Chapter 68

6.5K 142 2
                                    

Chapter 68

Pag labas ko, ay hinanap ko agad  si ty, saan nag punta yun? sabi ko dito lang eh,

lahat ng tao sa cr ay masama ang titig saakin, miski paglabas ko ay pukulan ng mga masasamang titig saakin,

Paghakbang ko ay may naapakan ako sanhi ay nadulas ako, saging? laking pasasalamat ko na hindi naapektuhan ang tyan ko kundi ang likod ko lang, wala man lang miski isang tumulong saakin, kaya sinikap ko na tumayo ulet, kaya lang pagtayo ko ay natumba nanaman ako dahil sa hindi ko kaya ang tumayo.

Naluluha na ako, katyawan at tawanan ang mga nadinig ko sa paligid, wala man lang may balak tumulong, asaan kana ba tyrelle? sabi ko sa sarili ko,

Napatingin ako sa kamay na nasa harap ko, "k-karl?" saad ko, nagalinglangan pa ko na kuhain ito, Pero bandang huli ay kinuha ko ito,

"s-salamat" hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, pinagbagan ko ang sarili ko,

"ikaw lang ba magisa? tara hatid na kita" nataranta ako ng hawakan nya ang balikat ko,

Nadulas ako sa pagtataranta, buti na lang ay nahawakan ni karl ang likod ko, at napahawak ako sa dibdib nya, nagkatitigan kaming dalawa,

"wow!" napatayo ako ng tuwid ng marinig ko ang boses ni ty, pumalakpak sya, pero alam ko na sarcastic lang yun, "You and Karl, are friends huh? ay, hindi friends with benifits pala"

Nakita ko ang galit sa mata ni ty, sa huli nyang sinabi, kumalabog ang puso ko ng sumugod sya kay karl at pinagsasapak - sapak, napatili ako ng matamaan ako ng kamao ni ty sa gilid ng tyan, pero hindi man lang ako tinignan ni ty, napaupo ako dahil sa kirot.

Nagkahiwalay lang silang dalawa nang dumating ang mga gwardya, napapikit ako sa daming galos nilang dalawa, nakita ko na pagalit nyang inalis ang kamay ng gwardya at dinuro si karl, ngumisi lang si karl,

Tumalikod si tyrelle, kahit na nahihirapan ay tumayo ako, hinawakan ko ang kamay ni ty, nagulat ako ng pahagis nyang binato ang cellphone nya, bago ko tignan ay tumingin ako sa kanya, nanlaki ang nangingilid ang luha ko habang niswa-swipe ang mga picture namin ni karl na naghahalikan, nanlamig ako, feeling ko tinakasan ako ng mga dugo

"h-hubby...M-mali...Ang iniisip mo" naiiyak kong saad.

"this is your revenge huh?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, "NO"

"Eh ano yan!!!!" tinuro nya ang picture, " those fucking picture!!! na naghahalikan kayo ng tarantadong lalaking yun!" napapikit ako sa sigaw nya, "Kahit hindi mo sabihin, gumaganti k-"

Isang malakas na sampal ang ginawad ko sa kanya, tumawa sya at hinawakan ang pisngi, namula ako kaya hinawakan ko ulet sya pero kinabig nya ako, "Get out of my life. I dont need you!"

Naiyak ako, "h-hubby pls.... Magpapaliwanag a-ako. Wag naman g-g-ganto..." 

napaluhod ako ng pumasok sya sa kotse at hindi man lang ako tinignan, napahagulgol ako habang tinatanaw na umalis ang kotse ni ty.

-------------

sinundo ako nila mommy, umiiyak din si mommy pero ako tulala lang sa nangyare, di ko magawang sagutin ang mga salubong tanong nila saakin,

"dad, ibaba mo na lang po ako sa luneta park,"

"what? masyado nan--"

"DAD!" napataas ang boses ko "pls.... Gusto kong mapagisa,"

Nagkatitigan sila mommy at daddy, huminga ng malalim si daddy bago niliko papunta sa gusto kong puntahan, "princess, andito lang kami, "


Arrange Marriage With a Playboy (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon