Chapter 44 (Ice Cream)

2.3K 68 6
                                    

Kyle's POV

Kumunot ang noo ko nang matahimik siya pagkatapos kong sabihin iyon. Sinulyapan ko siya habang unti-unting pinapaandar ang sasakyan.

"A-Anong s-sabi mo?"

"Let's have a date." Ulit ko sa sinabi ko kanina. I heard her murmur something. 

Napaigtad ako at napamura nang hinampas na naman niya ulit balikat ko.

F*ck! Pang-ilan na yun!

"Ang galing mo talagang mag-joke no!" Muli niya akong hinampas kaya napaapak na ako sa preno.

Sh*t!

Napalingon ako sa kanya at nagulat ako nang makitang nakasapo siya sa noo niya habang dumadaing.

Lumingon siya sa akin at muntikan na akong matawa nang makita kong namumula ang noo niya. Did her forehead hit the dashboard?

"Walanghiya ka talaga! Ang sakit ng noo ko!" Binigyan niya ako ng nakakamatay na tingin na hindi naman umepekto sa akin.

Nakita kong tumaas ang kamao niya at akmang susuntukin niya ako nang mabilis kong nasalo ang kamao niya. Pilit niyang inagaw iyon pero hinigpitan ko ang pagkakahawak doon at hinila ito, sanhi para mahila siya palapit sa akin. Binitawan ko ang kamao niya at niyapos ang isa kong braso sa bewang niya.

"Bwisit! Ialis mo yang braso mo sa bewang ko! Kundi—"

Natahimik siya agad nang inilapit ko ang mukha ko sa kanyang mukha. Nagkatinginan kami.

"Natahimik ka?" Ngumisi ako. Napansin kong namumula ang pisngi niya katulad ng noo niya. She's blushing.

"Shemay ka." Mahinang mura niya sa akin. Pinanliitan ko lang siya ng mata.

Hinipan ko ang ilang buhok niya na tumatabon sa kanyang noo. Napaatras siya sa ginawa ko pero mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayapos sa bewang niya. Inangat ko ang isa kong kamay at inilapat sa noo niya. She stilled when I caressed her forehead.

"W-what a-are you d-doing?"

"Namumula ang noo mo." I said. She shot me a death glare again.

"Hindi malambot ang dashboard." I chuckled of what she said. "It's not a pillow, you know." Sabi ko at binitawan siya. Agad siyang lumayo at sumiksik sa gilid. Tumaas ang gilid ng labi ko.

Pinaandar ko ulit ang sasakyan at nang may makita akong ice cream shop ay agad kong pinark ang sasakyan sa gilid. I glanced at her and I notice the confusion written in her face.

"Wait here." I said then took off my seatbelt. 

"B-bakit? Wait! Where are you going?" Tanong niya nang makitang binuksan ko ang pinto ng sasakyan.

Nilingon ko siya ulit. "Just wait here." Sabi ko bago lumabas ng sasakyan.

Alli's POV

Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin nang lumabas siya ng sasakyan hanggang sa makapasok siya sa isang ice cream shop na nasa harapan. Ano namang gagawin niya sa loob? Don't tell me na bibili siya ng ice cream?

Napasapo ako sa noo ko nang kumirot ito. Bwisit na dashboard! Dali-dali kong kinuha ang phone ko sa sling bag kong dala. Binuhay ko ito at agad na hinanap ang camera app. Ginawa ko itong salamin para matingnan ang noo ko.

Shems!

Napangiwi ako sa pulang-pula kong noo. Haiiyyst! Kainis talaga ang unggoy na yon! Sumingit bigla sa isipan ko ang nangyari kanina na bahagyang ikinapula ng pisngi ko.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon