Chapter 29 (That Girl Again)

3.4K 90 2
                                    

Kristel's POV

"Problema mo?"

"Mali ako sa number 5..."

"Huh? Ang isang kagaya mo may mali sa quiz?"

"Ehhh...shut up ka na lang diyan Kylie!"

"Sinong may mali?" tanong ko sa dalawa.

Nakangising tinuro naman ni Kylie si Alli na tutok na tutok sa kanyang papel.

Napailing na lang ako. Ako nga nakadalawang mali sa quiz namin. Baliktad kasi ang sagot ko sa number 5 at 6. Hayy...naku!

Nagulat kami nang biglang mawala ang kanina lang hinahawakan na papel ni Alli.

"ATTENTION CLASSMATES! HINDI PERFECT SA QUIZ SI ALLISON!!!"

Nadawit na pala ni Ryan. At talagang isinigaw pa niya.

"HOY RYAN MENDIOLA! LAGOT KA TALAGA SA AKIN KAPAG NAHULI KITA!"

Tumayo si Alli at hinabol si Ryan na tumatakbo na dala-dala ang papel ni Alli. Napatawa na lang kami ni Kylie.

Nagulat ako nang may maglagay ng isang rose sa desk ko.

"Pinapapabigay! Kinikilig talaga ako sa inyong dalawa!" Kinikilig na saad ni Stella.

"Huh?" taka ko siyang tiningnan.

"Kanino naman galing? At with note pa talaga ah!" Sabi ni Kylie at kinuha ang rose.

"Secret. Bawal sabihin! Hehehe!"

Kumindat pa si Stella bago bumalik sa upuan niya na katabi ng kay Kyla.

"Mukhang alam ko na kung kanino galing." Sabi ni Kylie matapos basahin ang nasa note.

"Sino?"

"Nah-uh! For you to find out." Sabi niya sabay kindat din.

Kinuha ko na lang ang rose at binasa ang note na nakadikit dito.

Hi!

Yun lang ang nakalagay pero alam agad ni Kylie kung sino ang nagbigay. Nilingon ko si Kylie na nakatutok na ngayon sa phone niya. Baka inaasar lang ako nito...

"Itago mo na yan, papalapit na si Alli."

Pagkasabi non ni Kylie ay agad kong binuksan ang bag ko at inilagay ang rose doon. Umupo si Alli sa upuan niya na nakasalubong na ang kilay. Hawak-hawak niya ang papel niya sa quiz na parang malala talaga ang pinagdaanan. Gusot-gusot na kasi ito at may punit na sa gilid. Napatingin naman ako kay Ryan na dumaan sa harapan sapo-sapo ang kanyang noo. Mukhang nagkabukol na yun. Natatawang sinalubong naman si Ryan ng barkada niya.

Pumasok naman si Ms. Montes sa room na may hawak ng papeles. Pagkatapos kasi ng ibinigay niyang quiz ay lumabas muna siya para may kuhain.

"Oh Mr. Mendiola, what happen to your forehead?" takang tanong ni Ms. Montes kay Ryan.

"Nagkatuwaan lang ma'am..."

Nilingon naman ni Ryan si Alli pero sinamaan lang siya nito ng tingin.

"Katuwaan daw!" rinig kong bulong ni Alli.

"Okay class, maaga kayong palalabasin ngayon dahil may urgent meeting kami ngayon."

Agad naman naghiyawan ang mga kaklase ko.

"Huwag muna kayong magdiwang, may afternoon classes pa kayo." Tumahimik naman sila.

"Class dismissed."

Pagkasabi non ni ma'am ay agad kong niligpit ang gamit ko. Nilingon ko naman si Allison at Kylie na abala din sa pagliligpit sa gamit nila.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon