero buti na lang at napaiwas agad ako ng tingin.

Napatingin ako kay Alli na nakasimangot na ngayon dahil sa panay sermon sa kanya ni Kuya Ash. Kung bakit daw yan daw ang kinakain niya...Pero Alli is Alli.

"Ano ka ba kuya! Eh sa ito ang gusto kong kainin!"

Napatingin naman ako kay Kristel na tahimik lang na kumakain. Nasa tabi naman niya si Kuya Sam na nagbabasa ng libro. Napalingon din ako sa katabi ko na kasalukuyang nakakunot ang noo habang nakatutok sa phone niya.

"What's that?" tanong ko kay Kyle.

"Nothing." tipid na sagot nito at ibinulsa ang phone niya.

Maya-maya ay dumating na si Ethan dala-dala ang dalawang tray na punong-puno ng pagkain.

"Eto na guys!" Sabi niya at nilapag sa table ang pagkain.

Umupo naman si Ethan sa tabi ni Kristel na halatang nagulat sa ginawang pagtabi nito. Kaya ngayon napapagitnaan na siya ni Kuya Sam at Ethan.

"Meron ka na ha! Ba't nanghihingi ka pa din?!"

Napalingon ako kay Josh na nagsisimula nanaman.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon