|Pagdating ni Rianne sa Centrong Bayan|

78 1 0
                                    



| Rianne |

"Ang sakit na ng pakpak ko ha! malapit na ba tayo?"tanong ko kay vida.

"Oo, malapit na"sabi ni vida. Tinarayan ko lang sya. Malapit daw! Kanina nya pa yan sinasabing malapit na! Haysss! 9 Oras na kaming naglalakbay. buti may ginamit kaming Kagamitan dahil kung hindi ilang araw ang aabutin bago pa ako makarating sa Centrong Bayan.

Nang Mapahikab ako ay may naaninag ako liwanag, Binilisan ko ang aking lipad at napangiti saaking nakita.

Ang Cetrong Bayan! Ang daming tao. and daming kainan at palaruan! Hindi katulad sa bulok naming bayan na walang kasiyahan! Ibang iba ang hangin dito sa centrong bayan keysa sa bayan namin.

Pakiramdam ko ay malapit na ako sa aking pakiramdam.

| Reyna Heaven |

"Tinakasan nanaman ako ng Prinsipe Mahal na reyna!"sumbong ni david, ngumite saakin si prinsipe ren.

"Wag mo akong ngitian anak! Hindi mo ako makukuha sa ganyan!"sabi ko.

"Eh ina, Alam ko naman po ang Aralin eh"sabi nya.

"Kung talagang alam mo, David! Bigyan mo ng isang pagsusulit ang prinsipe at pag hindi sya pumasa! Hindi ka makakalabas ng palasyo! hindi ka pwedeng makipag usap kay yuan. in short youre grounded"sigaw ko.

"Ayan ka nanaman ina, Nag iibang lenguahe ka nanaman hindi naman namin naiintidihan"sabi ni ren.

"Anak, Ano ba ang problema mo sa linguahe ko?!Basta ang usapan pag hindi ka nakapasa! Youre grounded"sabi ko. at umupo sa aking trono.

| Jera |

Umagang umaga ay Nag eensayo ako. Nakatakip ang aking mga mata. Upang pakiramdaman ang kalikasan.

Nang may maramdaman akong ibang tao ay Inatake ko ito."Heneral! ako to! Wag mo akong patayin"tinangal ko ang telang nakatakip sa aking mata dahil nakilala ko ang boses.

"Akira. Bakit kase iniistorbo mo ang pag eensayo ko?"tanong ko.

"Eh heneral,Gusto ko kaseng maging kagaya nyo! Gusto ko rin pong maging malakas"sabi nito.

"Akira. Hindi bagay sayo ang mga ganito! Ipapanganib mo lamang ang iyong buhay"sabi ko.

"Purket gustong lumakas. ipapanganib kaagad ang buhay!"sabi nya.

"Syempre, Pag lumakas ka na! Sasali ka na sa mga digmaan at pwede kang gawing heneral ng Reyna tama ba ako?!"sabi ko.ngumite sya.

"paano mo nalaman?"tanong nya.Paano ko nalaman?! Ganun din kase ako ng aking kabataan. Pilit kong pinipilit ang aking ama na turuan ako. nang naging malakas na ako ay kaagad akong sumali sa mga labanan at digmaan. at naging heneral.

"Sekreto lang yun! Basta! Hindi kita tuturuan! Tandaan mo yan"sabi ko. ewan ko ba kung bakit gusto ko syang protektahan! At ayoko syang malagay sa panganib. ayokong maging kagaya nya ako. na halos araw-araw ay laging nanganganib ang aking buhay..

Bakit nga ba ganito ako mag-aalala para kay akira?!

Flying Sorcerer # 2 : Battle of FatesWhere stories live. Discover now