| Yuan |Makalipas ang Isang Buwan...
"Bakit ganun?' ' sabi ko.
"Bakit ho mahal na prinsipe?"tanong ni greco.
"Nakilatis ko na ang dalawang milyong populasyon ng kababaihan na kaseng taon ko. ngunit. Hindi ko parin sya mahanap"sabi ko.
"Nag-aalala na ang iyong ina, Mahal na prinsipe! Nais nyang makita ka!"sabi ni greco.
"Matutulog muna ako. Sabihan mo sya na! Hintayin ako sa kwarto"sabi ko.
''Masusunod mahal na prinsipe"sabi nito at umalis. kaya naman. humiga ako sa kama at natulog.
| Isadora |
"Marami nang nag-aaklas na mga mamayanan, karamihan sakanila ay sumanib na sa hukbo ng dating hari, Nais nilang maibalik ang dating hari"sabi ni jumbo.
"Edi pakitaan mo ng dahas? Upang sila'y matakot. sa maari kong magawa. Wala ka talagang silbi para kang makina na kailangan pa susian upang gumalaw ito"sabi ko.
'Pasensya na ho, Mahal na reyna hindi na ito mauulit"sabi ni jumbo. at umalis. Napapagod na ako.
Nagpalakad lalad ako sa hardin.
at may nakita akong anino. Sinundan ko ito. at napunta ako sa hardin kung saan laging pumupunta si heaven, May nakita akong babae, Nakatalikod ito. Napalunok ako. Hindi maari!? Buhay pa ba si heaven?
Habang papalapit ng papalapit ako sakanya ay kabado ang dibdib ko. Ngunit biglaan itong lumingon, Nanlalake ang mata ko. "Heaven!"sigaw ko. ngumite sya.
"Ako ang papatay sayo isadora!"sabi nito. Napa atras ako.
"KAWAL! KAWAL! Tulungan ninyo ako.''sabi ko at tumakbo. at may nakabanga.
"Ina? ano't pinagpapawisan ka at tumatakbo ka? May nangyare ba?" tanong ni yuan.
"Yuan, Buhay si heaven! Buhay sya! Nakita ko sya sa hardin!"umiiyak na sabi ko
ngumite sya. "Imposible iyon ina, Napatay ko na ang reyna. sinigurado kong mapupunta ang lahat sa plano! Kaya't tumigil ka na!"sabi nito. Ngumite ako.
"Buti na lamang at nandito ka yuan! Kundi hindi ko alam ang gagawin ko! Kahit alam ko marami akong pagkukulang, ay naging mabuti kang anak saakin"sabi ko. Oo, Bakit nga ba nangyayare saakin ito? Bakit minamahal ko na yuan bilang aking anak? Oo wala ito sa plano ngunit marami na syang nagawa para saakin, Kaya tama lamang ang aking desisyon na hindi na ibunyag ang kanyang pagkatao.
Na magiging anak ko na lamang sya habang buhay kakalimutan ko ang dugong nananalaytay sakanya, Ang dugo ni heaven.
| Xander |
nagising na ako, Ano ba namang klaseng tulugan ito?! Kubeta?! hayss. kukuha ako ng walis upang makapaglinis, Kapag nakatakas ako dito ay hahanapin ko si ermea.
| Uvila |
"Ang gwapo nya no!"sabi ni Ana, isa sa mga batang babaylan.
"Oo nga!'Sana hindi nalang ako babaylan!"sabi ni yna.
"Hoy! Kayong magkapatid ano yang mga salitang nangagaling sainyong bunganga! Mag ingat nga kayo! paano kung marinig kayo ng Pinunong Babaylan! Makakatangap pa kayo ng palo"sabi ko.
"Pasensya na ho, Babaylan Uvila. Ngunit hindi namin mapigilan!'sabi ni yna.
"at nagdadahilan ka pa?!"sabi ko. At Napatingin ako sa lalake. Hindi ko alam ngunit.
Hindi ko matangal ang mata ko sakanya, At tumibok ng mabilis ang aking puso. "Babaylan uvila?! Babaylang uvila? BABAYLAN UVILA?! "napalingon ako dahil sumigaw si ana.
"Bakit ka ba sumisigaw? Magkalapit lamang tayo'sabi ko. tapos tumawa silang dalawa.
"Kaya nya ho kayo sinisigawan dahil 5 minuto na ho kayong nakatitig sa bagong alipin. Diba babaylan uvila! Gwapo ho sya?!"tanong ni yna.
"Ano ba yan yna?! nakakailah ka na! Isusumbong na kita"sabi ko.
"Baka ho kayo ang lagot, Babaylan uvila!"sabi ni ana.
"Bakit?"tanong ko.
"Dahil ho, Kanina pa ho nakatingin ang pinunong babaylan sainyo"pagkasabi nun ni ana. napalingon ako. At nagulat dahil ang sama ng tingin saakin ng pinunong babaylan. napalunok ako.
Naku ako nga ang lagot, Dahil tumingin ako sa lalake ng lampas sa tatlong minuto. Huhuhu. Mapapalo na naman ako.
| Ermea |
"Medjo matangos ang ilong, Tapos mapungay ang mga mata. Mataba ang muckha. matumbok ang pisnge! Mahaba ang pilik mata. Makapal at mapupula ang mga labi! may mahabang buhok"sabi ni vinz saakin at ipininta ang babaeng ipapapinta nya.
Yun kase ang kondisyon nya, kapag sakto ang itsurang aking mapipinta ay papalayain nya na ako.
natapos ko na, "Ito ba ang muckha nya?"tanong ko.
"Hindi! Naka sampung beses ka na ha! Magaling ka ba talagang magpinta?"tanong nya.
"Kung hindi ako magaling? Bibilihin mo ba ako? Hmp"sabi ko.
"Maghilamos ka nga! para magising ang iyong diwa"sabi nya.
"Paano kung ayoko!"sabi ko.
tapos hinawakan nya ang spada nya. aba't tinatakot ako. "Opo! Opo! Maghihilamos na po!"sabi ko. at pumuntang banyo.
naghilamos ako. at tinignan ang aking repleksyon sa salamin, naalala ko ang mga sinabi ni vinz kanina. mapungay ang mata ko, medjo matangos ang ilong ko, mataba yung muckha mo dati, mahaba ang mga pilik mata ko, makapal at mapupula ang kabi ko.
Hindi kaya?! ako yung babaeng yun?! kaya ba hindi ko ito makuhakuha! dahil. Kapag nagpipinta ako. Medjo nagiging kamuckha ko yung pinta at pinapalayo ko ito sa tunay nitong itsura.
lumapit ako sakanya, "Vinz, Maari ko bang malaman kung kailan mo nakilala ang babaeng ito?"tanong ko.
"Kasama ba yan sa trabaho mo?"tanong nya.
"ngunit mas nakakatulong kung sasabihin mo kung kailan!"sabi ko.
"Oh sige na nga, Nakilala ko sya noong nag-aral ako ng secondarya. sya ay ika-pitong baitang at ako naman ay ika-sampung baitang, Malaki ang agwat namin! sa isa't isa ngunit naging magkaibigan kami"sabi nito.
nanlalake ang mata ko. "ano ba ang pangalan nya?"tanong ko.
"Ermea...."napatitig ako.
"Kapangalan ko pa ha"sabi ko.
"Kaya nga, Nang marinig ko ang pangalan mo sa bilihan nakaraang linggo, ay napatingin ako. akala ko kase ikaw yung hinahanap ko! Pero...Ibang iba sya sayo. Maganda ka at maayos ang iyong pangangatawan. Maganda rin naman ang ermeang kilala ko ngunit napakataba"sabi nito.
hindi ko alam ngunit, bakit natutuwa ako? Bakit parang minamamahal nanaman ulit kita vinz?
"Ano ba ang relasyon nya sayo? Ano ba sya sayo?"yun ang tanong nais kong mabigyan ng kasagutan. biglaan syang ngumite.
"Sya ang aking Unang Pag-ibig"hindi ko napigilan ang luha ko.
"Oh bakit ka umiiyak?"tanong nya. ngunit biglaan ko syang niyakap.
Akala ko, Pinaglaruan mo lamang ako vinz, Ngunit.. Mahal kita. Ikaw din ang una kong pag ibig.
YOU ARE READING
Flying Sorcerer # 2 : Battle of Fates
FantasíaTwo Babies Were Switch..As the times Goes By. As they two grow up "Rianne" the true heir for the throne the daughter of "heaven" and "Gino". "Ren". The fake Prince and the true son of "isadora" who have hold grudge againts heaven because of the d...