Chapter 72
Nanlaki ang mata ko na andun si tyrelle, nakangiti sya saakin at may hawak na gitara.... Nagsimula nyang kalabitin ang gitarang hawak nya
Uulit- ulitin ko sayo......
Ang nadarama, ng aking puso
Ang damdamin ko para lang sayo ohh.
Tinaasan ko sya ng kilay at walang pagalinglangan na tumalikod, napa, whoaaa' naman ang iba , i dont waste my time para dyan sa bastardo na yan,
Pero bago pa ako makaalis ay hinarangan ako ng mga tao ,
"Excuse me?!" Inis na saad ko,
"Wag ka nang umalis miss"
"Dyan kana muna miss, sayang effort oh"
"Kaya nga"
"Aba! Ayoko nga dyan," inis na sambit ko "ayokong makita yang kutong lupa na yan! I hate him...... Umalis nga kayo!"
Imbis na umalis ay umabante sila, para mapalapit ako Kay tyrelle, gusto Kong magwala! Ano bang tema nila! Bwisit!
Gigil kong tinignan si tyrelle, naka pamulsa sya at nakangisi, "Anong nginingisi mo dyan,"
Mas lalo syang ngumisi, seriously?!? Nangiinis pa to! Bat ang gwapo kainis!
Wala na syang hawak na gitara, "Ano?" Nakapameywang ko syang tinaasan ng kilay "Ano suko kana agad? Haha" mapait akong tumawa "Sabagay, MABILIS ka din naman magsawa! Pati nga nan---"
Bago ko pa masabi yun, isang malambot na labi ang humalik sa labi ko, naghiyawan ang mga tao,
"Masyado kang maingay, asawa ko" bulong nya sa tenga ko na nagpatayo ng mga balahibo ko ,
Tinulak ko sya, " Wag mo Kong madaan daan dyan, tyrelle, dahil ako naiinis pa din akong makita ka! " dinuro ko sya " Saan na ba kasi sila mommy, ng makaalis na! "
Tumalikod nako, bago ko pang hawakan ang maleta ko ay isang maingay na tilian ang naririnig ko, may nag bibidyo, may umiiyak, bat ang oa? Humarap ako kay tyrelle
Natuptop ko ang bibig ko, nakaluhod si tyrelle at nakikita kong namumula ang mga mata nya, now i know, kung bakit umiiyak ang mga tao
Sa sandaling yun, parang lahat ng galit at inis ko parang natunaw, Hindi ko pala kayang iwan sya.....ayoko mawalan ng ama ang mga anak ko, ayokong iwan sya dahil mahal ko sya,
Nilapitan ko sya at lumuhod din, kahit nahihirapan dahil sa laki na ng tyan ko nagawa kong pantayan sya,hinawakan ko ang baba nya, at pinunasan ang mamasa-masa sa luha nya, then kiniss ko sya sa noo,
" Ang hirap... Ang hirap mong iwanan, tyrelle, i try! So many times but.....sayo pa din nalapit ang mga paa ko, k-kasi....kasi ikaw daw ang mahal ko at wag akong lalayo sayo" napapaos kong saad, ngumiti ako sa kanya, hinawakan ko sya sa kamay at tinulungan sa pagtayo,
Kasabay ng paglaki ng mata at kalabog ng puso ko ng makitang lumuhod sa harapan ko si ty, may naglakad saamin "M-mommy"
Ngumiti si mommy saakin at binigay kay tyrelle ang Mic, kumindat saakin si mommy at umalis hindi ko magawang sundan si mommy ng tingin dahil napako ang mata ko sa lalaking kaharap ko,
" it's been a month.... nah, kalahati na ata ng taon, simula ng makilala kita, aaminin ko na ayaw kita ng una dahil napaka- childish at mataray ka," saad nya " Naalala ko nung first day, nagpabida ka, at ayoko sa lahat ng ganun, nagkasagutan tayo pero aaminin ko na, natatawa ako habang nakikita kang nanggagalaiti sa galit"
Napatawa sya, ako napasimangot, really? Naalala nya pa yun, " Sa totoo lang, wife, planado ang lahat.... Lahat ng pagpapakasal natin at sa kontrata" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, tinignan ko si mommy pero nakatago lang si mommy sa likod ni daddy " Plano ko yun, tama si mama , Irish, simula pagkabata and the first time I saw you, I know ikaw na. Ang bata pa lang natin that 'time ng sinabi ko Kay mommy na ikaw ang gusto kong mapangasawa pagtungtong mo ng 18, ayaw ni daddy dahil ang bata ko pa daw para sa ganun at madami pa daw akong makikilala, di ako pumayag, kinulit ko sila daddy, pero sa huli napapayag ko sila, kaya sila mommy na ang gumawa ng kontrata at pinalabas na ginawa nilang dalawa na ipagkasal tayo, " ngumiti sya, nakatulala lang ako sa kanya, mommy should tell me about this later! " Di nga ako nagkamali, ipinakasal tayo, ayun ang pinaka-masayang araw sa buhay ko, naging tayo, and...." May nilabas sya sa bulsa nya,
Nangingilid ang luha ko ng makita ko ang diamond ring na, pangarap ko na ayun ang magiging ring ko kapag ikakasal ako, "yung box na nakita mo that time na unang araw natin sa bahay, " ah-huh! Naalala ko na "Ayokong ipakita sayo yun Diba, dahil andun yung diary mo, nakita ko lahat ng mga gusto mo, gusto mo ng gantong ring...gusto mong makasal sa beach, gusto mo ng limang anak dahil kayo lang dalawa ng kuya vince mo ang anak, gusto mo madami dahil masaya." Napangiti ako,
"Lahat ng yun kaya kong tuparin.. Ayoko ng kontra-kontrata!" Nilabas nya ang papel na sa tingin ko ay kontrata, pinunit nya yun sa harap ko "Gusto ko yung tunay, namaidadala kita ulet sa altar, I wanna grow old with you, wife... gusto ko ikaw ang magiging ina ng mga anak na bubouin nating dalawa.. Gusto ko paggising ko maganda mong mukha ang bubungad sa umaga ko, gusto kong tumanda na kasma ka, kung saan pa yan, I 'Wanna be with you.... Forever Irish, Will you marry me? "
Tinignan ko sya ng sandali, at hinalikan sya sa labi, "Yes, I will marry you, "
Kasabay ng pagsagot ko ang pagtugtog ng isang magandng musika ang bumabalot saaming lahat
"Omy. ",
"Whoooooa Hindi na uhugin si bunso"
"Best friend namin yan, "
"Binata na ang Tutoy namin"
Niyakap ako ni tyrelle sa sobrang tuwa, bumulong sya saakin, "I love you asawa ko"
Tumingala ako, "Always and forever" dugtong ko
Then we kissed again, at yumakap sya ulet saakin, naririnig ko ang bilis ng tibok ng puso nya, we'are same actually, parang naghahabulan ang mga puso namin,
I guess..this is the one of my favorite day ever! "Di kana aalis ah"
Tumango ako, "Promise" nakapout sya saakin
Natetempt tuloy akong halikan sya, "Walng aalis dahil magagalit ang asawa ko "
----
MERRY CHRISTMAS KA- READER!!!!!
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With a Playboy (EDITING)
Teen FictionTyrelle Standford & Irishelle Smith. (COMPLETED) (I'm editing some cringe parts guys, pero ganon pa din ang takbo ng story so read it na.)