Ending

11.8K 183 22
                                    

Chapter 76

7 years later.......

"Mommy! " umiiyak na tawag saakin ni amara, lumuhod ako para mapantayan sya.

"What's wrong baby," tanong ko habang pinupunasan ang luha nya.

"Pinalo ako toys ni calyx, mommy" umiiyak pa din na saad ni amara

"Eh kasi inagaw mo toys ko panlalaki, you're girl kaya dapat girl nilalaro mo hindi panlalaki,"nakangusong saad ni calyx,

"Baby calyx,  magsorry ka kay ate amara" saad ko 

"Mommy, i'm not a baby na!" Maarteng maktol ni calyx saakin,

Si calyx, nagmana sya sa daddy nya, napaka sunget pero ewan ko kung saan nagmana ang kaartehan, daig pa ang ate amara nya, si amara kamukha nya si tyrelle, while si calyx kamukha ko, mabait naman sila syempre kanino pa ba nagmana edi saakin, hihihi

"Kaya nga mommy,  di na po kami baby" sabat naman ni amara,  napatawa ako at pinisil sila sa pisngi 

"Eh kahit na tumanda na kayo, baby pa din namin kayo, " saad ko sa kanila 

Biglang yumakap saakin si calyx ganun din si amara,  kiniss nila ako sa cheek magkabilaan at sinasabing,  "We love you so much mommy, "

"Kayo lang? " bigla kaming napalingon sa nagsalita, 

"Daddy/Dad!" Sabay na saad nila at yumakap sa daddy nila, pinudpuran nila ng halik ang daddy nila

"May binili ako para sa twins ko, " tinaas ni ty ang paper bag na hawak nya,  nanlaki ang mata ng mga anak ko,

"Thankyou daddy! " halos magkasabay nilang saad 

Lumapit saakin si tyrelle hindi ko maiwasang hindi mapatulala sa asawa Kong papalapit saakin,hindi pa din nagbabago si tyrelle,  ang gwapo nya pa din,

Nang makalapit sya ay hinalikan nya ako sa pisngi, "Kamusta araw? Hubby"

"Hmmm, medyo napapagod, pero kapag nakikita ko kayo nawawala na pagod ko, " yumakap saakin si ty

Napangiti ako at pabirong pinalo sya sa braso.  si tyrelle na ang nagmamana ng kumpanya nila, nakapag tapos na sya last last year pa,  while ako nagbabantay na lang ako ng mga anak ko, pinapatrabaho ako ni tyrelle pero ayokong pumayag dahil walang magbabantay sa dalawa,  may kunuhang yaya si tyrelle for our twins, sila daw muna ang magbabantay while kaming dalawa ay nagtratrabaho, syempre di ako pumayag dahil mas gugustuhin mo pang alagaan ang mga twin ko, hindi naman sa naghihinala ako sa mga maid na pinasok ng asawa ko ah, kasi u know uso ngayon ang kuhaan ng mga bata naku mahirap na.

"Wife, iloveyou" naramdaman ko ang hininga ni tyrelle sa leeg ko,

"Iloveyoutoo hubby" ngumiti sya maghahalikan na sana kami ng biglang...
.

"MOMMY! " napadilat ako ng may humihila sa kamay ko, "Goodmorning mommy!" Masayang bati ng dalawa kong anak

"Good morning,  twins " nagtalukbong ulit ako ng kumot, 

"Eh mommy!  Naman!  May niluto nga po kaming food for you eh!" Napabangon ako

"Really? Nasaan?" Bumangon ako, bumaba ng kama si calyx at tumakbo saglit sa labas,  Maya Maya pa ay may hawak na sya. 

Napangiti ako ng makita ko ang pancake na sunog,  "Ginawa po namin yan mommy,  tinuruan po kami ni daddy. "

"Talaga?  Saan si daddy nyo? " biglang bumukas ang pintuan at ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng makitang naka boxer lang ang asawa ko

Arrange Marriage With a Playboy (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon