|Pangungulila Ni Yuan|

28 0 0
                                    




| Yuan |

"Mahal na prinsipe, dumating na ho ang padala ng iyong pinsan na si ermea"sabi ni greco. at umalis.

Binuksan ko ito...at biglaang tumulo ang luha ko. at niyakap ang pinta.

vida..

Litrato ni vida ang aking nakita, Pininta ito ni ermea dahil nais kong idikit ito sa aking kwarto. Para lagi ko syang maalala. wala akong ibang babaeng minahal kundi sya, at sya lang ang mamahalin ko habang buhay.

  "Alam mo vida, Ginagawa ko ang lahat, upang maging kasing talino mo si alira. upang sumunod sya sa iyong yapak! Upang kahit ikaw ay wala na ay para kang nabubuhay sa katawan si alira"sabi ko.

kung nabubuhay ka lang sana, ay magkakaroon tayo ng mga munting supling..ngunit imposible na yun dahil patay ka na.

| Rianne |

Lumipad ako sa labas ng palasyo dahil minsan ay parang hindi ako makahinga kapang kausap ko ang mga ministro..

minsan nga gusto ko nalang matulog pero..Nilalaro naman ako ni alira.

Napakasarap ng aking lipad. At napapikit. nagulat ako ng may nakapalibot na saakin ng mga lalake..

mga rebelde. "Oh mahal na reyna? Naligaw ka ata?"tanong ng isang lalake.

"Kung naliligaw ako, babaliktarin ko lang ang damit ko! Pero biro lang! Sino kayo! Mga rebelde ba kayo?"tanong ko.

"Aba'y manghuhula ka narin pala mahal na reyna"sabi nya.

mga lima lang naman sila, at muckhang hindi sila bihasa sa pakikipaglaban.

hindi ko na kailangang humingi ng tulong. kayang kaya ko silang iligpit.

ngunit.."Pakawalan nyo ang reyna"narinig ko ang isang boses.

Si Zen.

"Kawawa ka naman mahal na reyna! Lalabanan ko sila! Sa isang kurap lang"sabi nya.

Ang yabang! Kung sampalin ko to at sya ang Patayin ko.

pero dahil feel na feel nya ang kanyang kabalastugan ay hinayaan ko sya. nalipaglaban sya. ngunit hirap na hirap sya. kinuha ko ang isa sa mga spada ng kalaban at pinaslang ang tatlo, samantalang dalawa lang ang napaslang nya.

"Hindi mo ata alam, na mga mandirigma ang aming lahi! Mas magagaling pa sa mga bandido at kung anuman! kaya kong dipensahan ang aking sarili! Ngunit ayos ka lang ba?! muckhang nahihirapan ka kanina ha!"sabi ko at tumawa.

"Salamat mahal na reyna"sabi nya.

"Hayss. Ayos ka lang ba talaga! Hahaha!!Alam mo zen. muckhang hindi ka sanay makipaglaban! anak mayaman ka ba?"sabi ko.

"hindi ako anak mayaman. oo mayaman kami ng aking ama. ngunit lumaki ako sa piling ng mga bandido upang magkaroon ng disiplina."sabi nya.

"May disiplina ka pa pala sa lagay na yan"sabi ko,

"Mahal na reyna, hindi nyo pa ako lubusang kilala kaya wag nyo muna akong paratangan kung ano ang ugali ko"sabi nya.

"Alam kong may pagka komedyante ka!"sabi ko.

"Hala ka na! Paano nyo po nalaman"tanong nya tumawa ako.

"Hindi na importante kung paano. salamat"sabi ko.

"Bakit ka nagpapasalamat! Wag nyo na nga ho sagutin lumalaki lang ang butas ng ilong mo"ayan nanaman sya sa pang aara nya.

"Hays.. Salamat parin kase. Simula nang mamatay ang asawa ko.! Ngayon palang ako tumawa ng ganito"sabi ko.

Flying Sorcerer # 2 : Battle of FatesWhere stories live. Discover now