Chapter 3 (Irishelle's Point of View)"I said quite." malakas na sigaw ni mam, napipikon na sa mga tilian "Boys, you can introduce yourself one by one."
"Do we really have to do that?" pabulong na tanong ng lalaki sa gilid
siniko sya nung lalaking nakaheadset, "Shut up, winawala mo concentration ko sa kanta."
mukha namang narinig ni maam ang sinabi nito kaya nagsalita itong muli, "Aba oo mga mister. required ang magpakilala dito, sige na at magpakilala na kayo, anong oras na."
huh! nakahanap din kayo ng katapat, akala nyo uubra ang ugali nyo kay mam daig pa nyan may pasan pasan na mundo sa init lagi ng ulo.
malapad na ngumiti iyong lalaki at yumuko sa harapan, "Goodmorning pretty ladies, a lot of you surely know my name but since Ma'am want us to introduce ourselves, ehem. I'm Marvis Sanchez at your service."
"Omaygadhhh,"
"The three kings is freaking hereeee!!"
"Ang gwapo mo talaga, Marvis mahlab, so sweet."
I see, *nod* playboy
kanyang-kanyang ingay at puri ang bumalot dito sa loob ng room, sunod namang nagtungo sa harapan iyong lalaking may headset, tinanggal nya yung headset nya
"Harrison Sy, As you can see i'm half chinese, so don't bother to talk to me if you aren't chinese. hindi ako napatol sa mga tisay at pilipina." walang ka gatol-gatol na sambit ni harris
natatawang bumaling sa kanya si marvis "Iba ka pre,"
may ganon? demanding naman netong pogi na 'to.
maangas namang humarap iyong mastermind kuno nila sa harapan, mas lalong nagtilian ang karamihan, hindi ko maiwasan hindi mapako ang paningin sa lalaking 'to, aamin nako. pogi talaga ang isang 'to. "I'm Tyrelle Standford."
kinagat ko ang pangibabang labi at pinaglaruan ang ballpen sa kamay, grabe may hinulma pala si lord na ganito kagwapo. sana naman kung anong kinaganda ng panlabas neto sana ganon din sa labas. who knows? di ko pa naman sya kilala tsaka okay lang yan pogi naman sya---ah wait??
nabalik lamang ang wisyo ko nang maramdaman kong may pumitik sa noo ko, "Stop staring or else I'm gonna melt." nakangising bulong nya sakin at umupo
nanlaki ang mata ko dahil umupo sya sa tabi ko "Who told you to sit here?"
biglang nagtaas ng kamay si tyrelle "Miss, i think Ms. smith have a problem."
"What is it, smith?" taas kilay na sambit ni mam
mabilis akong umiling sa kanya at patagong sinipa si tyrelle sa lamesa, ang gunggong hindi nasaktan kundi natawa pa saakin. umupo sya sa tabi ko at ang walang hiya ay kumindat pa sakin.
"Hoy ikaw, huwag na huwag mo kong mabully bully o makausap dahil hindi ako nakikipagdaldalan maliwanag?" mahinang bulong ko
"Feeling mo naman kauusapin kita, assuming ka." bulong din nya, nainis ako "Huwag mo din akong kinakausap dahil mabuti akong magaaral."
"Kwento mo sa fish." aniko
tumingin sya saakin, na may pagkaweird sa mukha, "You're actually weird, ikaw ata ang baliw saating dalawa."
tumingin ako sa kanya, pogi talaga "Hindi ba sabi ko wag mokong kinakausap?"
"Edi huwag mo kong sagutin para hindi tayo magusap," aniya at umayos nang upo
"Paano ako tatahimik kakasalita kung panay tanong ka?" inis na inis kong sambit
"Ms, smith and Mr. Standford, may problema ba kayo dyaan? care to share what's your tea about?" pukaw ni maam saaming dalawa, lahat ay nakatingin saamin.
"Wala po,"
"Nothing, Miss." sabay naming sagot ni tyrelle. nagfocus na lang ako sa harapan at hindi na sya pinansin.
nung mag class dismissed, agad akong tumayo at lumapit kay amber, "Tara na,"
"Irish, teka, bakit nagmamadali ka?" tanong ni amber saakin, hinila ko lamang sya at hindi nilingon si tyrelle, nakatingin sya saakin eh.
"Basta, basta, gutom nako." aniko at mabilis na lumabas sa room
Umupo kami ni amber sa dati na talaga naming tambayan ni denden, malapit lang sa cafeteria. naglabas ako ng food at ganon din si amber. ginawan kasi ako ni mommy nang paborito kong sandwich at carbonara, mahal na mahal talaga ako ng mommy ko.
napatingin naman kaming dalawa ni amber nang marinig namin ang tilian, as usual ang mga popular na lalaki nanaman sa school na to ang dumating. hindi ko maiwasan hindi tumingin kay tyrelle, nakataas ang kilay nya kaya mabilis akong umiwas ng tingin.
"Y-yung...mga nangbully sayo, sikat ba talaga sila dito?" kuryos kong tanong, napangiti si amber saakin nang nakakaloko
"Uy, interesado.." panunuya nya saakin na agad ko namang tinanggi, sumimangot ako kaya natawa naman sya saakin. "Oo, They're popular here lalo na sa mga babae, Well. isa lang naman silang anak ng mayayaman at malalaking share sa stakeholders, mga modelo, pero mga babaero."
nakikinig lang ako sa kwento ni amber, "Three kings ang bansag sa kanila dito, may club pa nga eh, Tynatics ang name." natatawang sambit ni amber "Pero once nagjoin ako duon, kasi hello pogi naman kasi talaga si ty hindi ba? pero pogi pa din si denver."
pasimple akong dumungaw sa di kalayuan,. nakita kong nagtatawanan si tyrelle at marvis, agree naman ako sa sinabi ni amber,
"Si harrison naman, pinay hater yan, kasi may isa syang salita na gusto nya, half chinese din ang magiging jowa nya ganon, weird right?" ani amber tumango ako, weirdo nga ang isang yun at ang arte. pero sa kanilang tatlo ayun ang tingin kong mabait
pasimpleng tinuro ni amber si marvis na ngayon ay may katabi nang cheerleader sa tabi, "As you can see, Womanizer ang isang yan. aakitin ka sa mga matatamis na ngiti and one minute boom, nasa kama kana nya."
"Yikess." ngiwi ko sa kwento ni amber
huminga nang malalim si amber, "Si tyrelle, iyong leader nila. bossy talaga sya at mapangbully, pero nabasa ko duon sa article, matalino ang isang yan at mabait noon. noon nga lang kasi may nakapagsabi na iniwan daw sya ng long time girlfriend nya sa isang lalaki lang." mahinang bulong ni amber saakim
"Hindi halatang kabisado mo iyong nasa article ha? mamaya nga pahiramin moko ng article na yan at nang mabasa ko." aniko akmang mangaasar nanaman sya nang pangunahan ko sya "Hep, hindi ako interesado, gusto ko lang talaga malaman nang buo iyong mga ugali nila at popularity nila dito sa school."
umayos ako nang upo at sumubo ulit ng carbonara, "Kaya siguro ganyan ang ugali nang isang yan," mahina kong sambit "iba talaga nagagawa ng love sa isang tao noh?"
tumango si amber, "Yeah, and when they leave you, parang iniwan mo na din yung pagkatao mo noon." ani amber "Mahal na mahal daw ni tyrelle iyong si shanen, kaya lang nung napirmi duon sa ibang bansa, nakahanap nang iba. kaya ayan."
nagkibit-balikat ako, naawa naman ako nang wanport kay tyrelle. may mga ganon babae pa pala na hindi makuntento sa isa. pero who knows, hindi naman natin alam ang istorya nila but I can't help it to feel so lucky if ever ako iyong girlfriend ni tyrelle.
iniwas ko ang paningin ko dahil hindi ko namamalayan na kanina papala ako nakatitig kay tyrelle, nakatingin din sya saakin habang nakangisi.
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With a Playboy (EDITING)
Teen FictionTyrelle Standford & Irishelle Smith. (COMPLETED) (I'm editing some cringe parts guys, pero ganon pa din ang takbo ng story so read it na.)