Chapter 13"Yeheeeeyyyy!" Malakas akong sumigaw at nagtatalon-talon pa sa tuwa, isang araw na lang pala at aalis na kami, meaning makikita ko na ule ang dagat, omo I can't wait
"What the fuck happened?" bulyaw ni tyrelle pagkabukas ng pintuan ko, napatingin ako sa kanya kasi halatang kakagising nya lang at nagising sya sa sigaw ko, napatingin ako sa baba nya at hmp pengeng kanin please, kung ganitong 6 pack abs ba naman ang tatambad sayo di ka magugutom? charot
"Masaya lang ako, kasi tignan mo.." hinarap ko sa kanya ang kalendaryo at malawak ang ngiting tinuro ang date. "We are gonna celebrate our honeymoon, meaning makikita ko na ule ang dagat waaaah i can't wait."
"You and your childish attitude.." nagtitimping sambit nya habang masama ang titig sakin,
Ay galit? Masaya lang naman talaga ako, kahit kelan basag trip ang isang 'to
"hehehe.." hindi nya na ako pinansin at padabog na sinarado ang pintuan, napatalon pa nga ko dahil sa pagkakalakas. Napanguso na lang ako at tumayo para maligo.
"Brat, are you there?" tawag ni tyrelle sa pintuan, nagmamadali akong lumabas dahil baka magalit nanaman sya sakin
"Bakit ba brat tawag mo sakin?" nakangusong bungad ko pagkabukas ng pinto "San ka pupunta at bihis ka?"
"Stop asking" masungit na sambit nya,lalo naman humaba ang nguso ko, "I'm gonna buy somethings, so make sure you lock the doors,"
"Eh sama na kasi ako, nakaligo naman na ako at—"
"No." matigas na sambit nya at tumalikod sakin, ano ba yan kakatok dito sa kwarto ko tas sasabihin lang na ilock ang mga pintuan, edi sana chinat nya na lang ako para di nya nako pinuntahan at nabadtrip pako sa kanya hmp! oo nga pala hindi nya pa iko-confirm ang friend request ko, di bale sasabihan ko na lang sya pagdating nya.
Abala ako sa panonood ng tv sa sala ng marinig ko pagbukas ng pintuan, nagkatinginan naman kaming dalawa ni tyrelle at bumaba ang tingin ko sa dalawang malaking paper bag na hawak nya,
Inilagay nya sa tabi ko at sumalampak sa single sofa, "sakin ba to?" nagningning ang mata ko ng tumango sya sakin.
agad kong sinilip ang laman, isang black na dress at gold na flatshoes. "I'll give you 20 minutes to prepare, may family dinner tayo kasama ang pamilya at pamilya ko, anduon din ang lolo. so wear that and stop asking." aniya habang hinihilot ang sintido
Sumunod naman ako sa kanya at hindi na nagsalita pa, wala pang 20 minutes tapos na agad ako, inulugay ko na lang ang buhok ko at naglagay ng kaunting make up sa mukha. napahagikgik ako habang tinitignan ang kabuuan sa salamin. A line black skirt dress ang binili sakin ni ty at saktong sakto naman sakin.
Bumaba na din ako kagad at naabutan ko sa labas si tyrelle, nakasandal sya sa kotse habang nakacrossed arm, mukhang naiinip na kahihintay sakin.
"Hindi ako late ha?" pang-aagaw ko ng atensyon sa kanya tinignan naman nya hanggang paa at pataas.
"Ayan nagmukha ka ng tao," nakangising sambit nya sakin, may nilabas syang bulaklak sa sasakyan at inabot sakin. napatanga naman ako at bumilis ang puso "Kailangan natin magpanggap sa harap nila na masaya at inlove tayo sa isa't-isa, baka kasi sabihin ng pamilya ko at pamilya mo na hindi kita inaalagaan ng maayos."
"Get in." utos nya at mabilis naman akong umikot sa sasakyan at sumakay. napatingin naman ako sa bulaklak na nasa hita ko, hindi pako nakatanggap ng bulaklak sa lalaki, maliban nga lang sa kuya at daddy ko. ganito pala ang pakiramdam kapag nabigyan ka. nakakataba ng puso kahit na pag-papanggap lang ang pagbigay sakin ni ty ng bulaklak.
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With a Playboy (EDITING)
Teen FictionTyrelle Standford & Irishelle Smith. (COMPLETED) (I'm editing some cringe parts guys, pero ganon pa din ang takbo ng story so read it na.)