Chapter 8 (Mean Girls)

4.4K 154 6
                                    

Kristel's POV

Nakadapa lang ako sa kama ko habang nagfafacebook sa laptop ko. May nag-friend request naman kaya agad ko itong tininganan.

Friend Request

Ethan Rivera

Confirm         Delete

Parang narinig ko na ang pangalan na to, sino nga ba to? Ahah! Yong kabarkada pala ni Kuya Sam, yong gamer. Na halos ilublob na ang mukha sa phone niya. Pero cute siya ah!

Agad ko naman itong kinonfirm at inopen ang account niya. Parang nagiistalk lang ang peg. Ang gwapo at hot niya sa profile niya, sinave ko naman yong profile picture niya.

Hindi ko siya type ah! Napaka-defensive ko naman. Pero mukhang crush ko na siya, slight lang...mga 30%. Mukhang pareho lang naman yun. Grabe! Ang landi ko na, gosh Kristel.

Napahiga naman ako sa kama, kinuha ko ang unan ko at tinakpan ang namumula kong mukha.

Hala! Anyare na sayo Kristel?

Napasipa naman ako sa kilig kaya napindot ng paa ko ang keybord ng laptop. Pero napaupo naman ako bigla nang tumunog ang laptop, sign na nasend ang message.

Message ba kamo?

Napatingin naman agad ako sa laptop, at talagang napatakip ako sa bibig ko. Nasend kasi ang isa kong picture---at ang malala?

Sa account ni Ethan nasend. At yong picture ko pang may headband akong tenga ng pusa, at may nakalagay na whiskers sa pisngi ko. Nanlulumo na ako sa hiya. At online pa talaga siya.

Tumunog naman ang laptop ko nang magreply siya. Luhh! Bakit ka nagreply?

Cute!

Ano daw? Cute daw yong picture ko, kaya cute din ako. Agad ko namang isinirado ang laptop ko at nagtalukbong ng kumot.

"Kkyyaahh!!!"

Ethan's POV

I just playing in my phone when I hear my laptop beap. I immediately open the message from via facebook.

From: Kristel Anne

"From who?" I read again the sender, and it's really her. Shock was written all over my face. I smiled and open the message, at lalo akong napangiti sa picture na nakita ko.

Kristel's picture was on the message, and she's so very damn cute. Nakasuot siya ng headband na may tenga ng pusa at merong nakalagay na whiskers sa pisngi niya. I smiled again before typing a reply to her.

To: Kristel Anne

Cute!

"Send!" I said.

Pero napasimangot ako nang mag-offline siya.

"Natulog na ba siya?" I asked myself, tiningnan ko naman ang orasan na nasa side table. Mukhang natulog na siya, it's already 10:00 pm. Matulog na din kaya ako?

Isinirado ko ang laptop and turn my phone off too. Sumalampak ako sa kama ko at niyakap ang unan ko. I closed my eyes and go down to sleep.

*****

'Kkyyyaahh!!! Sobrang gwapo talaga ni Fafa Ethan.'

'Goodmorning Fafa Ethan!!!'

'Omo! Ang hot mo Fafa Ethan!'

Sigawan at hiyawan agad ang bumungad sa akin nang maglakad ako sa hallway. Naglabasan nga rin ang iba ng kanilang mga rooms.

Tsk. Tsk. Ang gwapo ko talaga.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon