| Fredrick |napaluha ako, oo. kahit papano ay mahal ko naman ang mga anak ko. naalala ko si gino. ang ginawa ko sakanya noon. bakit ngayon lang ako nacoconsensya?
bakit ngayon ko lang napagtanto. na mas mahalaga sila sa kahit anu pamang kapangyarihan. oo naging sakim ako. Alam mo ba kung bakit? dahil nun bata ako. May isang lalake. Pinatay nya ang aking mga magulang at sinabing. 'Kaya sila namatay dahil wala kang kapangyarihan' simula nun. ay pinilit kong mag aral at nais kong magkaroon ng kapangyarihan upang wala nang sinuman ang umapi saakin.
napagtanto ko, na parang nagiging ganun narin ako. wala na akong pinagkaiba sa lalakeng pumatay saaking mga magulang. Ayokong mamatay ako na nasasaktan ko ang mga ko. itatama ko ang lahat.
Ako ang may kasalanan kung bakit nagkaganun si isadora. Kaya naman papakiusapan ko sya, itigil nya na ito. at pagbayaran ang kanyang mga kasalanan kasama ko.
kaya naman pumunta ako sa palasyo. "Ama"niyakap nya ako.
"Isadora, Nais kong mag usap tayo"sabi ko.
"Tungkol saan ama?"tanong ko.
tumulo ang luha ko. "Nais kong itigil mo na ito, ibalik mo saiyong kapatid na si gino ang korona, aminin mo ang katotohanan ukol sakanyang mga anak. At makukulong tayo upang bayad saating mga kasalanan"sabi ko.
"ama? ano bang nangyayare sayo? Nandito na ako sa tuktuk ng tagumpay. tapos nais mong bumaba ako at magpaubaya"sabi ni isadora. hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Isadora, Ako ang may dahilan kung bakit namatay si tino"nanlalake ang mga mata nya.
"anong ibig mong sabihin ama?"tanong nya.
"Nang araw na yun, nakita ko sya hinyptismo ko sya! kaya nya inatake si gino at kaya napaslang nila heaven! Humihingi ako ng tawad. sana mapatawad mo pa ako"sabi ko. napaluha sya.
"Hinayaan mo akong mabulag sa katotohanan? Ngunit ano bang nabago? Si heaven parin ang pumatay sakanya! Walang nagbago ama! ay meyroon pala"nagulat ako ng biglaan nya akong saksakin.
"Ikaw pala ang puno't dulo, ngunit si heaven parin ang pumatay sakanya. ipagpapatuloy ko parin ito. Kasama ka o hindi ka kasama! Paalam ama"sabi nya at muli akong sinaksak.
kasalanan ko ito, ngayon naging demonyo narin na tulad ko si isadora.
"Ilibing na yang matandang yan"narinig kong sabi nya bago ako mawalan ng ulirat.
--
naramdaman ko na lamang na may naamoy ako. nagising ako. sa isa sa mga silid. Parang pamilyar ang silid na ito.
"Gising ka na pala, Mahal kong Lolo"sabi ni yuan.
"Yuan."sambit ko.
"Wag kang mag-alala, Ikaw ay ligtas dito! Proprotektahan kita kay isadora"sabi nya.
napaupo ako. nais kong isiwalat na sakanya ang katotohanan.
"yuan, kailangan mong malaman ang totoo ukol sayong pagkatao"sabi ko.
tumango sya. "Matagal ko nang alam yan mahal kong lolo"sabi nya. kumunot ang aking noo.
"Paano mo nalaman?"tanong ko.
"Nung araw nang unang digmaan, Nang papunta ako sa kwarto ni ina. narinig ko ang lahat! Hindi ko sya mapapatawad! Nanatili akong nasa tabi nya upang mas maging tagumpay ang aking mga planong pang kapayapaan"sabi nya.
"Alam mo ngunit, Pinaslang mo parin ang reyna"sabi ko.
tumawa sya. "Wala akong pinapaslang. Hindi ko pinaslang ang reyna!"sabi nya.
"Ha? hindi kita maintindihan?"tanong ko.
''Simple lang, Hindi ako napaslang. Dahil planado ang lahat"napatingin ako sa babaeng nagsalita. nanlalake ang aking mga mata.
Heaven?!
YOU ARE READING
Flying Sorcerer # 2 : Battle of Fates
Viễn tưởngTwo Babies Were Switch..As the times Goes By. As they two grow up "Rianne" the true heir for the throne the daughter of "heaven" and "Gino". "Ren". The fake Prince and the true son of "isadora" who have hold grudge againts heaven because of the d...