|Pagkikita ni Heaven at Rianne|

66 0 0
                                    



| Heaven |


"Bukas na nga pala bubuksan ang exhibition ni ermea! Oo naman sigurado akong makakapunta ako dyan xavier"sabi ko kay xavier, kasama nya ang kanyang anak na babae na si ermea. Napapansin ko na Sumusunod sa kanyang yapag ang kanyang anak na babae samantala ang kanyang anak na lalake na si xander ay parang walang interes sa Pagpipinta.

"Malaking karangalan ho! Na kayo'y makapunta"sabi ni ermea.

"Ano ka ba naman aking pamangkin. Kahit gaano pa kadami ang aking inaasikaso hindi ko ipagpapalit iyon saiyo"ngumite saakin si ermea.

| Rianne |

"Hala! Salamat talaga! Sa pag-i-imbita saakin sa Exhibition Ni ermea! Balita ko mahal ang bayad upang makapasok lamang doon"sabi ko.kay yuan.

"Oo mahal talaga ang bayad at Sa isang imbitasyon na yan ay dalawang tao ang pwedeng makapunta. maari mong imbitahin ang Matalik mong kaibigan"sabi nya.

"Si vida ba ang tinutukoy mo?"tanong ko. Hindi sya makatingin saakin ng diretso.

"Malay ko?! Basta yung matalik mong kaibigan"sabi nya at umalis. napangiti ako. Kuhang-kuha ko talaga ang kiliti nitong ni yuan.

Halata namang may gusto sya kay vida. Ayaw lang umamin.

--

"Saan mo to nakuha? ninakaw mo to?"tanong ni vida ng makita nya ang imbitasyon.

"Ninakaw kaagad?! Makapang-husga'sabi ko.

"Imposible naman kase na magkaroon ka ng ganito! Balita ko mahal ang bayad dito"sabi nya.

"Galing yan kay yuan!"sabi ko.

"Ahhh"tapos biglang bumukas ng libro kakaiba ang mga kinikilos ni vida.

EXHIBITION

"Buti naman at nakapunta ka rianne! At sino naman ang kasama mo?"tanong ni ermea.

"Sya si Vida ang aking matalik na kaibigan"sabi ko.

napangiti sya ng marinig si vida."Ahhh! Kilala ko na sya"sabi ni ermea. ma tuwang-tuwa..

habang tumitingin tingin kami ay. bigla akong naligaw. Saan na ako?! Kanina parang Katabi ko lang si vida ha?Nakit ko ang isang malaking pintuan. Pagkabukas ko ay...Napakagandang Upuan!

Dalawang Malaki na upuan at may isang upuan din ngunit medjo mababa ito.Napakagada! Ito siguro angupuan ng reyna, hari at ng prisipe.Napa-akyat ako. Hinawakan ko ang upuan. Bakit parang gusto kong umupo?! At parang tinatawag ako nito?

"Sino ka"napalingon ako sa nagsalita.

Isang magandang babae. May sout itong korona kaya naman lumuhod ako. "Paumanhin kung ako'y Naligaw dito sa inyong trono mahal na reyna!"sabi ko. pinatayo nya ako.

"Ahhh. Ngayon nga pala ang Exhibition ni ermea kaya maraming Flying sorcerer umalis ka na lamang baka mapagkamalan ka pang entrimitido!"sabi nya, Napatingin ako sa pagkaing dala nya.nang nakatalikod na ako ay..

Tumunog bigla ang tyan ko tumawa ang reyna.

--

Pinakain nya ako sa kanyang silid. napakaganda rin ng kanyang silid."Kumain ka pa ng marami! Hahaha! Nakakatuwang bata"tawa nya.

"Paumanhin dahil Nag-abala pa kayo mahal na reyna"sabi ko at lumamon.

"Ayos lang..Nakakatuwa nga na may iba pang batang kasing edad ng aking anak ang aking nakakausap! Alam mo kase! Makulit ang aking anak! Hindi kagaya ng kanyang mga pinsan na sina Yuan, Ermea,Xander at si akira ay mababait sila"sabi nito.Nilaro laro ng reyna ang buhok ko.

"Alam mo! Napakaganda ng iyong buhok! Pinangarap ko ngang magkaroon ng anak na babae! Na kagaya mo"di ko alam ngunit biglaan akong napangiti.

Flying Sorcerer # 2 : Battle of FatesWhere stories live. Discover now