|7 Taon Na Ang Nakakalipas|

29 1 0
                                    



| Reyna Rianne |

mabilis nagdaan ang mga taon, Marami nang nabago. marami naring nagkapatawaran.

Sina Agustin at jera ay tuluyan nang napatawad si olivia. dahil tuluyan na nga itong nagbago.

Si Akira at Skyler ay  Isang taon nang kasal ngunit hindi pa nagbubunga ang kanilang pagsasama.

Ang mga anak nina David at Avelino na sina Avegail at Darren ay pumapasok na ng paaralan upang makapag-aral. Napapagkamalan pa ngang si avegail ang anak ni david dahil sa talino nito. Hindi naman alam ni david kung saan naman ni darren ang pagka malandi nito. minsan nga iniisip nya na parang nagkapalit sila ng anak ni avelino.

Si Ina at Ama ay Naninirahan parin sa palasyo ngunit hindi na nila ako tinuturuan sa mga bagay-bagay dahil 3 taon na nang simula nang ako'y tumayo at namunong bilang isang tunay na reyna na walang tulong o walang payo sa kanila.

Ang Aking Kapatid na si Yuan ay Naging guro. Alam kong hindi nya parin nakalimutan si vida, Sa tuwing may piging ay hindi sya nakangiti nakangiti lang sya pag kailangan.

Ang aking lolo na si Frederick ay nakakulong  at Pinagsisihan nya na ang kanyang kasalanan. unti unti narin bumabalik ang Tiwala sakanya ng kanyang mga anak.

si isadora ay hindi na namin nakita. walang nakakaalam sakanyang pinagtataguan.

Si Ermea naman at Vinz ay kasal na 5 taon na ang nakakaraan. Nagkaroon na sila ng 2 supling na babae si Vivien at Viveca at meyroon pa yang pahabol dahil buntis nanaman si ermea ngayon.

si Xander ay nanatiling mandirigma at sumasama kay Heneral jera sa mga laban nito.

Sa wakas. Si Heneral jera at si tito agustin ay nag isang dibdib na nakaraang taon.

si Erebus naman ay seryoso sa kanyang paglalakbya. Sa isang taon ay umuuwi n
sya ng 3 beses.

At heto ako ngayon, nakaupo. Nanonood nanaman ako ng isang kasalan. hayss!'kailan kaya ako aalukin ni Ren ng kasal? Kung ako nalang kaya ang lumuhod sakanya at sabihin! 'Pwede mo ba ako pakasalan'haha. kung hindi lang sana ako naging reyna baka nagawa ko yun.

"Pwede mo nang halikan ang iyong kabiyak"sabi ng pare at hinalikan ni tito jade si Tita olivia.

Akalain mong sila pa ang nagkagustuhan. "Sa wakas! Hindi na tambay si Jade!"tumawa kami sa nag sigaw si Tito Xavier.

"Alagaan mo yang asawa mo! wag ka nang magbisyo"sabi naman ni ama.

"Wala akong bisyo! Ugok"sabi nya.

"Ano wala kang bisyo? Eh ang pagtatambay mo  sa palasyo!'Buti nga na gamot ka pa"sabi ni ama.

"Shhhh"sabi ni ina. haha.

"Wag kayong maingay! Respeto naman sa ikinakasal"sabi naman ni tita elizabeth.

"Oo nga, Hindi naman kayo ginanyan ni tito jade nung kinasal kayo"sabi naman ni ermea.

Nag sorry lang silang lahat.

teka napansin ko, nasaan ba si ren? "Nasaan na ang susunod na ikakasal?"tanong nung pare. naguluhan kami. sino?

nagulat nalang ako nang nandoon si ren. at Kinuha ako ni ina. "Anong nangyayare?"naguguluhan na tanong ko.

"Kasal mo narin sa wakas"haa?! Kasal ko daw?! nasa gilid ko naman si ama. at nasa gilid ni Ren si yuan.

ibig sabihin nito?! ikakasal na ako sakanya. Hindi man lang ako tinanong. pero ayos lang kase masaya ako! Na sya ang lalakeng makakasama ko habang buhay.

"Wag mong paiyakin ang anak ko ha"sabi ni ama na para bang naluluha.

"Wag ka ngang bakla, Sampalin kita dyan eh"sabi ni ina kay ama ito na ba ito.

hinawakan ni ren ang kamay ko. at tinanong ang mga tanong pangkasal, syempre oo ako. alangan sabihin kong hindi pa ako handa dahil pitong taon na kami nagsasama.

''Maari mo nang mahalikan ang iyong kabiyak"sabi ni ren at hinalikan ako bigla.

pagkatapos nun, sinabi nyang. ''mahal na mahal kita"kinilig ako

"Ako rin mahal na mahal kita"sabi ko. at nagyakapan kaming dalawa.

"MABUHAY ANG MGA  BAGONG KASAL! MABUHAY ANG HARI AT REYNA! MABUHAY! MABUHAY"sigaw ng mga tao.

totoo na to! Ako na ang Mrs. Ni ren.

Flying Sorcerer # 2 : Battle of FatesWhere stories live. Discover now