Chapter 20

14.2K 308 0
                                    


Chapter 20

Ilang araw na nakalipas pero hindi pa din ako nabalikan ni Dustin. Sabi ni denver kailangan kong magingat kasi hindi ko lubusang kilala ang tukmol na yun. Kwinento saakin ni denver na. Nakapatay si Dustin. Ayaw na ayaw ni Dustin ang napapahiya. Natakot ako. Oo syempre. Di ko naman talaga kilala yun eh. Nakita ko lang yun ng first day. Pano ba naman kasi first day na first day nambully na.

Iniisip ko pa din na pano nalaman ni Dustin. Na gamit ko na ang apelyido ni ty. Magkakilala ba sila?

Ngayon trending na ang nangyare nakaraan. Nagkalat sa campus na Kasal kami ni ty. Nangmalaman iyon ng mga Tynatics ay hindi sila mapaniwala. Nakakarinig pako ng 'gold digger' 'malande' 'assuming' nilalabas ko lang sa tenga ko.

Papasok pa lang ako ng campus ng may humila na saakin.

Napatingin ako sa lalaki. Si Karl. Huminto kami sa gilid.

"Hmmm. Sorry pala sa nagawa Ko nung zambales"nangamot sya sa ulo at yumuko. "Gusto ko lang talaga maging Kaibigan ka. Wala akong na masa---"

Nginitian ko sya "Pinatawad na kita, natakot lang kasi ako na baka maulet ang nangyare nung nasa zambales kami"

"Wait ah. Mag papaka chismoso muna ako. Ano bang nangyare?"

Napatawa ako. bago ko sa kanya at umupo muna kami. duhh hirap kayang tumayo. balik na tayo. Ayon nga kwinento ko sa kanya.

"Kaya...kapag may nagpapakilala saakin iniisnob kona."Andito pa din ang takot. Hindi naman basta nawawala iyon.

"Don't worry! Ibahin moko sa kanila." ngumiti sya saakin. Sa zambales pa lang mukha na talaga syang mabait. "Friends"

Nilahad nya ang kamay nya saakin. Mabilis ko ding inilahad ang kamay ko at nakipag shake hands "friends"

"Yan! Lalo kang maganda kapag ngumingiti"sabi nya.

Namula ako. "H-hindi naman."

"Pa humble pa" natawa sya. "Tara"

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko

Hinawakan nya na ang kamay ko. "Basta"

"Oy.. May klase pa ko"

"Ako bahala sayo."kumindat sya saakin.

Huminto kami sa "ICE CREAM!!"namangha ako.

"Tara pasok tayo."Hinila nya ako papasok. "anong flavor sayo?

"Cookies and cream. Hihi" kumikinang ang Mata ko. Grabe di na ko nakakain neto.

"Great. Parehas tayo ng gusto." tumungo kami sa counter. "Miss" lumingon saamin ang babae.

"Oh sir! May girlfriend na agad kayo? Kala ko ba kayo ni clo--" saad ng babae sa counter. Nangunot noo ko. Ok OP ako.

"She's not my girlfriend."tumingin sya saakin. At ngumiti "Kaibigan ko lang sya."

tumango ang babae. "can I take your order sir."

"Dalawang cookies and cream. Large ah" hinila nya ako at umupo kami sa upuan.

Mayamaya nasaamin na ang mga order namin. "Grabe walang kupas ang sarap ng cookies 'n cream dito" nilamuta ko lang ito. isa Ito sa mga paborito ko.

"Mahilig ka din pala sa ice cream" aniya

"Oo naman. bata pa lang ako dito na talaga ako pumupunta.eh ikaw hilig mo din diba ang pagkain ng ice cream" Ngumiti ako.

"Yeah. Eto din ang favorite ko. bukod kasi sa masarap nakakatanggal pa ng problema"ngumiti sya.

Nagulat ako ng dumampi ang daliri nya sa bibig ko. Pinunasan nya ito. "kalat mo kumain. Haha"

"Ah eh. Ganyan talaga ako kumain hehe" tumawa ako ng pilit. nakakahiya!

"Tara na." Hinila nya ako.

••••

"Anong lugar to!" Sabi ko. Ano bang lugar to! Alam ko lang ang mga ganto ay Enchanted kingdom, Disneyland, Star city yun lang alam ko eh.

"Seriously?!"Di makapaniwalang saad nya. "Perya to!"

Perya? Ngayon ko lang nakarinig yan ah "Sanay ka kasi sa mamahalin" tumawa sya. "Promise maganda dito."

Naglakad na lang kami. Halos lahat ng Mata ay saamin nakatutok ay hindi kay Karl. Pogi din naman sya. Mabait. kutis mayaman. Hehe.

"tara dito tayo sa hagis piso."tumango ako at nanood sa kanya. May nakabox duon na nakalagay na 7, 5, 10 etc bawat box isang number. "Yes.. Give me may 20 pesos" binigay sakanya ng nanghahakot ang 30 pesos. mukhang maganda nga ito.

"Gusto mo ba. Bigyan kita ng coin" umiling ako at kumuha sa bag. Pagtingin ko puro 500. Buti na lang may 100

"Ate pwedeng papalit" ginaya ko lang ang babae kanina.

Grabe ang saya ng mga laro dito. "Gutom kana ba?"

"Oo eh."hinila ko sya sa nagtitinda ng mga pugo.

"Manang. Bigyan nyo nga po kami ng tig 10 piraso ng pugo" binigay saakin ni manang.

nilapit ko sa kanya yung pugo. "What's that." Nandidiring saad nya.

"pugo.Masarap yan" Ngiti ko. Kinain ko. Habang sya nakatingin lang sa pugo.

"Malinis ba to? Baka naman magkasakit tayo neto" Tanong nya.

"Of course. matagal na kong nakakain neto pero di naman ako nagkakasakit" saad ko. "Bilis kainin moto" sinubuan ko sya. Dahan-dahan nya itong kinain. Mukha syang nandidiri talaga.

"Ano?" Tanong ko dito.

Tumango sya "oo ang sarap nga." Sinubo nya ulet ito. bang maubos ay nag order ulet sya. Gusto kong tumawa.

Naglibot-libot pa kami. Naglaro rin kami. Kahit na ganto pala kamura dito masaya din pala.

Napatingin ako sa cellphone ko ng mag vibrate ito.

Tyrelle:

Where have you been?!

Tyrelle:

Its already 6:30 irish. Where the fvck are you.

"gusto mo na bang umuwi."Tumingin ako kay Karl. Pinasok ko ang cellphone ko sa bag.

Tumango ako. Ngumiti sya at "tara papatawag ko kang driver namin"

"Ah wag na. Kaya ko na. Kakahiya naman" saad ko.

"Sge na. Gabi na oh mamaya kung ano pang mangyare sayo" ngumiti sya at may kinausap sya sa cellphone

Mayamaya pa ay andito na ang kotse. Lumabas ang naka uniform na lalaki at nagbigay galang kay Karl.

Binagbuksan nya kami. Umupo ako,duon.

"saan ba bahay nyo." Tanong nya.

"Sa village ng mga Standford lang." tumango sya. Lumipat kami ni ty ng tirahan. Gusto kasi ng mommy ni ty ay magkakalapit lang kami ng bahay. Nang sa ganun ay madali nya kami mapuntahan.

"dito na lang Karl. Salamat sa ride" ngumiti ako. Hinawakan nya ang braso ko.

Tumingin ako sa kanya "ah. Salamat nga pala sa tiwala." ngumiti sya.

Ngumiti ako "wala yun you deserve it. Anyway thank you ah. Masaya ka pala kasama" natawa kami.

"Pasok kana."Ngumiti sya.

I wave my hand. "Goodbye Karl. Goodnight"

"Goodnight. See you bukas" ngumiti sya at pumasok sa kotse.

Sinundan ko ito ng tingin. Ng mawala na sila ay agad agad akong pumasok.

Arrange Marriage With a Playboy (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon