|Ang Katotohanan|

34 0 0
                                    



| Heaven |

"Oo, buhay ako. Fredrick"sabi ko kay fredrick. niligtas sya ng aking anak na si yuan dahil binalak syang paslangin ni isadora, maari ko pa syang maging kakampi.

"Ngunit paano?"tanong nya.

Flashback

Tinawag ako ni yuan. "Oh aking pamangkin? Ano't tinawag mo ako?"

niyakap nya ako. Tumugon ako sa yakap na yun. umiiyak sya alam ko.

"Bakit ka umiiyak?"tanong ko.

"Nagpaloko tayo kay isadora. ina"nagulat ako dahil tinawa nya akong ina.

"Ina? anong ibig mong sabihin?"tanong ko.

"Nang manganak ka, babae talaga ang iyong isinilang, Ipinalit nya ang sangol na yun kay ren, at ang hindi inaasahan. May isa pang lumabas, isang sangol na Lalake. at ang sangol na lalake na yun ay ako"sabi nya habang kinukwento.

"Hindi ako naniniwala sayo"sabi ko.

"Papatunayan ko"sabi nya at kumuha ng kutsilyo at sinugatan ang kanyang sarili.

nagulat ako ng naging ginto ang kanyang dugo, oo. ang mga may dugong dughaw lamang ang may dugo nun. wala namang dugong bughaw si isadora kaya naman. napaluha ako. Ibig sabihin nito hindi ko anak si ren?

"ina, may kapatid ako! Isang babae! Mahahanap natin sya dahil may gintong dugo rin sya!"sabi.

''ipapakulong ko ang isadorang yun! Hindi sya makakawala sa batas sa ginawa nyang katraydoran sa palasyo"sabi ko ng galit, paano nya nagawa saakin na ilayo ang anak kong babae at hindi ko man lang naipagmalaki ang anak ko na palake.

"Hindi ina, magsisimula na ang unang digmaan ngayong gabi, wala tayong laban. Ngayon matatalo nya tayo ngunit may naisip akong plano! Upang hindi sya tuluyang magtagumpay. sabi nga ni haring simon ang unang hari. may iba't ibang klase ng taktika sa pakikidigma. Uutakan natin si isadora, Kailangan nyang maniwala na nagtagumpay na sya!"sabi nya.

"Ano ang iyong plano anak?"tanong ko.

"Ina, Sasabihin ko kay isadora na papaslangin kita, Totoong sasaksakin kita. ngunit sa bahagi lamang ng iyong katawan na hindi ka malalagay sa panganib. sa bandang chan. at sa bandang gilid. kailangan dalawang beses upang maniwala syang patay ka na! Meyroon akong kakampi na isang sundalo aa hukbo ni isadora. Sya'y napilitan lamang na kumampi kay isadora. Ngunit nasa panig natin sya, si greco ang kukuha sa katawan mo. at kunwareng ililibing ka nya! At doon na tayo magsisimula"sabi nya. tumango ako. handa kong ialay ang aking buhay upang magtagumpay lamang kami.

niyakap ko sya at napahagulgul. "Pasensya na, Hindi kita naipagmalaki. boung buhay mo. ay nangungulila ka sa pagmamahal ng isang ina. na syang hindi nya naman binigay sayo"sabi ko.

"Ang mahalaga, Nalaman natin ang katotohanan. Mahal kita aking ina"sabi nya. napangiti ako, kahit hindi ako yung nagpalaki sakanya ay naging mabuti syang flying sorcerer.

"Mahal na mahal din kita aking anak"sabi nya.

nagkunware akong hindi ko alam ang katotohanan.

End Of Flashback

"Ngayon fredrick! Kakampi ka ba sa anak na tinangka kang paslangin o sa iyong mga anak na ni-minsan hindi mo nabigyan ng sapat na pagmamahal"napaluha sya.

"Alam kong nagkamali ako heaven, Ngayon na bumalik na ang aking katinuan hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataon na maari nila akong mapatawad. lalong lalo na sayo, Nilayo kita sa iyong ama. Tinangka kong kunin ang trono mo ngunit sa huli sayo parin ito napunta. Ako'y humihingi ng tawad, Hindi ko na kaya! ang mga kasakiman na ako naman talaga ang puno't dulo"sabi nya.

"Naniniwala ako, na kaya mo pang magbago! kaya sana patunayan mo"sabi ko. at umalis.

--

sa tuwing kakain si yuan kasama si isadora ay dinadalhan nya ako ng pagkain. nang masaksak sya. ay lubha akong nag-aalala.

"Ina, may sasabihin ako, ukol sa aking kapatid'ngumite ako.

"Nahanap mo na ba sya?"tanong ko.

"Oo, nalaman ko kung sino na sya. Sa wakas ina. Sya si—"

"Mahal na prinsipe, Pinapahanap ho kayo ni isadora"sabi ni greco.

"Mamaya ko na lamang sasabihin!"ngumite sya at niyakap ako. Tumugon ako sa yakap.

"Mag-ingat ka anak"sabi ni ina.

siguro napaglihi ko si yuan kay david, napakatalino at hindi nagpapatinag, Namana nya ang Kasipagan ng kanyang ama, at naman nya naman ang muckha nya saakin.

Masaya ako na anak ko sya, Syempre proud din ako kay ren kahit hindi ko sya kadugo, saakin na yun lumaki. Napamahal na rin ako sakanya. iniisip ko si gino. malapit na rin kaming magkita.

At sa anak ko na isa, kahit hindi ko pa man sya kilala. Tatangapin ko kung sino sya.

Flying Sorcerer # 2 : Battle of FatesWhere stories live. Discover now