chapter 21

13.8K 323 1
                                    


Chapter 21

"Uwian ba yan ng mga babae."nagulat ako sa nagsalita. Napatingin ako halatang hindi pa nagbibihis si ty. Nakataas ang kilay nya saakin. "Alam mo ba kung anong oras na kong naghihintay sayo dito. 4hours?! The fvcking 4 hours"

Mukha nga talaga syang galit. Huhuhu ano gagawin ko. "Hehehe. To'naman oa masyado" ngiting pilit ko.

Tumalim ang titig nya. Napaiwas ako ng tingin. Kunwaring wala akong ginawang kasalan.

"Childish" umakyat sya sa taas at padabog na sinirado ang pintuan.

Nakahinga ako ng maluwag. Umakyat na ako ng kwarto at nagsimulang mag Linis ng katawan.

Hindi pa ako dinadalaw ng antok. Si ty lagi laman ng isip ko. Naguilty ako sa ginawa ko kanina. Imagine hinintay nya ako ng 4hours.ganun katagal. Hays kailangan kong mag sorry

Umakyat ako sa rooftop. (May rooftop kasi ang bawat bahay dito). May naaaninag akong lalaking nakatayo magnanakaw to. Sakto pagtingin ko may walis. Kinuha ko ito at dahang dahan pumunta duon at pinukpok ito sa ulo.

"WHAT THE HELL?!" Wait-- si ty.

"Huwahhh. Sorry sorry kala ko magnanakaw eh" hinawakan ko sya sa braso.

Hinawakan nya ang ulo nya na pinalo ko.iniinda nya ang sakit

"Mukha ba kong magnanakaw" inis na sabi.

"Oo este hindi. Ano ba kasing ginagawa mo dito" tanong ko.

"Tsk" tumalikod sya saakin. Umupo sya sa upuan.

Tumabi ako. "ty."Hindi sya tumitingin saakin. "Sorry"

"For what?" Saad nya ng hindi tumitingin saakin.

"Sa pagpalo ko sayo" napatawa ako. Tinignan nya ako ng seryoso. Kaya natahimik ako "and....sorry kung nagantay ka ng matagal"

Wala pa din syang kibo. "Wala ka bang sasabihin. Kunwari 'pinapatawad na kita' o kaya 'k lang yun. Maganda ka kanaman eh"

"Are you making fun with me huh?. irish" nakataas ang kilay nya saakin.

Sumimangot ako "hindi kaya. Making fun ka dyan baka making serious."

Hindi sya kumibo. Naka sandal lang sya sa sofa. Ang lalim ng iniisip nya.

"Nagka boyfriend ka na ba?" Biglang tanong nya.

"No boyfriend since birth ako" saad ko.

"Pero May nagugustuhan kana"

*Tug*tug*tug*

"Ha. w-wala ah." Ikaw.ikaw ang gusto ko!

"yung lalakI mong kasama lagi."Sumeryoso ang tono nya.ang tinutukoy nya ay si denver

"Sino si denver. Naku. Hindi no. Di kami talo" sagot ko. "Teka nga lang?! Uminom kaba. Ang baho mo" napatingin ako sa boteng nakakalat. Mga 6 ata ito. wow ah!

Ngumiti lang sya. "Naku, bumaba ka na nga duon at matulog kana." Mukhang wala syang narinig.

Tinapik ko sya sa pisngi pero no respond.

"painom-inom hindi naman pala kaya." Inakay ko na sya pababa. Grabe ang bigat neto.

Nilapag ko sya sa higaan nya. Patalikod na Sana ako ng hawakan ako sa kamay ni ty....

Napahiga ako sa dibdid nya. Nagulat ako ng magkalapit ang mga mukha namin. Mga ilang inch na lang ay maglalapat na ang aming mga labi.

Tatayo na Sana ako ng higitin nanaman nya ako pabalik sa kanyang dibdib. Niyakap nya ako ng mahigpit animo'y mawawala ako.

Tumingin lang ako sa Mapupungay na mata ni ty. Dahang dahan nyang nilapat ang labi nya. Napatulala lang ako sa ginawa nya. Hinalikan nya lang ako. Kusang nagtraydor ang mga labi ko at sinabayan sya sa halik.

Malalim na ang mga halik namin. Pinasok ni ty ang kamay nya sa loob ng T-shirt ko. eto na ba?! Eto na ba ang katapusan ko. Naisusuko ko na ang Bataan ko.

tumigil kami. Habol ang aking hininga. Hiniga nya ako sa kama kala ko sya naman ang dadagan saakin pero nagkamali ako. Kinumutan nya ako. At hinalikan sa noo "goodnight. Wife"

Napahanga ako sa ginawa ni ty. Dagdag punto ka na dito sa puso ko. Hehe

Pero wala naman akong pinagsisihan duon. humiga sya sa tabi ko. Nagulat ako ng niyakap nya ko. Nagpayakap na lang ako.

Tyrell's pov

Tumingin ako kay irish na ngayon ay natutulog na sa mga bisig ko. Ewan ko kung bakit ko na lang nahalikan si irish. Naalala ko nanaman ang mga labi nya. Nangaakit sa lambot! Arghhh. Hindi sya nararapat ikama nararapat sya sa altar...

Irishelle's pov

Nagising na lang ako ng may maramdaman akong nakapulupot sa katawan ko. Tumingin ako kay tyrelle. Bahagyang nakabukas ang bibig nya. Napaka gwapo nya pa din.

Namula ako ng maalala ko ang nangyare kagabi. Dahan-dahan akong bumangon. buti na lang hndi ito nagising.

Nagtungo ako sa kusina para magluto. "LALALALALA🎵"

"The breakfast is ready" maligaya kong sabi. "Oh gising kana pala. Kumain kana"

Hinilot nya ang kanyang ulo. May naalala ako na ginawa saakin ni mommy. Sakto may ginawa akong noodles. Dali dali kong kinuha ang first aid kit. At hinanap ang gamot.

"Oh." abot ko ng gamot.

Tinignan nya ito. "ano yan."

"Candy yan. Alangan gamot."sagot ko.

"Alam kong gamot yan. Anong gagawin ko dyan." Dagdag nya.

"Inii----" pinutol na nya ang sasabihin ko.

"Iniimon?" Nakataas ang kilay nya. Kinuha nya ito. "Salamat."

nagsimula na kong kumain. Si Karl Sana maging mabuti sya saakin. Sabi kasi ni amber wag basta-bastang magtitiwala kahit kanino. Pero hindi naman talaga masama si Karl eh. Wait.....OMAYGADHHH.

"Anong oras na" tanong ko.

"9:30" maikli nyang sagot.

Nanlaki ang Mata ko. "What the. IM LATEEEEEE"

"Walang pasok!" Naantig ako ng marinig ko yun. Ano daw walang pasok. "Palibhasa kasi hindi ka pumasok. Kaya hindi mo alam. Tsk"

Holoooo! Nagsusungit nanaman sya. "Meron kaba?"

Tumingin sya saakin. "Anong meron kaba?"

"Ah wala. Never mind." Umakyat na lang ako sa taas at naligo. Kainis nagsusungit nanaman

•••••••

Unknown number:

Hi irish. si Karl eto. Pls save my number. ;)

Sinave ko ito.At nag text sa kanya. Pano nya nakuha number ko.

To karl:

Done. Btw how did you get my number?

*tingggg* (tunog kapag may nag text ;)

Karl:

Secret? :).

Sumimangot ako at hindi na lang ito nireplayan. Tutal wala namang pasok matutulog na lang ulet ako.

Arrange Marriage With a Playboy (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon