Chapter 46 (The Oh So Called Date)

2.7K 73 13
                                    

Alli's POV

Tumunog ang pinto ng driver seat kaya napalingon ako doon. Nagulat ako ng bumaba doon si Kyle at lumapit sa akin. Taka ko siyang tiningnan.

"Oh, bakit ka pa bumaba?" I asked him.

Namulsa ito at tiningnan ang bahay namin kaya napatingin din ako doon.

"May problema ba?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Why is the lights off?"

Napatingin ulit ako sa bahay namin na madilim. Tiningnan ko si Kyle na nakatingin din sa akin.

"Wala kasi ang maid namin, day off. Si Kuya Ash naman mukha hindi pa umuwi. Eh kung nakauwi na si kuya dapat naka-on na ang ilaw diba? Gamitin mo din isip mo no." Sabi ko dito.

Sinamaaan niya ako ng tingin kaya napa-peace sign ako. Napabuntong hininga ito na ikinakunot naman ng noo ko.

"Ano bang problema mo?" Inis kong tanong sa kanya. Pero imbes na sagutin ako, ay lumapit lang siya sa sasakyan niya at umupo sa hood nito.

"Wala ka bang balak ng umuwi?" Napatingin ako sa suot kong wrist watch. "At hoy! Mag-aalas-siyete na no!"

Hindi ako nito pinansin at tumingala lang. Jusko nito!

"Hoy! Nakikinig ka ba?! At bakit ka pa ba nandito?!" Tumingin na ito sa akin.

"No. Hindi muna ako uuwi."

Lumapit ako sa kanya at pumamewang sa harapan niya.

"And why is that, huh?" Tanong ko at itinaas ang kilay ko.

He crossed his arm and look at me. "I will be your guard, baka bigla na lang pasukan ng magnanakaw ang bahay niyo."

Napanganga ako sa sinabi niya. "Aba naman! Anong akala mo sa akin? Lalampa-lampang babae?!" Salubong ang kilay na sabi ko.

"Paano kung hindi mo kaya?" Tanong niya na mukhang nang-aasar.

"Eh kung sapakin kita diyan?!"

Ngumisi siya. "You can't."

"Anong you can't?!"

"Hindi mo ako masasapak."

Nairita ako sa sinabi niya kaya itinaas ko ang kamay ko para sapakin siya. Pero sa kasamaang palad, nahawakan niya agad ang kamay ko. Napasinghap ako nang hilahin niya ako papalapit sa kanya. At dahil nakaupo siya sa hood ng kanyang sasakyan, tumama ang noo ko sa may dibdib niya.

"Aray!" Daing ko nang kumirot ang noo ko.

Peste! Kakatama pa lang nito sa dashboard kanina!

Inangat ko ang ulo ko at sinamaan siya ng tingin.

"Walanghiya ka talaga, ano?!"

Napabitaw siya sa kamay ko. "Oh, sorry."

Sorry daw! Eh mukhang hindi naman siya sorry!

"Ang sarap mo talagang sapakin!" Inis na bulyaw ko at lumayo sa kanya.

But he just chuckled.

"Yan ba ang epekto sayo ng fishball?! Palagi ka na lang nang-aasar!" Bulyaw ko ulit.

Nagulat ako ng ngumiti siya bigla. Umalis siya sa pagkakaupo kaya napaatras ako. Tumingin siya sa madilim na kalangitan na parang may inaalala.

"Next time..."

Kumunot ang noo ko. "Anong next time?"

Tumingin siya sa akin na may ngiti pa rin sa labi. Ang weird niya, pramis!

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon