| Rianne |"Oh tsinelas kayo mga ate kuya! Matibay to! Ohh kuyang gwapo! Bili na kayo ng tsinelas ni lana"sabi ko sa lalakeng maganda ang kasuotan.
"magkano ba?"tanong nito.
"Naku gwapong kuya! 15 na taals lang yan"sabi ko.
"15 na taals?"parang nagdudang sabi nya.
"Opo kuya! Matibay yan at maganda! Ano bibilhin mo?"tanong ko.ngumite sya at tumawa.
"Anong nakakatawa?"tanong ko.
"Binibini. maaring matibay nga ang tsinelas na ito! Oo maganda rin ang wangis! Oo mas matubay pa ito sa mga binebenta sa centrong bayan! Ngunit binibini!Wag mo akong lokohin! Siguro mga 8-10 taals lang ito ngunit 15 na taals! Masyadong mataas"nanlalake ang mata ko.
"Kita mo kung gaano ka nagulat! Totoo nga ang lahat ng aking isinuwalat"tinarayan ko sya.
"Oo nga! anim na taals na! Ano bibili ka ba?! Kung bibili ka! Bumili ka! Hindi kung ano ano yung sinasabi nyo kuya"tumawa sya.
"Natutuwa ako sayo! Bibili ko na ang lahat"nanlalake ang mata ko sa tuwa.
"talaga kuya"sabi ko,
"oo, at binilhin ko na sa halagang 15 na taals dahil Magaling kang magbenta! Hanga ako sa mga kabataang katulad mo! Naalala kita sa babaeng kilala ko"sabi nito.
"Ang bait nyo kuya! Ano bang trabaho nyo at ganito kayo kayaman?"tanong ko.tumawa sya.
"Hindi ako mayaman, itong aking kayaman ay hindi saakin ito! Galing ito sa mabait na reyna upang matulungan ko ang mga mahihirap at hindi na sila maging mangmang. isa akong guro! ako si David!"Pakilala nya. at nakipag kamay.
"Ako si Rianne wow! Isa kang guro! at Kilala mo pa yung reyna! Bali-balita dito ay hindi naman daw sya magaling mamahala"sabi ko.
"Magaling mamahala si Reyna Heaven! Sya ang kauna-unahang Namuno na kalahating tao! Lagi nya akong sinusuportahan kung gusto kong magpamigay ng mga damit, Libro o kung ano pang kagamitan na ninanais kong ibigay basta makakatulong ito! Napaka bait nya! Sobra! Kaya pumunta ka nang Centrong bayan upang Makita mo na sya! at maganda ang edukasyon sa centrong bayan.Sayang kung dito ka lamang magtatapos ng edukasyon. Matalino ka pa namang bata rianne"napangiti ako.
"Gusto ko ring mag-Aral sa centrong bayan, ngunit hindi ako papayagan ng aking ina eh"sabi ko.
"Ahh, Baka naman may dahilan ang iyong ina! alam naman natin na Ang ina o magulang ang may mas alam ng nakakabuti para sa kanilang anak"sabi ni kuya david.
"Wow! Muckhang may pinaghuhugutan. May anak na ho kayo no"sabi ko.
"Wala pa nga akong asawa! anak pa"sabi nya.
"Eh kuya ang gwapo nyo po eh! Imposible pong walang nagkakagusto sainyo?"sabi ko.
"Maari ngang ganun, Ngunit simula nang hindi tinangap ng babaeng iyon ang aking pag-ibig ay ipinangako ko na sa aking sarili na hinding hindi na ako iibig"sabi ni kuya david.at Ibinigay saakin ang kanyang bayad,
"At sino naman ang babaeng yun?"tanong ko.at ibinigay sakanya ang mga Tsinelas.
"Ang Reyna Paalam, Ngunit kailangan ko nang umalis!"sabi nya at umalis.
Napangiti lamang ako. Bakit ang saya ko nang makilala ko si Kuya david?
YOU ARE READING
Flying Sorcerer # 2 : Battle of Fates
FantasiTwo Babies Were Switch..As the times Goes By. As they two grow up "Rianne" the true heir for the throne the daughter of "heaven" and "Gino". "Ren". The fake Prince and the true son of "isadora" who have hold grudge againts heaven because of the d...