A/n: The long wait is over! Chappy 24 is now here na! Ang pinakahihintay na Chappy! Sorry kung pinaghintay ko kayo guys...
*****
Alli's POV
"MAGSIBALIK NA NGA KAYO SA LUNGGA NIYO!" Sigaw ko na ikinatahimik nilang lahat. Ha! Buti naman!
"Alli...chill ka lang..."
"Tumahimik ka dyan, Ryan!" Napakamot naman siya ng ulo.
"At kayo!" Iniisa-isa ko ang mga gangster na ito. Kasama si Kuya Ash! Wala ng exemption ngayon!
"Lumayas kayo!" Inis kong sigaw.
"Hoy amazona girl!" Binalingan ko yong tukmol.
"Bakit?! Ha tukmol!"
"Tumahimik ka kaya pag may time." Nag-isang linya ang kilay ko. Pag may time pala ah...
"Bumalik ka kaya sa lungga mo." Sabi ko.
"Hah! Ikaw kaya, bumalik sa amazon river." Sabi niya sabay ngisi.
Napapikit ako ng mariin. Bumwelo muna ako bago siya malakas na hineadbatt gamit din ang ulo ko. Nawalan siya ng balanse at napasandal sa pader sapo ang ulo niya.
Napahawak din ako sa ulo ko dahil parang nahilo ako. Pero kalaunay nawala din naman ito.
"F*ck!"
'My ghad! Si Fafa Josh...'
'Hala! Mukhang sobrang sakit non.'
'Ang lakas talaga ni Alli!'
'Grabe si Alli...'
Nairita naman ako sa bulung-bulongan nila.
"TUMAHIMIK KAYO!" tumahimik din naman sila.
Kanina pa tong mga to. Yamot na yamot na ako. Bakit ba kasi nandito tong mga ugok na to. Kainis! Parang sa kanila ang classroom namin.
"Ang sakit non ha!"
"Baka gusto mong ulitin ko!"
Si Blake naman ay napatawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Nakita ko naman si Ethan at Kristel na nagtititigan. Hinila ko si Kristel at pinaupo sa upuan."Kulang na lang na malunod kayo sa kakatitig niyo eh no!" Inis kong sabi.
"Wag' ka ngang makialam sa love story nila amazona!" Binalik ko ang masamang titig ko kay tukmol na mukhang nakarecover na.
"Oh ano ngayon!"
"Masyadong kang bitter eh! Pinapakelaman mo silang dalawa!"
Kumunot ang noo ko. "Pake mo din!"
Naiinis na talaga ako sa tukmol na to. Urgh!
Bubulyawan ko sana ulit si tukmol nang pumasok si Kylie sa room.
"Goodmorning Alli! Morning Kris!" Bati niya at nakipagbeso pa.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa umupo siya sa upuan niya at hinarap agad ang phone niya. Full charge yata tong si Kylie. Hindi na lantang halaman.
"Oy Kylie! Hindi mo ba rin babatiin si Dwight?" Sabi ni Blake kaya nakatanggap siya ng sapak kay Dwight.
Bigla naman siyang lumapit sa akin at umangkla sa braso ko.
"Alli oh! Si Dwight nananapak!"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Baka gusto mong maheadbatt din?"
Agad din siyang lumayo sa akin at tumabi kila Kuya Ash na tahimik lang. Buti naman at hindi dumadagdag tong si Kyle unggoy.
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
Novela JuvenilI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...