Chapter 22SATURDAY. Maaga akong nagising para mag jogging. Buhay na buhay pa din ang bilbil ko. Tsk kailangan magpasexy.
Takbo lang ako ng takbo. Ng mapansin ko ang Lola. "Lola. Ok lang po ba kayo" tanong ko dun. Mukhang may sakit sa kanya kaya inalalayan ko sya. Pinainom ko sa kanya ang mineral na dala ko.
"Salamat. Ineng" ngumiti si lola.
"Ok lang na po ba kayo lola." Saad ko.
"Ay. Oo naman ineng. Medyo na pagod lang." Ngiti nya. Para syang si grandma bungisngisin.
Namimiss ko tuloy si grandma. Si grandma kasi ang close ko sa lahat. Kapag umiiyak ako lagi sa kanya ko sinasabi. Kapag matutulog naman ay kwinekwentuhan nya ako ng mga story.
Nagulat ako ng hawakan ni lola ang palad ko. "Ineng. Magiingat kayo" kinabahan ako.
"May isang mamamatay. Malapit sayo. Magiingat ka ineng."Lalo akong kinabahan. Gusto kong tumakbo sa sobrang kaba. "Po?? S-sino naman po."
"Magiingat ka ineng." Nagsimulang maglakad si lola. Napatulala na lang ako. Sino. Sino ang mamamatay. NO! walang mamamatay. Wala.
Napaupo na lang ako sa upuan. Gulong gulo ako sa sinabi ni lola. posible bang may isang mamamatay sa isang napaka importante saakin.
"Lalim ng iniisip natin ah" napatingin ako sa nagsalita. Umupo Ito. Si karl.
"oh ikaw pala karl." Ngumiti ako.
"may problema ba?" Saad nya.
Ngumiti ako "wala ah. May naiisip lang ako."
"Uuwi kana ba. Kakain kasi ako ng breakfast. Gusto mo bang sumama?" Tanong nya.
Mabilis akong sumagot. "Sige ba. Basta libre mo"
Ginulo nya ang buhok ko. "Of course. kaya nga kita niyaya eh. shall we go. Para makauwi na tayo ng maaga"
Tumango ako. Buti na lang talaga isang tawag lang ni karl sa mga driver nila andito na agad.
Hindi ko inisip ang nangyare kanina. Mukha akong lalagnatin kapag naiisip ko pa yun. Mas mabuti wag na lang isipin.
"Ang takaw mo talaga"tumawa sya. "Kaya ka tuma---"
"ANO AKO MATABA!!"how dare he. Grrrr! aambahan ko Sana sya ng pagpukol ng tinidor kaso nailagan nya na ito.
"whoaaa. Easy. Easy" tumatawa sya. Ngayon ko lang napagtanto na marami saaming nakatingin. "Joke lang naman. Slight lang naman na mataba ka ah"
Sumimangot ako. Naknang puta oh! Kung hindi ko lang to kaibigan na sungalngal ko na sa kanya tong kutsara.
"Oy. Sorry na" kinalabit nya ako. Hanggang ngayon naiinis pa din ako sa kanya.
"SEXY SI IRISH. SEXY SI IRISH. SEXY SI IRISH. SEXY SI IRISH" sumisigaw sya. Halos lahat ng tao napapatingin saamin.
Namula ako. "U-uy. A-ano ba."
"Patawarin mo muna ako" nakanguso nyang sabi. "Aba ayaw mo ah. SEXY SI IRISH. SEXY SI IR---"
Tinakpan ko ang bibig nya. Tinangal ko din ito. Nakanguso sya saakin. "Bat ayaw mo ba kong patawarin. Nagsosorry na nga eh" mukha syang bata! Hihihi. Ang cute nya!
"Tara na nga umuwi na tayo." Hinila ko sya papasok sa kotse.
Nakanguso lang sya habang nagmamaneho. Huminto kami sa tapat ng bahay. Pinagbuksan nya ako.
Hanggang ngayon parin naka simangot pa din sya. "Uy. Ang pogi mo" tumawa ako
"Shut up" tinarayan nya ako.
"Ay. Hahahah" tumawa ako. Tumingin sya saakin. "Bakla ka ba?"
"Ano ako? Bakla psh" inirapan nya ulet ako.
Kaya ang ginawa ko ay lumapit at kiniss sya sa pisngi. Mukha syang nagulat nakita ko pang namula ang kanyang mga pisngi.
"sorry and thank you" wala namang masama kapag ikiss mo lang ang kaibigan mo diba. Gusto ko lang naman magpasalamat sa kanya.
"S-sge na nga"umiwas ang tingin nya. "Pumasok ka na dun"
tumango ako at kumaway sa kanya. Ngumiti sya at pumasok sa kotse. Umiling iling ako ng makapasok ako dun.
Pagpasok ko sa bahay. nakaupo si ty sa sofa at nanonood. "andito kana pala." Nagulat ako ng magsalita sya.
"Ah eh kakauwi ko lang. Nagaya kasi friend ko eh." Saad ko.
"Friend mo pero nakikipaghalikan ka??" Tumingin sya saakin.
Kumunot-noo ko sa sinabi nya. "Anong nakikipaghalikan. Duh friend kiss lang iyon. Tsaka "
Sa pisngi ko lang naman hinalikan eh."sagot ko."Kahit na!" Napataas ang Boses nya. "May Asawa kana. Dapat. Aish" nagkamot sya ng ulo at padabog na naglakad pataas.
Seriously?! Anong problema nun.
Tyrelle's pov
kanina ko pa silang pinagmamasdan. sya yung lalaking nambastos sa nung nasa zambales kami. Tsk.Halos punitin ko na ang tela ng bintana namin ng makita kong hinalikan nya Ito.
Padabog akong pumunta sa couch at binuksan ang tv. Narinig kong bumukas ang pintuan
"Andito kana pala" pilit kong kalmahin ang sarili ko.
"Ah eh kakauwi ko lang. Nagaya kasi friend ko eh." Friend pero hinalikan. Fantastic! Tsk
"Friend mo pero nakikipaghalikan ka?!" Inis kong sabi.
Kumunot ang noo nya. "Anong nakikipaghalikan. Duh friend kiss lang iyon. tsaka sa pisngi ko lang naman sya hinalakan eh" tugon nya. Lalo akong nainis. friend kiss. Tsk
"Kahit na."Hindi ko mapigilan ang magtaas ng boses. "may asawa kana. Dapat. Aish" nagkamot ako ng ulo at padabog na umakyat sa taas. Ng makapasok ako ay ginulo ko ang buhok ko. What happened to me?
Bat grabe akong makapagreact.Alam ko kung sino makakasagot kung ano bang gumugulo sa isip ko ngayon...
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With a Playboy (EDITING)
Teen FictionTyrelle Standford & Irishelle Smith. (COMPLETED) (I'm editing some cringe parts guys, pero ganon pa din ang takbo ng story so read it na.)