|Ermea at Xander|

71 1 0
                                    




| Rianne |

Nandito ako sa cafeteria, Hindi sumama si vida kase may -aasikasuhin daw.napatingin ako sa mga upuan wala nang bakante nakita ko si yuan na walang kasama sa isang malaki na upuan.pumunta ako sakanya. bago pa man ako magsalita ay

"Umupo ka"sabi nya kaya naman umupo ako. ngumite sya saakin.

"Ako si Yuan"pakilala nya.

"Ako si Rianne!"sabi ko.

"Paano mo naging kaibigan yung Vida na yun?! Eh mabait ka?"napangiti ako.

"Mabait naman si vida, Sa mga babae"sabi ko.Habang kumakain kami ay may babaeng bigla ang dumating.

"Oh ermea, Nakatulog ka ba kagabi?!"tanong ni yuan na natatawa.

"Hindi mo pinatulog, Grabe ang pagod,Pawis, at inis ng pinagawa mo saakin kagabi"Napakagat ako sa labi ko.

May ginawa ba silang ano?! Napa-inum ako ng tubig. At kumain."Ayos ka lang ba Rianne?!"tanong ni yuan.

"Baka may sakit yan"sabi nung babae.

"W-wala akong sakit! P-pero...Tungkol saan yung pinag-uusapan nyo?"tanong ko.Tumawa silang dalawa sa tinanong ko.

"Alam ko yang iniisip mo"sabi nung babae.

"Rianne, Hindi kami nagtalik! Pinasunog ko kase ang mga Gamit ko kay ermea! "sabi ni yuan nakahinga ako ng maluwag.

"Nakakatawa ka ha! Anong pangalan mo?"tanong ng babae.

"Rianne.."

"Rianne ako si Ermea, Pinsan ako ni Yuan! Anak ako ni Xavier at sa kanyang ina na si Isadora"napangiti ako.

"Ahhh. Anong Silid-aralan ka ba?"tanong ko.

"Hindi mo ako napansin?! Magkaparehas lamang tayo ng Silid-aralan"nakangiting sabi nya.

| Heneral Jera |

"Hangang kailan mo ako papanuurin?"tanong ko kay akira.

'Hangang Mamatay ka"Hinampas ko sya.

"Aray! Syempre lahat nagtatapos sa kamatayan! Kaya Pakiusap!Turuan mo na ako"sabi nya.

"Hindi mo makukuha ang iyong ninanais sa ganyang pamamaraan!"sabi ko.

Sa tuwing pinupuntahan nya ako ay pakiramdam ko may kaunting saya at nakakapagtataka lamang dahil medjo natutu na akong ngumite dahil sa batang yun! Kahit ang magulang nya ang sumira ng buhay ko. At pumatay sa anak ko.

| Ermea |

"Bakit ba kase hindi ka maging kagaya ng ate mo! Isang Pinatador"sabi ni ama sa aking kapatid na lalake.

si Xander ay ang aking Kapatid. Sa iisang taon lamang kami pinanganak kaya naman kaklase ko sya..

"Xavier wag mong Pwersahin ang anak natin! Sa Talentong ayaw nya! ayaw nyang maging pintor"sabi naman ni ina. tumahimik si ama.

Natawa lamang kami ni xander.Takot si ama kay ina. "Opo"sagot ni ama. Nang kukuha na si ama ng karne.

"Karne ka ng karne, Pakainin mo muna ang mga anak mo!"sabi ni ina at sinampal ang kamay ni ama.

Tinarayan ni ama si ina."Tinarayan mo ba ako?"tanong ni ina.

"H-hindi ah..."sabi ni ama.tumawa lamang kami ng pa-Secreto ni xander.

Flying Sorcerer # 2 : Battle of FatesWhere stories live. Discover now