Chapter 49 (Sick)

2.1K 61 33
                                    

Dedicated to: userIsabella26
                            plawers1123
                            MargieSondiangco

***

Alli's POV

Napakurap-kurap ako nang huminto ang sasakyan sa pamilyar na bahay—ay hindi, mansyon pala ito.

"What are we doing here?" Tanong ko kay Dwight na mukhang handa ng lumabas ng sasakyan. Saglit na sumulyap ito sa akin bago tuluyang lumabas ng sasakyan. The hell!

Napaigtad naman ako sa gulat nang bumukas bigla ang pinto ng sasakyan na nasa gilid ko. Bumungad ang pamilyar na ngisi ng tukmol na nakapagpasalubong sa kilay ko. Naiinis talaga ako kapag nakikita ko ang ngisi ng ugok na tukmol.

Nakangising inilahad nito ang kamay sa harapan ko. Pero hindi ko ito tinanggap at tinabig lamang.

"Tabi nga!" Inirapan ko muna ito bago lumabas ng sasakyan.

Napayakap ako ng mahigpit sa bag ko habang pinagmamasdan ang mansyon ng mga Salvador na nasa harapan ko. At oo! Dinala ako ng mga gangster na ugok dito sa pamamahay ng kanilang magaling na leader. Kainis talaga!

"Allison!" Napalingon ako kay Blake na papasok na ng mansyon.

Tinaasan ko siya ng kilay, tinuro naman niya ang loob ng mansyon na mukhang pinapapapasok ako. Inirapan ko siya bago ako sumunod sa kanila.

Sinalubong kami ng dalawang maids na agad na yumuko pagkakita sa amin.

"Where's Kyle?" Tanong ni Dwight sa dalawang maids.

"Nasa kaniyang kwarto po si Sir Kyle, Sir Dwight."

Hindi na ako nakinig sa kanilang pinag-uusapan at inabala ko na lang ang sarili sa pagtingin-tingin ng mga gamit na hindi ko nagawa noong pumunta ako dito. Tumingala ako at napaawang ang bibig ko nang makita ko ang malaking chandelier na nakasabit sa itaas.

"Grabe..." Mahinang sabi ko sa sarili.

Nakakita pa ako ng ilang antique na mga gamit na mukhang nanggaling sa ibang bansa. Akmang uupo na sana ako sa sofa nang hilahin ako ni tukmol at Blake papunta sa hagdanan.

"Saan niyo ko dadalhin mga ugok?!" Bulyaw ko sa dalawa at pilit na inaalis ang pagkakahawak nila sa akin.

"Grabe ka amazona girl, pwedeng manahimik ka kahit sandali?"

Malakas kong siniko sa may sikmura si tukmol kaya napabitaw ito sa akin.

"The f*ck!"

Hindi ko pa nalilingon si Blake nang kusa na itong bumitaw sa akin at agad na lumayo.

"Waaahhh!!! Dwight! Nakakatakot si Alli!" Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Blake. Parang tanga.

"Come on, Alli." Sabi ni Dwight bago ako nilampasan at naunang umakyat sa hagdanan. Nilampasan din ako ng nakapamulsang si Ethan. I unleashed a sigh before I followed them.

We stopped in front of a black door on the second floor of the mansion. I turned to the other doors in the second floor, and I realized that it's just in front of us is the color black. Some doors are white in color. Paiba masyado ang may-ari ng kwartong ito.

Dalawang beses na kinatok ni Ethan ang pinto pero walang sumagot. Ethan looked at us and shrugged his shoulders. I frowned. Nadinig ko ang pagbuntong hininga ni Dwight at lumapit sa pinto. He turned the knob of the door and to my surprise, it opened.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon