|Pagdating ni Grace at Lana |

36 0 0
                                    




| Yuan |

''Anong pangalan mo?"tanong ko sa babae.

"Ako si Jana, Nais kong mapangawa ka"sabi nito. ngumite ako sakanya.

"Ngunit bago yun!!Nais kong makuhanan ka ng dugo! kasama ito sa aking pagsusulit kung ikaw ba ang pipiliin kong mapangasawa ko!"sabi ko.

medjo na weirduhan sya. ngunit ipinaubaya nya saakin ang kanyang braso. ngumite ako at Itinurok ko sakanya ang syringe. at nakuhanan syanng dugo. Pinagmasdan ko ito ng mga 5 minuto. walang nangyare.

"Maari ka ng umalis, Pasensya na ngunit hindi ikaw ang aking hinahanap!"lumuha sya at umalis.

ilang araw na!"Mahal na prinsipe, Magpahinga naman kayo! 5 araw na ang paghahanap nyo sakanya! Hindi kayo natutulog at hindi nakakain ng maayos! Mag-aalala ang iyong ina sa ginagawa mo!"sabi ni greco.

"Para saamin din ito ng aking ina! At sa oras na mahanap ko sya! Mababalik na sa dati ang lahat. Mabubuhay na ako ng tahimik at makakasama ko na ang babae mahal ko!"sabi ko.

"Ngunit, Baka mawalan kayo bigla ng ulirat! Sa inaasal nyo! 2 milyong mga babae lang naman ang iyong kikitain! Mahaba haba pa ang iyong panahon"sabi ni greco.

"alam kong mahaba greco, Ngunit! Habang lumilipas ng lumilipas ang panahon! Nagkakaroon na ng taning ang aking buhay! At baka hindi ko na maisagawa ang aking mga plano Papuntahin mo na ang Limang daan Ikawalong Tres na babae!"sabi ko.

"Masusunod mahal na prinsipe"sabi ni greco. medjo nanghihina na nga ako eh.

| Lana |

'uyy, Kumare! Alam mo ba! Na nasakop na ng kapatid ng hari na si princesa isadora ang palasyo! Sya na ngayon ang itinuturing na reyna! sya rin ang pumaslang sa dating reyna!"nanlalake ako sa binalita ng kumare ko.

"Kumare, Diba ang palasyo ay naka pwesto sa Centrong Bayan!"sabi ko.

"oo, Nandoon nga nag-aaral si Vida eh! Eh yung anak mo? Parang halos mag iisang taon ko na syang hindi nakikita"sabi nito.

alam kong tumakas si rianne sa centrong bayan, Pinabayaan ko muna sya! Dahil alam ko. Pag lalo mong pinaghihigpitan ay lalo itong nagiging sutil. kaya naman pinabayaan ko sya. ngunit. baka malaman ni isadora kung sino talaga sya. at baka mapaslang sya.

malalaman nya na hindi ko pinaslang ang tunay na tagapagmana. "Kumare, Isarado mo ang tindahan ko! at maglalakbay ako sa Centrong bayan upang sunduin ang aking anak"sabi ko. at umalis gamit ang aking mga pakpak.

--

Ilang oras na akong lumilipad, Hangang sa Nakakita ako ng isang Daluyong. Sa Kalangitan. Pinilit kong makalayo upang hindi mahigop nito. ngunit nasugatan nito ang aking mga pakpak. at Nahulog.

| Grace |

"Sigurado ka ba? Sister Grace? Na pupunta ka sa kuta ng hari! Paano kung mapano ka?"tanong ni Alli.

"Alli, Hindi ako pababayaan ng dyos. Matulog ka! Maaga pa ang iyong pasok sa paaralan!'"sabi ko sa batang si alli. at Pumunta sa kanyang ailid.

ako nga pala si grace, yung Matalik na kaibigan ni olivia, Isa na akong madre. at tagabantay dito sa bahay ampunan. si Alli ang isa sa mga batang napalapit saakin.

Nais kong malaman ang kalagayan ng aking matalik na kaibigan,. Hindi ako mapakali. Nais ko syang makita at ang batang napulot namin na itinuturing nyang anak na si akira.

Alam kong may daluyong sa kalangitan kaya naglakad na lamang ako. hindi naman kalayuan ang kuta ng hari dito. ngunit matagal tagal din sa paglalakad, hangang sa may nakita akong bumagsak sa kalangitan.

pumunta ako sa kinaroroonan nito. at nakita ang kanyang kondisyon. Duguan ang kanyang mga pakpak. at nawalan na sya ng ulirat.

"Jusko! Panginoong dyos! Nawa'y gabayan nyo ang Babaeng ito! wag nyo ho syang hayaang mamatay!"panalangin ko at binuhat ang babae.

--

Kinaumagahan.

hindi ako natulog at nanatili parin akong gising upang mabuhat ang babae upang makahingi ng tulong sa hari. nakikita ko na ang kanyang balay.

"MAHAL NA HARI! OLIVIA! AKIRA! AGUSTIN! "sigaw ko. At lumapit. Lumabas sila.

"Anong nangyare dyan sa babaeng kasama mo?"tanong ng hari.

"Hindi ko alam, natagpuan ko na lamang sya duguan at aalang ulirat! Nais kong tulungan nyo sya!"sabi ko. tumango ang hari.

"Dalhin nyo sya sa ating mangagamot"sabi ng hari. Niyakap ako ni olivia.

"Grace! ayos ka lang ba?"masayang tanong saakin ni olivia.

"Oo naman, Hindi ako pababayaan ng dyos"sabi ko..

Flying Sorcerer # 2 : Battle of FatesWhere stories live. Discover now