| Gino |"Salamat, Sa sumuporta sa ating pakikidigma. At magagantimpalaan ang mga mandirigma ng suporta sa palasyo. Mabibigyan namin kayo ng tahanan at bigyan ng edukasyon ang inyong mga anak"sabi ko.
at pumalakpak lahat. Katabi ko si Yuan, at katabi naman ni Heaven ang anak naming babae na si rianne.
si rianne ay nakangiti. Si yuan naman ay walang expresyon. Alam kong nasasaktan parin sya sa pagkawala ng mahal nya.
"Eto narin ang tamang panahon, Upang ipamana namin sa aming kaisang isang anak ang trono! Si Yuan"sabi ko. At nagpalakpakan sila. lumakad si yuan papunta sa harapan.
"Prinsipe Yuan, Tinatangap mo ba ang mga tungkulin at responsibilidad mo bilang hari?"tanong ni heaven. bilang si heaven talaga ang may dugong bughaw na nagmana ng trono sya ang magbibigya nito.
"Opo ina"sagot ni yuan. naghiyawan ang mga tao.
"MABUHAY ANG HARI NA SI YUAN! MABUHAY MABUHAY MABUHAY"sabi nila.
ngunit sumenyas si yuan na tumahimik. "Dahil ako na ang inyong bagong hari! Nais kong Maipatupad ang Tatlong Utos na syang Ginawa ko lamang ngayon"sabi ni yuan.
"Ano naman iyon? Mahal na hari?"tanong ni rianne.
"Unang una! Nais kong bihasain sa pakikipaglaban ang mga bata 7 - 13 na taon gulang ngayon. at sila na ang magiging hukbo ng panibagong henerasyon! Hindi natin alam kung ano man ang magiging digmaan sa hinaharap! maaring ito'y mas madugo keysa ngayon! kaya naman dapat ay lagi tayong handa"sabi ni yuan.
napangiti ako, Muckhang nararapat nga sya. "Magandang ideya mahal na hari"sabi ni rianne.
tumangtango sila. "Ang pangalawa, nais kong magpapalaganap ng magandang edukasyon hindi lamang dito sa centrong bayan kundi sa boung vallhalla. mapa nayon o bayan! Lahat pantay pantay. sapagkat ang edukasyon ay ang magiging susi upang mas maging maganda ang hinaharap ng lahat mapa babae man o lalake"sabi nya.
"Masusunod mahal na hari"sabi ni gino.
"At ang pangatlo, Nais kong bumaba sa trono at ibigay ang korona sa aking panganay na kapatid na si rianne! hindi ko nais maging hari! hindi naman sa tinatakasan ko ang aking responsibilidad. ngunit walang akong klase ng busilak na puso na kagaya nya! Matalino sya, Magaling sa pakikipaglaban, At higit sa lahat. Handang tumulong sa iba! Yun ang mga katangian na nararapat! hindi dahil ako'y lalake, ako na ang magmana!! tandaan nyo. si Haring sky ay nagkaroon na anak na babae, at ang babaeng iyon ay ang dahilan kung bakit hindi kumakalam ang chan ng ating mga mamayanan ngayon! at ang babaeng iyon ang aming ina!"natouch sa sinabi nya.
"Tama ka anak"sabi ni gino.
napatingin ang lahat kay rianne. "Rianne'tawag ko. Ngumite si yuan.
"Princesa Rianne! Tinatangap mo ba ang mga tungkulin at ang mga responsibilidad bilang reyna?"tanong ni yuan.
| Rianne |
hindi ko alam kung ano ang magiging rekasyon ko! Teka? Bakit naging ako.
napalunok ako. at lumapit kay yuan. "Yuan naman, hindi ako handa!"sabi ko.
''handa ka! ikaw lang ang karapat dapat"sabi nya nang nakangiti.
muckhang wala naman akong ibang pagpipilian. "Opo Mahal na hari"sabi ko.
"Mabuhay ang bagong reyna!" - Yuan
"MABUHAY! MABUHAY!!"
YOU ARE READING
Flying Sorcerer # 2 : Battle of Fates
FantasiTwo Babies Were Switch..As the times Goes By. As they two grow up "Rianne" the true heir for the throne the daughter of "heaven" and "Gino". "Ren". The fake Prince and the true son of "isadora" who have hold grudge againts heaven because of the d...