| Akira |"Bastos"sabi ko at tumayo sa paliguan at nagmadaling nagbihis.
"Akala ko ba?! Sa gabi pa ang Pagdating mo!"sabi ko at humarap sakanya.
"Napaaga nga ang aking dating! Naalala mo pa pala ang ating secretong paliguan!"sabi nya at ngumite.
"Ikaw naalala mo"sabi ko.
"oo naman, Dito ako umamin ng aking nararamdaman noon diba. Naalala mo pa ba?"tanong nya.
"Hindi na! Mahina ang Utak ko lalo na sa mga dapat kinakalimutan na. 10 taon na ang nakakalipas skyler, Tingin mo maalala ko pa yun?!"sabi ko.
"Hindi ko namalayan, Sampong taon na. pero tandang tanda ko ang mga pangakong Ibinigay ko sayo akira"sabi nya.
"At tandang tanda ko rin kung paano mo ako iniwan"sabi ko at tumalikod.
"Alam kong mahal mo parin ako, at sigurado ako sa huli saakin ang bagsak mo"mayabang na sabi nya.
"Akala ko ba doctor ang tinapos mo sa mundo ng mga tao? eh bakit naghuhula ka na! Tumigil ka sa kahibangan mo"sabi ko. at lumakad papalayo. pero aminin.
habang lumalakad pabalik ay dumaan ako sa Hardin kung saan nagsasanay ang gma kawal, Lagi akong nanood ng mga kanilang pagsasanay.Di ko alam ngunit malapit ako sa gulo at digmaan. Naalala ko nung bata pa ako. laging nagagalit saakin si ama. kase tuwing nawawala ako natatagpuan naang nila ako sa silid ng mga Heneral at kawal, sa totoo lang pinapakailaman ko ang mga sandata nila. tapos nilalaro namin ni skyler.
Pagkadating ko sa hardin ay saktong nagsasanay si Haring gino.Sa lahat ng nga mandirigma sa spada, ay sya ang pinakamagaling wala pa daw nakakatalo sakanya.Nanalo sya sa Paligsahan ng mga Mandirigma sa spada ng limang beses. ngayong taon sasali daw si prinsipe ren. Titignan daw nila kung magaling at bihasa din daw ito sa spada.
Simula bata pa lang si ren ay sinasanay na sya ni Haring gino sa pakikipaglaban. Kasama ni yuan at xander.Mas matanda ako kina ren, yuan, ermea at xander ng pitong taon. kaya naman 25 na taon an ako silay ay 18 palang.
si sky ang kaseng taon ko. Kaya sya talaga ang malapit saakin.naging kami nung 15 kami. Sa kilos ko ay para akong lalake, Nakapanlalake na damit pag lumalabas ng palasyo.laging Nakatali ang buhok. hindi naglulugay kase ayoko. nahihirapan akong dalhin ang buhok ko. hindi ako sanay. Tapos minsan napagkakamalan akong lalake.
"Haring gino, Turuan nyo naman ako"sabi ko.
"Ipinagbabawal ng iyong ama. Na ikaw ay humawak ng mga sandata! kung ako lang ang masusunod tuturuan kita, dahil alam ko may potential ka na maging Mandirigma sa Spada"sabi ni haring gino.
"Edi i-secreto nyo lang mahal na hari!"tumawa sya.
"Oh sige na nga, Ngunit kailangan may kasama ka"sabi nito.
"Bakit naman ho kailangan may kasama pa?"tanong ko.
"Limang buwan simula ngayon ay magsisimula ang laro ng Paligsahan sa Mandirigmang Spada!"sabi nito.
"Anong kinalaman ko dun?"tanong ko.
"Sasali kayo kung sino man ang mapili mong magiging kasama mo sa pagsasanay"nanlalake ang mata ko.
"Sasali kaagad?!"tanong ko.
"oo, Sasali rin si Yuan at Ren. at si Ermea at xander"tumawa ako.
"Si ermea sasali?!"natatawang tanong ko.
"oo, Gusto kase ni xander na sumali ngunit wala syang kasama kaya naman pinilit ni xander si ermea. Sinuhulan yata ng pangkulay sa Obra kaya ayun napilitang sumali. Kaya nagsasanay narin sila"sabi ko.
napangiti ako. "Sige gusto kong sumali"sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/109569323-288-k680501.jpg)
YOU ARE READING
Flying Sorcerer # 2 : Battle of Fates
FantasyTwo Babies Were Switch..As the times Goes By. As they two grow up "Rianne" the true heir for the throne the daughter of "heaven" and "Gino". "Ren". The fake Prince and the true son of "isadora" who have hold grudge againts heaven because of the d...