| Jera |kumakain ako ng tinapay ng makita ko si olivia na papunta sa kagubata. delikado ang ginagawa nya. hindi pa naman sya marunong dumipensa. kaya naman ay sinundan ko sya.
"Anong ginagawa mo?"tanong ko sapagkat nasa malayo na kami.
"Naghahanap ng pagkain"sabi nito.
"Ipapahamak mo lamang ang iyong sarili! Halina't bumalik na tayo sa ating kuta!"sabi ko.
"Ayoko, Nais kong maghanap ng pagkain. upang magkaroon ng silbi. Hindi ako kagaya mo jera, wala akong alam sa pakikipaglaban. hindi rin ako marunong maglinis, Tanging pagpapaganda lamang ang alam ko. Kaya naman nais kong makatulong"sabi nito.
''wag ka masyadong mag-aalala, Ang iyong anak ay isang malaking tulong kaya naman wag mong damdamin ang iyong halaga. Dahil. kung wala ka. wala kaming proprotektahan! Edi mawawalan narin kami ng silbi"sabi ko. ngumite sya.
ngayon ko lang nakitang ngumite si olivia sa harapan ko. lagi kase nya akong tinatarayan dahil alam mo na. may nakaraan kami ng kanyang asawa.
"Nais ko parin makatulong! kaya wag ka nang mag-alala, Bumalik ka na sa kuta"sabi nya.
napabuntong hininga ako. "Sasamahan na kita"sabi ko.
habang naglalakad kami.
"Salamat ha, Niligtas mo ako sa palasyo! alam ko ang kapal ng muckha ko kase hindi kita napasalamatan kaagad"sabi nya.
"Ahhh, Ayos lang. Trabaho ko naman yun bilang isang heneral"sabi ko.
"at pasensya na"sabi nya. napatingin ako sakanya.
"Para saan?"tanong ko.
"Para sa pagiging ahas ko. Sa pagsira ng relasyon nyo ni agustin. Alam ko. Ang sama sama ko. kase ako yung dahilan kung bakit kailangan nyong maghiwalay. at tsaka. sa pag mamanipula ko sa anak ko na kabit ka ng asawa ko! pasensya ka na! Ngayon ko lang napagtanto na. hindi ako masaya! Akala ko. Magiging masaya ako sa piling ni agustin kahit hindi nya ako mahal . ngunit. hindi ako naging masaya! dahil alam kong walang pagmamahal sa pagitan namin, tanging si akira lamang ang nagcoconecta saaming dalawa! akala ko kase mamahalin nya rin ako. Nagmahal lang ako. pero bakit naging kasalanan yun? hindi ko alam nakakatapak na ako ng iba! at alam ko, hindi karapat dapat na maging malungkot ka jera! Hindi dapat kita nilamangan! ang bait mo. kahit sinaktan kita niligtas mo parin ako!"sabi nito at lumuha.
bakit ngayon mo lang to sinabi olivia? kung kailan wala na ang aking anak saakin. ayos lang naman saakin kahit saktan nyo pa ako ng paulit ulit. ngunit, may buhay na nawala. sangol na aking dugo't laman. hindi ako tumingin sakanya.
"Tumigil ka na, nakalimuta ko na yun. May nakikita akong prutas, akyatin mo na"sabi ko. napatingin sya sa puno, at pinunasan ang mga luha nya, at ngumite.
''Salamat sa pagtutulong saakin"sabi nya at inakyat ito. huli na ang lahat para humingi ka pa ng tawad olivia, hindi nyo na mabubuhay ang anak ko.
at panghabang buhay ko iyon dadalhin.
YOU ARE READING
Flying Sorcerer # 2 : Battle of Fates
FantasíaTwo Babies Were Switch..As the times Goes By. As they two grow up "Rianne" the true heir for the throne the daughter of "heaven" and "Gino". "Ren". The fake Prince and the true son of "isadora" who have hold grudge againts heaven because of the d...