|Nalasing|

28 1 0
                                    




| Rianne |

Binabasa basa ko ang mga batas-na mga ginawa ng mga ministro..

di ko alam ngunit maganda ang mood ko ngayong araw..

dumating si yuan. "Si alira, Pinasyal nila Ina't ama!''sabi nya.

"Ahh. Ok"sabi ko.

"Napapansin kong madalas ka ng ngumite ha"sabi nya.

"Hindi naman"sagot ko.

''Alam ko dahil iyon sa bandidong zen na yun. wala akong pakealam kung anumang relasyon mo sakanya basta si alira ang magiging pirioridad mo!"sabi nya.

"Bakit ka ba ganyan aking kapatid? Masama bang ngumite?"tanong ko.

"Naalala ko kase, Simula nang mamatay si ren ay hindi ka na ngumite ng ganyan sakanya lang."sabi nya.

"Hindi ba? maaring nais ko namang ipakita sa aking anak na masaya ako!"sabi ko.

"Wala namang masama, Pero parang hindi sya ang dahilan kugn bakit ka ngumingiti. Nag aalala lang ako. dahil baka sa pag ibig na yan ay makakalimutan mo ulit si alira"sabi nya.

"Wag kang mag-alala, dahil si ren lang ang mamahalin ko! wala nang iba"sabi ko.

"Oh sya! Aalis na ako! Hinihintay pa ako ng aking mga studyante."sabi nya.

nawala ang ngiti ko, dahil ipinamuckha saakin ni yuan na may gusto na ngang ako sa lalakeng iyon. ngunit. hanga't maari. nais kong maging magkaibigan lang kami ni.

Zen.

Nang kina hapunan. Ay nagbihis ako. Inimbita kase ako ng ate ni zen na si Janine na Kaarawan daw ng kanyang anak.

pagkapunta ko doon ay nagsasaya ang lahat, simple lang pero alam mong masaya. Ganito pala sa bayan ng mga bandido. Kilala kase sila bilang isa sa mga masasamang lahi dito sa valhalla ngunit simula nang umupo si ina bilang reyna ay Naging decente na sila. dahil dati pagnanakaw ang kanilang solusyon sa kanilang Kalamnan ngayon talagang nagsisikap na sila.

"Salamat ho, nakarating kayo mahal na reyna!"sabi ni janine.

"Ayos lang! Ang Cute naman ng iyong anak"sabi ko. ang cute ng anak nya.

habang kumakain ako, ay talagang asikasong asikaso nila ako. pero bakit hindi ko mahanap si zen.

"Janine! Nasaan ang iyong kapatid?"tanong ko.

"Naku, Nandoon ho sa may tambayan nya na puno! Umiinom! hindi ko nga po alam kung bakit umiinom yun eh"sabi nya.

Lumipad ako papunta sa punong tinutukoy nya. at ayun napagtanto kong nandoon nga si zen. umiinom ng alak. at mulang mula na dahil sa kalasingan.

"Bakit ka umiinom?"tanong ko.

"Wala kang pake"sabi nya.

"Ano bang nangyayare sayo?"tanong ko.

"Hindi mo na kailangang malaman"sagot nya at tumunga ng alak ngunit tinabig ko na ito.

"Ano bang problema mo"biglaan syang sumigaw.

"Ako dapat ang magtanong nyan! Anong problema mo? Bakit ka umiinom? Sabihin mo para maintindihan ko"sabi ko.

"Ikaw ang problema ko! Hindi ko maintindihan ito"sabi nya at tinuro ang puso nya.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ito tumitibok ng mabilis kapag kasama kita! Tapos kanina narinig ko ang usapan ng iyong kapatid! Na ang ama lamang ni alira ang mamahalin mo. Wala na talaga akong pag-asang mamahalin mo rin ako pabalik. kase  nang namatay yang puso mo sinama na ng ama ama ni alira"sabi nya at umiiyak na sya ngayon.

"Hindi ko maintindihan, marami naman akong naging kasintahan ngunit hindi naman ako ganito kabaliw sakanila! di ko alam. simula nang una kitang makita nakita ko ang kalungkutan sa mga mata mo. at ang nais ko lang ay pasiyahin ka. ngunit habang patagal ng patagal parang nais ko nalang pasiyahin ka kase kapag nakikita kitang masaya para ganun na rin ako! Masaya na rin ako! ngunit nalaman ko kanina na walang kakahantungan ito"sabi nya.

hindi ko alam ang isasagot ko."Lasing ka lang! kaya mo iyan nasasabi"sabi ko.

"Hindi ito dala ng aking kalasingan. Mahal kita! mahal kita!"sabi nya at nagulat ako ng biglaan nya akong mahalikan.

hindi ko alam ngunit ako'y napapikit at tumugon.at nang mapagtanto ko na mali ang ginagawa namin ay. Nasampal ko sya at umalis. mali itong nararamdaman ko. mali yung ginawa namin, mali ito.

Flying Sorcerer # 2 : Battle of FatesWhere stories live. Discover now