Alli's POV
"Good mor---"
Awtomatikong umigkas pataas ang isang kilay ko nang madatnang wala pang katao-tao ang classroom namin. Isa-isa kong tiningnan ang bawat upuan kung may bag ng isa sa mga classmate ko pero kahit isa ay wala.
Dumako ang tingin ko sa suot kong wrist watch at bahagyang nagulat nang makitang mag-aala-sais pa lang ng umaga. Ang aga ko! Shemay!
Pumasok ako sa classroom pero agad na nahinto sa paglalakad at tumuon ang tingin ko sa pintuan ng classroom namin.
Luh ba't bukas?
Eh nilock naman to ni Kylie kahapon ah? Hindi naman maaga dumating 'yong babaeng 'yon. Binubuksan ba ng mga guard ang mga classroom kada umaga?
Napakibit balikat na lang ako at tinungo ang upuan ko. Kumunot ang noo ko nang mapansing may nakalagay sa desk ko.
"Ano 'to?"
A dead flower?
Kinuha ko ito pero agad na nabitawan nang matusok ako sa tinik na nasa bulaklak at napangiwi dahil sa kirot. Napansin ko ang isang maliit na piraso ng papel na nakaipit sa bulaklak kaya agad ko itong kinuha at binasa ang nakasulat.
'STAY AWAY FROM HIM. I'M WARNING YOU OR ELSE.'
What the heck?
At sinong baliw ang gagawa ng ganito? And who's him? Is this some kind of joke? Trip trip lang?
Nilakumos ko ang papel na hawak at pinulot ang patay na bulaklak. Mabilis na tinungo ko ang basurahan at itinapon doon ang papel at patay na bulaklak.
I let out a sigh. Wala ba silang magawang tama?
"Allison?"
Mabilis akong napalingon sa likuran at nakita si Ryan na kakapasok pa lamang ng classroom. Magulo ang buhok nito at nakabukas ang dalawang botunes ng puting long sleeve polo na suot. Bahagya ding nakakunot ang noo niya habang ang kanyang mga mata ay nasa akin nakatuon.
"Ang aga mo ah." Aniya habang unti-unti naglalakad papunta sa direksyon ko.
"Oo nga eh." Ani ko at muling sinulyapan ang itinapon ko sa basurahan.
"Anong nandyan?"
Napaigtad ako sa gulat nang mapansing nasa tabi ko na siya at sobrang lapit na ng mukha naming dalawa.
"Ryan naman!"
"Oh?" Lumingon ito sa akin na ikinaatras ko.
"Layo ka nga," inilagay ko ang dalawa kong daliri sa noo niya at bahagyang itulak ang kanyang ulo.
Tumaas ang kilay ko nang may makitang maliit na dahon sa magulo niyang buhok. Tumingkayad ako at kinuha ang dahon, isang beses na sinuklay ko ang magulo niyang buhok gamit ang daliri ko. Napaatras ito at nanlalaki ang mata na tiningnan ako.
"A-Ano 'yon?"
"May dahon sa buhok mo." Iwinigayway ko ang maliit na dahon at inihulog sa basurahan.
Muli ko siyang tiningnan at napaismid nang mapansing hindi siya nakasuot ng neck tie.
"'San ka ba nanggaling? Ang gulo-gulo ng buhok tas may dahon pa nga, hindi pa maayos pagkakasuot mo sa uniform. 'San naman necktie mo?"
Hindi ito sumagot at tulalang nakatingin sa akin, bahagya pang nakaawang ang bibig niya. Pansin ko rin ang pamumula ng kanyang magkabilang tenga na di ko alam kung bakit.
Napailing-iling ako, "pa'no ka nakapasok dito sa DA ng ganyan? Nako, umayos ka Ryan." Tinapik ko siya sa balikat bago naglakad pabalik sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
Teen FictionI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...