| David |Napamulat ako, ang sakit ng Ulo ko. Ano bang nangyare kagabi?! Pero lalo akong nagulat ng makita ko ang sarili kong nakahubad. Nanlalake ang mata ko at nahulog sa kama.Kaagad kong kinuha ang damit ko at Nagbihis at kaagad na lumipad.
Anong nangyare kagabi?! sino yun ka ano-Yung-ano! Basta yung ano! Sino?! Hindi kaya walang nangyare samin kung sino man yun! Imposible! Nanakit ang balakang ko eh at tsaka kakaiba ang Pakiramdam ko.
Kaagad akong bumalik ng kaharian.'Bakit ngayon ka lang!"nabigla ako sa nagsalita si Avelino.
"At talagang hinintay mo ako may sakit ka ba sa utak?!"sabi ko.
"Hindi naman sa hinihintay kita, Hindi kase ako pinatulog ni lusot! Iyak sya ng iyak sa kwarto namin! Pero nang nandito kami sa Upuan sa labasan ay tumahimik sya. Tapos nun nakamulat parin sya hindi kami makabalik sa kwarto kase nagsisimula nanaman syang umiyak! Napansin ko hindi ka pa bumabalik kaya sinabi ko lang!"sabi nya. halatang puyat na puyat sya! Ang laki ng itim nya sa baba ng mata.
"Ipinagmamalaki kita aking kapatid!"sabi ko at Hinawakan ang Braso nya.
nagulat ako ng napatulala sya,"Bakit? Amoy Babae ka?! Nakipagtalik ka ba?"nabigla ako.
"Ha?! Hindi!"sabi ko.
"Maaring bobo ako at matalino ka! Ngunit hindi ka marunong magsinungaling aking kapatid!"tumawa sya.
"Buti naman! at hindi ka na birhen!"sabi nya at tumawa ng malakas.
"Manahimik ka"sabi ko.
"Bakit ako mananahimik?! May bibig ako!"asar nya, Kaya naman umalis nalang ako.
Grabe rin makaburaot yang kapatid ko.
| Ren |
''Tapos na ba yan?"tanong ko kay rianne.
"Kung tinulungan mo sana ako! Mahal na prinsipe! Tapos na sana itong ating Takdang aralin! Paano nalang pala kung hindi ako ang kapares mo?"nagrereklamong sabi nya.
'akala ko ba matalino ka?! kaya nga sinabi ko sa Guro na ikaw ang Kaparehas ko upang, ikaw lang ang gumawa!"sabi nya. at tinarayan ako.
Laging nagrereklamo! Akala mo hindi sinuswelduhan.nakaramdam ako bigla ng antok kaya naman pumunta ako sa kama nya, ng mistulang hihiga na ako ay...
"Ops! Anong ginagawa mo?"tanong nya.
"Hindi ba halata? Hihiga!"sabi ko.
"Bakit ka hihiga?"tanong nya.
"Ano bang ginagawa sa kamang hinihigaan?!"tanong ko.
"Syempre matutulog"sabi nya.
"So malamang matutulog ako! Gamitin mo nga utak mo! Puro ka tanong!"sabi ko.
"Kanina ko pa ho ginagamit ang utak ko! Ginagamit ko sa takdang aralin na dapat ginagawa nating dalawa!"sabi nya.
"Puro ka reklamo! Sige ka sisesantihin kita'natahimik nalang sya.
At Tuluyan na nga akong nakatulog.
| Rianne |
Gabi na. At tapos na ang takdang-aralin. Antok narin ako. kaya naman.''Prinsipe! Gumising ka na! Gising! Uyyy!"hindi sya magising kahit anong pag-uyok at pagkabulabog ang Gawin ko sakanya kaya naman tumabi na lamang ako sa tabii nya, at kaagad na nakatulog.
YOU ARE READING
Flying Sorcerer # 2 : Battle of Fates
ФэнтезиTwo Babies Were Switch..As the times Goes By. As they two grow up "Rianne" the true heir for the throne the daughter of "heaven" and "Gino". "Ren". The fake Prince and the true son of "isadora" who have hold grudge againts heaven because of the d...