Chapter 16:

14.3K 342 1
                                    


Chapter 16

"Hey! Matagal kapaba dyan? Hindi na natin maabutan ang sunset."

Sunod-sunod na malalakas na katok ang nagpalingon sakin sa pinto, "Tapos na." sigaw ko at nagmamadaling lumabas ng banyo

Nakabusangot naman nya akong tinignan at hinagis bigla ang white longsleeve polo shirt nya. "Wear it." utos nya "shorts are too short."

"Kaya nga short eh." pabalang na sagot ko sa kanya, oh ayan nanaman sya makatingin nanaman kala mo kakainin ako ng buhay. sinuot ko na lang yun para hindi na kami magtalo ni tyrelle

ngumiti naman ako dahil maayos naman pala ang suot ko, tinupi ko na lang hanggang siko ang longsleeve ni tyrelle dahil mahaba 'to sakin. sa panloob ko, black tshirt ang suot ko at white short na maikli, sakto naman sa longsleeve na binigay sakin ni tyrelle kaya nga lang hanggang tuhod ko para ko na tuloy bestida 'to.

"Better." he smirked, isinabit nya ang kanyang sunglasses sa ulo at sabay kaming lumabas ng kwarto. Pagbaba pa lang namin sa hagdan agad na may sumalubong na babae at lumingkis agad sa braso ni tyrelle

"Where are you last night? akala ko pupuntahan mo ko sa room ko, I've been waiting for you to come." malanding bulong nito kay tyrelle, sapat na para marinig ko

Sya yung babaeng nakahalikan ni tyrelle, hindi ako pwedeng magkamali at sya talaga yun. pilit na tinatanggal ni ty ang pagkakahawak ng babae sa braso nya kaya lang likas na linta nga 'tong babae at hindi magawang umalis

hindi nako nakatiis at inis na bahagyan tinulak ang babae at ayun, sa wakas. naalis din ang pagkakahawak nya sa braso ni ty.

"Oh? I'm so sorry, akala ko kasi linta kaya tinanggal ko agad sa braso ng asawa ko. Alam mo na kapag maalaga kang asawa hindi mo hahayaan may dumikit sa asawa mo." pang-asar na sambit ko habang nakahawak pa din sa braso ni tyrelle

"Kasal kana? but when?" hindi makapaniwalang usal ng babae at tumingin kay tyrelle,

"Sorry, no pets allowed eh."

"I told you, you won't listen and you keep pushing yourself to me." kibit-balikat na sambit ni tyrelle sa kanya

bahagya kong siniko si tyrelle dahil narinig ko ang mahinang pagtawa nya. Whats so funny?pinandilatan ko sya ng tingin at muling tumitig sa babae.

"So if you'll excuse us, aalis pa kasi kami at manonood ng sunset.naku kung hindi namin maabutan ang paglubog ng araw baka mabadtrip ako at ikaw ang mapalubog ko." banta ko sa kanya na agad naman nagbago ang mukha nya

"S-sorry." napapahiyang yumuko sya at mabilis na tumalikod saming dalawa.

mabilis kong inalis ang kamay ko at tinapunan ng masamang titig si tyrelle na ngayon ay tumatawa na

"Damn, wife. You're such a fighter." hindi makapaniwalang usal nya habang natatawa pa rin

Inirapan ko sya sa inis, hindi talaga ako natutuwa sa mga babae nya! kung saan man kami pumunta madaming nakikiepal. "Tara na, at baka ikaw pa ang mapalubog ko kapag di natin maabutan ang sunset."

"Hey, wait up!" sigaw nya at nagmamadaling tumabi sa tabi ko para sabayan ako sa lakad "Tell me, nagseselos kaba kanina?"

"Yuck! bakit naman ako magseselos? hindi kaselos selos ang mga cheap mong mga babae."

naiirita na talaga ako dito sa lalaking 'to. bakit naman ako magseselos kung alam ko naman na mas maganda ako sa kanila? pero hmp ayoko pa din na may ibang kinakausap na babae si ty o hinahawakan. I just don't like it

Arrange Marriage With a Playboy (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon