Chapter 31 (Feelings)

3.7K 91 6
                                    

Kristel's POV

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway na wala ng katao-tao ngayon. Everyone is in the cafeteria for their lunch. Si Alli at Kylie naman ay nauna sa cafeteria dahil nagpaiwan ako sa room. May tinapos pa kasi akong project na kailangan ng i-submit mamaya. At dahil tahimik ang hallway, naririnig ko na ang tunog na nililikha ng takong ng sapatos ko.

Yakap-yakap ko ang librong palaging binabasa ni Alli habang naglalakad. Naiwan niya kasi ito kay napag-isipan kong dalhin na lang. Nahinto ako sa paglalakad nang madinig kong nag-beep ang phone ko, indikasyon na may sms. Kinuha ko ito sa bulsa ng skirt ko at agad na binuksan ang inbox.

From: Best Allison

Kris! Naiwan ko pala ang libro ko! Pakidala na lang. Thankies!

Nag-type ako ng irereply kay Alli.

To: Best Allison

Yeah...

Magrereply na nga ako, ang tipid pa. Grabe no!

Ibinulsa ko ang phone ko at nagpatuloy sa paglalakad. Hahakbang na sana ako sa unang baitang ng hagdanan nang may mapansin akong lalaki sa ibaba. Nakasandal ito sa dingding na para bang may hinihintay. Humakbang na lang ako pababa sa hagdanan habang nakatingin sa lalaki. Sa paghakbang ko sa huling baitang ay doon ko na nakilala ang lalaki.

"Ethan?"

Napaangat siya ng ulo at nilingon ako. Nakayuko kasi siya habang nakasandal din.

"Kristel!"

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nakasandal diyan?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Umalis siya sa pagkakasandal at lumapit sa akin. At dahil hanggang dibdib niya lang ako kailangan ko pang tumingala para salubungin ang tingin niya.

"I was...waiting for you." He said and then smiled.

*Lubdub.Lubdub.Lubdub.*

Bakit kapag ngumingiti lang siya ng ganyan, my heart will suddenly beats faster? Why?

"Is there any dirt in my face?"

Nabalik lang ako sa ulirat dahil sa tanong niya. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.

"W-wala naman..."

"Why are you staring at me like that?" he asked again.

"May naisip lang ako..." sagot ko at umiwas ng tingin.

"Ano naman ang iniisip mo—or sabihin nating, sino ang iniisip mo?" tanong naman niya at ngumiti nanaman.

Oh! Bakit ba ganyan ka kapag ngumingiti?!

"W-wala ah! S-sino naman ang iisipin ko?" sabi ko at naglakad paalis. Pero nahinto ako dahil para bang may sinabi siya.

"Pwede namang ako ang isipin mo..."

"Anong sabi mo?" tanong ko at bahagya siyang nilingon.

"May sinabi ba ako?" balik-tanong niya sa akin pero umiwas lang ako ng tingin at dali-dali naglakad.

"May sinabi ka kaya..." bulong ko.

"Hey Anne! Hintay naman!"

Naramdaman kong tumakbo siya at nagulat ako ng hawakan niya ako sa balikat.

"A-ano b-ba!"

"Sorry." sabi niya at inalis ang kamay niya sa balikat.

Bahagyang ko namang tinago ang pisngi ko gamit ang buhok ko. Naramdaman ko kasing uminit ang pisngi ko.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon