Chapter 6:

16.5K 403 4
                                    


Chapter 6

Irishelle's Point of View

"Princess..." napadilat ako at nagkusot-kusot ng mata. hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako kababasa ng pocket books

bumangon ako at pinagbuksan ng pintuan si mommy. ngumiti sya saakin "Finally you're awake, kanina pa si tyrelle naghihintay sayo. ayaw ka namang istorbohin."

nanunuksong tumingin saakin si mommy, nahiya naman ako at tumingin sa malapit sa kama. "Binaba mo na ba yung maleta ko, mommy?"

iniready ko na kasi yun bago ako magbasa ng pocket book para kapag susunduin na ko ng monster--este ni tyrelle ready nako.

umiling si mommy bilang pagsagot "Si tyrelle ang nagkuha ng mga maleta mo at nilagay na sa kotse. ang dami dami mo naman kasing dala, princess."

nanlaki ang mata ko. "P-pumasok sya dito?" gulat kong tanong. kinapa ko ng mabilis ang mukha ko wala naman siguro akong panis na laway sa mukha. o baka naman mamaya nakita nya akong humihilik. waaaaaaaah!

natatawang tumingin saakin si mommy, "Dalian mo na, magasikaso kana dahil hinihintay kana ng future husband mo."

future husband, oo nga pala. magiging asawa ko na nga pala ang hari ng bully sa school namin. still trying to accept na ganito na ang kapalaran ko at hindi ko na mararanasan yung pinapangarap kong buhay may asawa huhu

Gaya ng sabi ni mommy agad akong nagpalit ng damit. simpleng tshirt na grey at maong na pantalon ang suot ko, inilagay ko ang clip na binili ko at sinuot. at ayan ang ganda ko na hihihu

nagpabuntong hininga habang pinagmamasdan ang kwarto ko. "Mamimiss ko 'to.." mahinang bulong ko at lumabas na

Pababa pa lang ako rinig na rinig ko na ang tawanan sa ibaba, nang makita ko sila si daddy nakatalikod saakin habang masayang nakikipagkwentuhan kay tyrelle na nakangiti

Ang gwapo nya talaga kapag ganitong nakangiti sya at hindi puro busangot ang alam

nakuha ko naman agad ang presensya ng dalawa, si daddy unang tumayo para salubungin ako ng yakap. nakita ko ding bumusangot si tyrelle kaya napanguso ako, anong problema nya saakin?

"Call us if you need something.." anas ni daddy saakin at humalik sa pisngi ko

"Hindi naman na ako bata, daddy. ikaw talaga.." natatawang sambit ko "Si kuya pala?"

"Kailangan sya sa ospital kaya hindi nya kayo maihahatid but don't worry, marunong naman si tyrelle magmaneho." tumingin ako kay tyrelle at mabilis din nagiwas ng tingin

"Ang mommy.." hanap ko habang ginagala ang mata

"Nasa kusina..kanina pa yun nalulungkot dahil aalis kana. puntahan mo muna. naguusap pa naman kami ni tyrelle." sambit ni papa at nagpunta agad ako sa kusina

hindi nga kami nagkamali at nanduon si mommy, "Mommy." tawag ko sa kanya. sumimple syang pinunasan ang luha at nakangiting humarap saakin

"Hi princess, aalis na kayo?" tanong ni mommy

humalik kagad ako sa pisngi nya at malambing na yumakap sa kanya, alam kong nalulungkot sya dahil alam ko namang ayaw ni mommy ang ganito lalo na hindi na ako titira dito.

"Palagi naman akong dadalaw dito mommy, o di kaya kayo nila daddy ang dadalaw saakin. huwag ka ng malungkot. nalulungkot din ako e." pang-aalo ko sa kanya

"Hindi ko lang maiwasan dahil hindi naman ako sanay. pinipilit kong tanggapin ang lahat. kahit pala sa kontrata lg kayong ikakasal masakit pa din sakin dahil hindi kana uuwi dito kundi sa bagong bahay nyo na."

Arrange Marriage With a Playboy (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon