Chapter 67

7.4K 163 1
                                    

Chapter 67

"mommy! saan si tyrelle?" pagbaba ko sa hagdanan, nadatnan ko si mommy at kuya vince,

"morning" saad ni kuya, bumati din ako sa kanya  at umupo sa upuan upang magsandok ng bacon sa plato

"maaga syang umalis kasama ang daddy mo, princess," saad ni mommy at umupo sa upuan,

"huh? nagpunta nanaman sila sa pulis?" tumango si mommy at kumagat ng tinapay, napanguso ako.

Mga isang linggo nang hindi ko na kakasabay si tyrelle, busy kasi sa pag iimbestiga sa mga nangyare this month, jusko kakatampo,

"aalis ako ngayon, princess," napatingin ako kay mommy, "may chill kami ng mga besty ko nung mga elementary days. gusto mo bang sumama?"

umiling ako  "wag na po mommy, chill nyo yun," ngumiti ako

So ako lang pala ang maiiwan dito, eh si kuya vince nasa trabaho sya mamaya, di naman pwede si amber at denver dahil madaming gagawin sa school, hays, kakamiss magaral, kakabored naman kasi dito, puro kain at bukas lang ako ng fb, oh kaya nanonood ng movie,

'kuya" saad ko sa kalagitnaan ng kainan namin,

"hmm" aniya

"may girlfriend kana?" nabilaukan naman sya, agad na inabot ni mommy ang tubig "what's the matter?"

"tskk" masungit na umirap saakin si kuya

Napangisi ako, "So meron  na nga?"

umiling sya at kumain ulet, napasimangot ako "eh? dinedate kuya, meron?"

"i dont have a girlfriend, at lalo na ang dinedate, i dont have one tsk"

"sunget mo naman kuya, nagtatanong lang naman" natawa naman saamin si mommy

"balak ko na nga manghila ng babae dyan sa labas at ipakasal sa kuya mo , tatandang walang --"

"mom naman!!" inis na saad ni kuya vince, napatawa ako,

"aba totoo naman ah" saad ni mommy sa natatawang tono.

"tsk" napatawa ako, kahit kelan talaga si kuya napaka pikon, "i have to go mom," humalik sya sa pisngi ni mommy, at humalik din saakin, "bye, bunso"

"take care, son" pahabol na sabi ni mommy, humarap si kuya at tumango at ngumiti,

Napatitig ako kay kuya, kamukha ko nga sya, kapag siguro maging lalaki ako gantong mukha ang magiging mukha ko,

"walang pinagbago talaga yang kuya mo. Napaka- pikunin" natawa lamang ako,

Yah, bata pa lang kami napaka pikunin na ni kuya, pero kapag yan ang nantrip jusko! maiiyak ka talaga, buti nga ngayon hindi na kami gaano nagaasaran, naalala ko dati na binato ko ng laruan si kuya eh, pano ba naman inasar ako sa crush ko dati kaya ayan bukol abot nya saakin,


nandito ako ngayon sa sala, hinihintay ko si manong obet, dahil magpapasama sana ako sa simbahan, idadasal ko lang sana yung mga pangyayari saamin ngayon, at sana maging ligtas kami especially sa mga babies ko, 

"oh? aga nyo naman atang umuwi" nagtaas ako ng kilay sa asawa kong kakauwi lang 

kiniss nya ako sa cheek, at pagod na tumumba sa tabi ko, "tiring day"


"kumain kana ba?" tumango sya habang nakapikit. mukha ngang pagod, 


"Aalis ka daw?" dumilat sya at tinitigan ako, tumango ako, "give me a 1 hour, sasamahan kita, kailangan ko lang matulog,;' 

Arrange Marriage With a Playboy (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon